Naglalakad ako ngayon papuntang bahay 5:30 na kasi kung magpalabas ang aming guro. Habang nag lalakad ako di ko maiwasang kabahan kaunti nalang ang dumadaan sa part na nilalakaran ko ngayon at naalala ko pa ang mga bali-balita na may gumagalang puting van at kinukuha ang mga bata at mga kadalagahan. Iniisip ko pa lamang yun ay kinikilabutan na agad ako
Lalo akong hindi mapakali nang may humintong puting van malapit sa akin gusto kong sumigaw, gusto kong tumakbo pero di ko maibuka ang mga bibig ko at di ko maigalaw ang mga paa ko at tila parang nakadikit na ito sa semento na kinakatayuan ko nagsilabas ang mga kalalakihan sa loob ng van, isa, dalawa, tatlo, bilang ko sa mga ito. Napakadami nila di ko na nasundan ng pag bilang sunod sunod silang lumabas ng van at may mga kababaihan akong nakita sa loob. Wari ko ay napatigil ako sa pag hinga ng ilang segundo bago ko nahanap ang aking boses.
"Sino kayo" garagal ang aking pananalita dahil sa kaba at takot para sa aking sarili
Hindi sila nag salita bagkus tinitigan lamang nila ako at sa wari ko ay nakangiti ang mga ito. Nakikita ko sa mga mata nila ang kislap ng kasiyahan na lalong nag dala ng kilabot sa buo kong katawan.
Nagulantang ako at napatulala sa aking nasaksihan ang aking mga luha ay unti unting nahulog, dahil ba ito sa kaba? Sa wari ko ay hindi isa itong luha ng kagalakan. Sa halip na sapilitan nila akong kunin, bagkus ay gumawa sila ng isang formation at biglang may tumogtog sa loob ng van at biglang sumayaw ang mga kalalakihang akala ko ay kukuha sa akin.
Mag hahanda na sana akong tumakbo kung sakali man na may iba silang gagawing hindi maganda saakin.
Nakangiti ko silang pinag masdan na may namumuong luha sa aking mga mata. Sa halip na bulaklak, libro ang kanilang mga ibinibigay sakin isa isa. Mas lalong gumalak sa saya ang puso ko dahil lahat ng libro na ibinigay nila ay ang mga nais kung mga libro mula sa aking mga paboritong manunulat sa wattpad.Matapos nilang ibigay ang mga aklat. Lumabas na din ang mga kababaihan at sila ang nag bigay sa akin ng mga bulaklak "Rose" mahinang banggit ko sa pangalan ng bulaklak isa itong puting rosas nag sasagisag ng purity. At sumunod naman nilang ibigay ay pula, pulang rosas means love napangiti ako sa effort ng taong gumawa nito saakin.
Nag kakaideya na ako kung sino ang taong ito ngunit hindi ko sya makita kung saan man sya naroon.
Matapos nilang mag bigay ng kung ano ano saakin. May isang lalaki ang lumabas sa van matangkad ito maputi halatang mayaman base sa kilos at pananamit nito makikita mo din ang kanyang kakisigan sa kanyang pag lakad at tindig, kung aalisin nito ang maskarang nakatabon sa kanyang muka ay paniguradong naghuhumiyaw ang kagwapohan nila.
Nakatitig lamang ako sa kanya habang unti unti nyang tinatanggal ang nakatakip sa kanyang muka. Napasinghap ako at naluhang muli, tama nga ang aking hinala ani ng aking isipan.
Sya nga ang laman ng aking puso ang nag iisang Knight Martin Velazquez. Hindi ako makapaniwala ang boyfriend ko lang sa Facebook ay nandito ngayon sa harapan ko.
Napaluha akong muli sa aking nabasa
"HAPPY 2 ANNIVERSARY LOVE" ayan ang nakasulat.Unti unti syang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit "finally, nagkita na din tayo" bulong nya sakin at nakikita ko sa mata niya ang kislap ng kasiyahan.
Hindi naman ako kagandahan katulad ng palagi kong nababasa sa wattpad lahat ng gwapong bida at puro magagandang bida ang mga nagiging katuluyan. Hindi ko akalain na sa reality pala ay may maiinlove na isang gwapo at mayaman sa isang tulad kong di naman kayamanan at kagandahan.
"Thank you! Di ko akalain na may paganito ka sabi mo pupuntahan mo lang ako pero may pasurprise pala" madamdaming sabi ko sa kanya, napatawa naman sya at muli akong niyakap ng mahigpit bago humarap muli saakin " like it?" Tanong nya sakin habang nakatitig sa aking mga mata.
Ngumiti muna ako bago sumagot "No" biglang nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng kalungkutan "because i love it!" Masayang sabi ko sa kanya.
Ang kaninang malungkot na mga mata ay napalitan nanaman ng kagalakan at hinagkan ako ng dahan dahan sa aking mga labi, dahil doon ay sya namang sigawan ng kanyang mga kasama.
Matapos nya akong dampian muli ng isang halik ay binigkas nya ang 3 salita na lalong nag pasaya sa buo kong pag katao " I Love You!" Buong puso nyang ani at hinalikan ako sa noo. "I Love You Too" buong puso ko ding tugon at niyakap sya ng mahigpit.
THE END
______________________________________
A/N
It' work of fiction sorry sa mga mali di kasi ako ganun kagaling sa mga ganito hahaha pero tinry ko lang sya. So ayon hope you'll like it. Thanks
