He's My Bodyguard

2K 119 18
                                    

"When I look at you, I see forgiveness. I see the truth. You loved me for who I am, like the stars hold the moon." Miley Cyrus

Book Two

"MY, who is that guy, Zuri dear?"

Sinundan ng tingin ni Zuri ang direksyong tinitingnan ng kaibigang si Angelique. Boluntaryong umarko ang isang kilay ng dalagang diva nang matutok ang mga mata niya sa lalaking nakasuot ng tuxedo. Si Sebastian Tiu. Ex-Marine Ops, marksman and martial arts expert. And darn it, now there's an additional to his list of redeeming qualities: irresistibly hot. The male celebrities around them that night would pale in comparison to that man.

"Well?" untag ni Angelique na nagpabalik sa isip ni Zuri sa kasalukuyan.

"He's my bodyguard."

"Seriously? That hunk of a guy is your bodyguard?"

Naitirik niya ang mga mata sa reaksyon ng kaibigan.

"Yes. That hunk of a guy is my bodyguard," so back off, muntik na niyang maidugtong.

"Kapag nahuli na 'yong stalker mo, puwede bang ibalato mo na lang siya sa akin," bumubungisngis na turan ni Angelique.

Hindi napigilan ni Zuri ang irapan ito. "Bakit? Ano ba ang tingin mo sa bodyguard ko, perang tinamaan sa lotto?"

"Ito naman. Sige na. Kunwari meron din akong stalker."

Hindi nalingid sa kanya ang double meaning sa likod ng tinuran ni Angelique. Na ang nangyayaring panganib sa kanyang buhay ay gawa-gawa niya lamang at ng kanyang manager upang siya'y mapag-usapan. Upang muling maging matunog ang kanyang pangalan sa mundo ng showbusiness.

May isang taon din kasi siyang namahinga sa pagkanta nang maratay sa isang malubhang karamdaman ang kanyang ama. At kahit establisado ng maituturing ang kanyang pangalan sa industriya, batid niyang ang kalakaran sa mundo ng showbiz ay "out of sight, out of mind". Good thing she had loyal fans and supporters. Tapos out of the blue ay lumabas nga itong stalker niya.

Kung anu-anong malalaswang mensahe ang ipinadadala sa kanya. Loveletters na naglalaman ng mga sexual fantasies nito ukol sa kanya, sending her creepy stuff like pubic hair and a set of battery operated vibrator, hacking her social media accounts and the worst thing that sent her over the edge was when he crashed into her home. Leaving a smear of blood in her bed.

Nang malaman ito ng Ninong Gustav niya ay ipinadala nito sa kanya si Sebastian Tiu. Her Ninong was a retired Admiral who had connections in high places. At nang hindi makatawid ang kanyang ama sa malubhang sakit ay inihabilin siya nito sa matalik na kaibigan, sa kanyang Ninong Gustav.

Her stalker is quite resourceful. Madulas din at mautak. Halos anim na buwan na itong ini-imbestigahan ng mga pulis, subalit hanggang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin silang makuhang lead. Even the pubic hair he sent the first time was a dead end. It was made of synthetic fiber. At 'yong dugo sa kanyang kama ay mula sa isang patay na hayop.

Hindi siya komportable sa mga nangyayari. At ang malisyosong haka-haka na ginagamit niya ang isyung iyon upang siya'y mapag-usapan ay nakakapikon. Walang ideya ang mga taong ito kung gaano kahirap para sa kanya ang mamuhay na parating may agam-agam sa dibdib, 'yong takot na baka magising na lang siya sa hatinggabi na may nakatutok sa kanyang kutsilyo, o di kaya naman ay hindi na siya magising kinabukasan at matagpuan na lamang siyang isang malamig na bangkay.

Tinalikuran na lamang ni Zuri ang kausap at sinikap plasteran ng matamis na ngiti ang mga labi habang nakikihalubilo sa mga kapwa taga-showbiz.

********

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon