08

11 0 0
                                    


eto na yung pinakahinihintay ng lahat sa debut, ang inuman. lezzgooo. oo iinom talaga ko ang bigat ng puso ko eh. naisipan ko muna na ichat si baekhyun.



Wendy: love

Baekhyun: oh?

Wendy: inuman na po hahahaha nagsstart palang pero si Yeri tumba na agad, partida dalawang shot palang aba

Baekhyun: sige po

Wendy: magpaparty muna kami ha? i loveeeee youuuuu

Baekhyun: okay

Wendy: sabi ko i love you


hay, pagtapos niyan ay di na ko nireplayan. ayos ba yon? saya yon? oh tara shot! pagkatapos ng ilang shots, ramdam kong hilo na ko, at anytime, pwede na ko maglabas ng sama ng loob sa mga kasama ko. ang kasama ko ngayon, tropa ko at tropa ni mark tuan. oo kami kami nalang ang natira dito.

hindi kasi sila uuwi, hangga't di kami umuuwi. ang sweet diba. baka nga ihatid pa kami nitong mga 'to. nararamdaman ko na yung luha sa mga mata ko. "puta ang sakit, hindi na ko mahal ni baekhyun" yan ang unang lumabas sa bibig ko

"hindi manlang niya ko kinakamusta, alam niya na ngang marami akong problema sa pamilya, dadagdag pa siya. pagmamahal ba yun?" sunod-sunod kong sabi habang umiiyak. sila seulgi, niyayakap na ko. mga boys? sabi nila sakin maglabas lang daw ako ng sama ng loob hindi daw nila ako ijujudge HAHAHA.

"si mama, may iba na. may bago na. at pag graduate ko daw ngayong school year na susunod, ay iiwan niya na ko." hindi sila nagsasabi ng kung ano-ano, pinaparinggan lang nila ang mga sinasabi ko. pero laking gulat ko nang magsalita yung gago, oo si mark.

"wendy, tangina mo wag ka na umiyak. parang gago umiiyak habang tumatawa. hayaan mo, ako na ang magpprint ng research mo sa susunod" hinayupak talaga kahit kailan. pero pagtapos niyang sabihin yun ay niyakap niya ko.

nighttime | markdyWhere stories live. Discover now