Chapter I

53 1 0
                                    

Its is a kind of attraction, sometimes INSPIRATION but often DISTRACTION 5 letter word.

Crush

I mean, sino ba hindi nakaka alam nyan? Aba e kung wala ka nyan, ABNORMAL KA! E sya kaya yung dahilan kung bakit gusto mong pumasok sa school, dahilan kung bakit umiikot sa kilig yung pwet mo, parang sya yung nagbibibigay ng kulay sa mundo mo! Alam mo yun! Hay Heaven!

Kaso may sagabal. "ST" ako. Silent Type!

"Wag ka ngang magpaka Maria Clara dyan! Di bagay! Sabihin mo na kase na Crush mo sya!"

"Oo nga prend! Nagiinarte ka pa dyan, sige ka akin nalang yan!"

"Justine Kate Santiago, Di na uso yung Silent Type ngayon! Wag kang magmaganda, di ka maganda"

Advice sakin ng magagaling kong kaibigan.

Haay. Sana nga ganun kadali.

*Flashback*

Una akong nagkacrush nung Grade 7 ako.

Si Mark Agustin, Syempre Gwapo sya! Matalino At higit sa lahat, mabait. Kaso playboy. Psh.

Sa kanya ko unang naramdaman ang slow-mo, (Must Be Love?) ang sarap sa pakiramdam,yung alam mo yun? Parang lahat huminto nung moment na una mo syang nakita. Parang kilig to the 9th level.

"Girl, may Girlfriend na daw si Mark! Ikaw kasi eh! Sa sobrang Slow mo, naging PAUSE na! Ayan naunahan ka!"

"Siguro hindi lang talaga slow mo ang naramdaman nya! Baka habang naka slow mo ka naka-fastforward sya!"

Sabi ng magagaling kong kaibigan.

Ganun naman lagi ang Crush eh.

C-lose
R-eally Close
U-nderstanding
S-weet
H-ated

Laging nag sisimula sa Pagiging Close. Magiging Really close. Magkakaroon ng pagkakaintindihan. Tapos magiging Sweet, konti lang ang mga taong nakakaabot sa Sweet, Eh ganun talaga e. And after all this time, it will ended up being Hated. Eh ganon talaga e.

*End of Flashback*

Minsan gusto mo nalang sabihin na ayaw mo ng magkacrush kung ganun lang naman ang mangyayari, Sisihin mo si Kupido!

Dear Kupido,
Pwede next time tamaan mo din sya, hindi yung ako lang papanain mo, ayan tuloy nagmumukha akong tanga! Ngayon alam ko na yung last name mo! KUPIDO STUPIDO! Letse!

-------
SSB-"Single Since Birth" Ok lang naman kung ganyan ako eh Pero yung tatanungin ka kung bakit ka single, yung tataa! Kaylangang ipamukha na single ako! Di ko kasalanan na malandi ka, kaya ka may boyfriend!

Bakit ba kasi naging Test yung dami ng ex boyfriend?! Porket ba madaming ex boyFriend maganda na? Di ba pwedeng malantong ka lang! E pano yung Mga SSB? Panget ganon? Asan ang Hustisya? E mas malupit pa yun kesa pork barrel eh! -____-

Kasalanan ko bang pang DYOSA ang beauty ko.

SI KUPIDO NALANG ANG SISISIHIN KO!

Pero bakit mo naman sisisihin si kupido? I mean,Duh? Baby lang sya na mukhang matanda na may suot na diaper. Na may hawak na poisonous arrow.

-"Kung may sisisihin man dito ikaw yun! Try mo kayang sabihin! " Sabi ng stupid side ko.

-------

"Hoy! may late enrolee daw! Ampogi daw prend!"

"Ha talaga anong Name?"

Naririnig ko yung mga mahaharot na kaklase ko habang nagkwekwentuhan.

Haaay! Aariba nanaman yung mga malalantong!

Kung may mga classmates kang malalantong eh wala ka nang pag-asa sa Crush mo! Hirap kaya ng ganun. -.-

So lumabas ako ng room. Pupunta ako sa Lobby para magrelax, di ko kasi kaklase yung mga best friend ko e, kaya wala kong kaharutan.

Habang nakaupo ako...

Oh my God...

Something happends...

The Silent TypeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon