Her

26 1 0
                                    

Hindi ko pa rin makalimutan kung saan nagsimula 'yon. Kung saan nangyari. Kung paano ko siya nakilala. Kung paano ko ginawa ang lahat para sa kanya. Kung gaano namin kamahal ang isa't-isa. Kung bakit nangyari ang isang bagay na hindi ko man lang inisip na mangyayari.

Marami kaming pangarap. May mga natupad at tutuparin pa.. sana. Marami kaming plano. Planong alam kong kahit anong gawin ko hinding-hindi na namin magagawa.

Marami siyang pinangako. Lahat nagawa niya. Pero yung isang pangakong pinanghahawakan nya ng sobrang tagal, bigla na lamang mawawala.

"Hoy Aerhon!"

Haay! Si Cynthia talaga palagi nalang akong sinisigawan. Kaya maha-

"Aerhon, ano ba?! Tumingin ka nga sa'kin!" Nakatalikod ako kay Cynthia 'non. Kaya dahan dahan akong humarap dahil alam kong umuusok na namang ilong nya sa galit.

Pagharap ko, hindi isang Leon'g handa na kong kainin dahil isang linggo siyang hindi kumain ang nakita ko. Kundi isang anghel na nakangiti sa'kin. Teka, masyado na ata akong in love kay Cyn nito ah?

"Aerhon! Ano't tulala ka dyan? Crush mo ko no? Yiii. Crush nya ako!" T-teka, anong pinagsasabi ng dyosang to?! Ako?! As in ako? May gusto sa kanya? Pft. Ngayon nya lang napagtanto eh mahigit apat na taon na akong nagpapapansin sa kanya!

"Hindi kita type no? Hinding hindi ako magugusto sa isang tulad mo! Sa ganda mong yan, alam kong imposibleng maging tayo kaya para san pa tong nararamda-" Wait, what?!

"Crush nya talaga ako. Uyyy! Crush mo talaga ako eh. Pulang pula ka na oh!" Putik, bat ko nasabi yun?

"Bahala ka na nga dyan!"

Dahil uwian na ay malamang umuwi na ako sa bahay namin.

"Goodevening Kuya!" Nakakahiya talaga! Bakit ba ko nadulas? Ano na lang mukha ang ipapakita ko sa kanya bukas?! Tanga ka kasi Aerhon!

"Evening Dix" Paano na yan? Si Cynthia. Alam na nya. Wala na yung pinakatago-tago kong sikreto.

"Ay. Si kuya, may problema. Tinatawag mo lang akong Dix pag malungkot ka eh" Aminin ko na ba talaga sa kanya bukas? Eh pano kung ayaw nya sakin? Pano kung may iba siyang gusto? Paano kung..

"Matulog ka na nga Dixie! Pagod ako."

"Matulog?! Hahaha! Hibang ka ba kuya? Eh 6:30 pa lang oh."

"Basta matulog ka. Bawal sa bata ang napupuyat. Ayoko nang kinukulit ako ngayon" Okay, Aerhon. Kailangan mong mag-isip. Think. Think. Think. Kailangan mong kumalma. Inhale.. Exhale.. Ugh! Ano bang gagawin ko?

"Kuya siguro, niligawan mo na si Ate Cynthia no? Tapos hindi ka nya gusto, kya binasted ka. Kawawa ka naman kuya, hayaan mo. Maghahanap ako ng bago para sa'yo!"

Takte naman tong kapatid ko, sa dinami daming araw na pwede akong kulitin, eh ngayon pa.

"Drixieley Da. Pwede bang tumigil ka? Pagod ako. Pasok na ako sa kwarto ko. Goodnight Dix"

Bago? Engot talaga tong kapatid ko. Hindi ko kailangan ng bago. Hinding hindi ako maghahanap ng bago. Si Cynthia lang.

*Kriiiiing!*

"Ha? Umaga na?! Ambilis naman." Naligo lang ako sandali. Di nako kumain dahil late na late na ako.

Dahil rush na ako at kinakabahan ako kung anong gagawin ko kay Cynthia, hindi na ako sumakay ng jeep at nanakbo na ko papuntang School.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Terrible ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon