ONE SHOT STORY

69 0 0
                                    

Alam mo yung pakiramdam na biglang may nag chat sayo ng Hi :)...una sineen mo lang pero maya't maya na feel mo na bored kana so chinat mo nalang din sya,yun nag kakilala,nag kwentuhan,katawanan,hanggat sa ilang linggo na ang lumipas pakiramdam nyu sobrang close nyu na ang isa't isa..Nasanay ka na nalagi syang online at may maibibigay na topic sa iyo kapag boring ka..tapos gustong gusto mo pa siyang ka text kasi mabilis siya mag reply..Maagang nagigising kinukuha ka na kaagad ang cellphone "Good morning" unang message na mababasa mo galing sa kanya,Kitang kita na kaagad ang napakatamis mong ngite..sabay rereplayan mo naman ng Good morning din :) nag breakfast kana?, di ka tumatayo sa kama mo hanggat di pa siya nakaka reply...Sa tuwing tumutunog ang cellphone mo natataranta ka kaagad na kunin ito dahil nag babasakali kang nag reply na siya..kaso ang masaklap Globe lang pala yun...sabay sad face na parang nawalan ka nang gana... Oppps but wait wag kaagad mawalan ng pag-asa nag ring ulit ang phone...Ahmmm SLR nag basketball kasi ako, Oo :) ikaw?...Ahm eto to kakagising lang..Halos araw araw kayong nag tetext,call,at chat halos lahat ng oras mo nakalaan para mag hintay ng reply nya, Minsan nag dadalawang isip ka pa na kung sino sa inyong dalawa ang unang mag tetext..ikaw ba o siya?..Minsan nag aaway kayo sa di malamang dahilan..di naman kayo pero grabe kung mag katampuhan..Pero sa totoo lang di mo naman siya matiis kaya sa huli ikaw ang nag sosorry... Tapos ikaw naman tong parang tanga nah hindi kakain hanggat di sya nag rereply,Maya't maya friends nanaman ulit kayo, Balik nanaman sa isang magandang usapan..nakakatawa kasi away bati kayo di mo alam kung bakit...minsan kung late sya mag reply nag tatampo ka kaagad kasi feeling mo may inuuna syang ibang tao kaysa sayo, Yung feeling na para Di mo na sya ma text is i off off mo yung cellphone mo tapos matutulog ka nalang...tapos mamaya i o on mo nanaman sabay titignan kung nag message pa ba siya, minsan na sasaktan ka kasi sa tuwing nag stalk ka sa fB nya may nakikita kang bagay na di naman nararapat na pag tampuhan..Yung dating taong sweet at laging nandiyan para sayo is yung taong di na nag rereply at parang wala ka nalang sa kanya ngayon..Tinake advantege mo kasi ehh..sinanay mo yung sarile mo na nandiyan siya palage para pakinggan ka at para kausapin ka..nakalimutan mo yung nakatatak sa isip mo na pansamantalang ligaya lang dapat sya..kaya ngayon ikaw tuloy ang na abala. May pasabisabi ka pa noon na kahit kailan di ka na ulit mag mamahal pero kahit anong gawin mo hanggat may nakikilala ka umaasa't umaasa ka parin...kahit ilang beses mo sabihin sa sarile mo na parehas lang yan silang lahat. sabi nila ganyan daw talaga pag mahal mo...kahit naiinis ka na, wala kang karapatan magalit,mag selos o kahit saktan sya kasi di naman sya sayo ehh,Di naman kayo, isa lang naman siyang tao na pumasok sa buhay mo na sa huli iiwan ka lang. at kapag nasaktan ka na sasabihin mo nanaman ang salitang "DI na sana" Kita nakilala pa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Di Na Sana.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon