Bato, Bato, Pik (One Shot)

16 1 0
                                    


Bato bato pik!

Bato bato pik!

Bato bato pik!

Gunting ba ang pipiliin ko? O bato? Pero pa'no kung papel pala ang tama?

~ ~ ~

Tatlong taon na kaming di nagkikita ni Denisse, isang kaibigan na sobrang lapit sa akin.

Ang huli naming pagkikita ay 'nung panahon pa ng graduation namin. Galing kami sa magkaibang mga courses. Ako ay HRM student at siya naman ay student sa isang Business course.

Mayroon kaming paboritong laro na kadalasan naming ginagawa kapag humaharap kami sa mga mahihirap na desisyon, at 'yun ay ang "Bato Bato Pik".

Janken, Rock Paper Scissors, Bato Bato Pik o ano pa mang tawag diyan, mahalaga sa amin ang laro na 'yan.

Ngayong gabi, nakatambay ako sa airport at hinihintay ang paglapag ng kaibigan kong ito.

Nakapostura nga akong matatawag sa gabing 'to dahil sa ayos ng aking pananamit at malakas na pabango na aking winisik sa buong katawan. Mapagkakamalang manliligaw o asawa ako ng babaeng susunduin ko ngunit hindi iyon ang sitwasyon dahil hindi naman kami.

Ilang minuto na lamang ay makikita ko na siya. Kamusta na kaya at ano na ang balita sa kanya?

Naghalo ang mga tunog na maririnig sa paligid; boses ng mga tao, tunog ng mga maleta, announcement ng staff, dagundong ng eroplano at iba't-ibang klase ng mga ingay.

Sa di kalayuan, agad kong naaninag siya na naglalakad papalapit sa akin. Parang walang nagbago sa hitsura niya, maganda pa rin katulad noon.

"Hey Ronnie! Long time no see, kamusta ka na?" sabay yakap niya sa akin.

"Denisse! I miss you, ganda mo pa rin ah, mukhang masaya lagi." yakap ko pabalik.

"Oo naman, things went great sa US. So how are things here?" tanong niya habang kinuha ko ang maleta niya sa kaniya.

"Uhm ayos lang. Sa three years na nawala ka parang wala namang extraordinary ang nangyari." sabi ko habang medyo nagme-make face.

"Ah I see pero how 'bout you? Kamusta ka?" isa niya pang tanong.

"Ako? Ah eto na-miss ko yung mga gala natin. Though nakakasama ko yung ibang friends ko pero iba talaga pag bestfriend." medyo ma-drama kong sagot sa kaniya.

"Haha! Am I suppose to cry over that huh Ronnie? I know, iba talaga kapag sa komportableng tao ka sumasama, and in our case, tayo yung komportableng tao sa isa't-isa." medyo napangiti na lang ako sa sinabi niya.

"So... I'm happy na maganda naman pala yung kinalabasan ng pagpunta mo sa US." sabi ko na may gaan sa loob.

"Oo nga eh. So me winning sa bato bato pik pala noon ended up in a good result kasi my Cafe business 'dun ay success." sagot niya.

Naalala ko noon right after matapos yung graduation ceremony namin, sobrang undecided ni Denisse kung dito niya ba ipe-pursue yung dream Cafe restaurant niya o sa US kung saan may relatives siya.

Katulad ng lagi naming ginagawa kapag nahihirapan kaming gumawa ng desisyon, nagbabato bato pik kami.

Sabi ko sa kaniya na kapag ako nanalo, dito niya na lang i-pursue ang dream cafe niya sa Pilipinas pero kapag siya naman ang nanalo, sa US niya to gagawin.

Deep within, ayoko pa siyang umalis dahil naging komportable na ako sa kanya, hindi na ako sanay na di ko siya nakakasama sa mga lakad kada linggo kaya umasa akong ako ang mananalo.

Pero sa bato bato pik 'nun, siya ang nanalo.

Pinigilan ko na lamang ang kunot na gagawin noon ng noo ko at ngumiti ng malaki para sa kanya.

Feeling ko ako ang pinaka-cliché na tao na kilala ko, kasi di ko maamin amin sa kanya na may nararamdaman ako para sa bestfriend ko. Pero ngayong nandito na siya muli sa harapan ko, maaamin ko na kaya sa wakas sa kaniya?

"Ronnie, actually I haven't told you about this big thing before bago ako umuwi pero, mamaya may imi-meet ako na guy which is a son of my mom's friend. I was thinking if I should go, childhood friend ko siya and I still remember, big crush ko siya noon." nahihiya niyang sabi sakin.

"Nag-iisip kasi ako Ronnie na kung dapat ba kong makipagmeet sa kaniya, in-arrange na rin nila mama ang meeting na 'yun. Sa tingin mo dapat ba kong pumunta?"

Hindi na ako sure sa kung anong expression na ang pinapakita ng mukha ko noong mga oras na 'yun. May nararamdaman ako sa tiyan ko na panglalambot na hindi ko maintindihan.

Obviously, ayaw ko. Ayaw ko siyang makipag-meet sa lalakeng iyon, pero what hurt me ay nang makita ko sa mata niya na gusto niyang pumunta. Na may nararamdaman siya para 'dun.

Di na rin ako sure sa dapat kong gawin pero sa oras na 'yun gusto ko nang aminin sa kaniya kaso masyadong malakas yung takot kong may masira ako sa amin at dumagdag pa ang nakita kong kagustuhan niyang makipagkita sa kababata niyang iyon.

I felt like taking a risk tonight.

Katulad ng lagi naming ginagawa, idadaan namin 'to sa bato bato pik. Kapag nanalo ako aaminin ko na sa kaniya ang pagtingin ko.

"Okay Denisse, kapag nanalo ka sa bato bato pik natin, I will let you go pero kapag ako ang nanalo, ako ang makakasama mo buong gabi. Deal?"

"Yes Ronnie, deal."

Katulad ng dati, kung ano man ang kalabasan ng laban, di kami aangal at tatanggapin na lang ang resulta.

Sa gabing 'to, sa larong ito, ang pipiliin ko ay papel at ipupusta ko rito ang mangyayari dahil sa maraming araw ng buhay ko, malaki ang naging papel ni Denisse.

Hinanda na namin ang aming mga kamay, hindi ko alam kung ano kalalabasan nito, hinihiling ko na lamang na ang piliin niya ay ang bagay na magpapatalo sa kaniya at maghahatid sakin ng tagumpay.

At nagsimula na...

Kasabay ng bawat bagsak ang kanta na tila ba kay bagal para sakin ng bawat eksena:

Bato......

Bato......

Pik........!































Gunting

Sa huling bagsak ng aming mga kamay, iyan ang simbolo na nakita ko sa kanyang mga daliri.

Tila gunting na gumupit ng walang awa ang tinamo ng papel sa aking kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Papel Ko 'To Itataya (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon