HINDI makapaniwala si Laila sa sinabi ng binatang lumapit sa kanila at natagpuan niyang nakatayo sa likuran niya.
Future wife? Baliw ang lalaking 'yon. May sayad. Kulang-kulang,aniya sa sarili habang sinusundan niya ang binata ng tingin.
Handa na sana siyang batuhin ito ng sangkaterbang tanong at sermon kung hindi lang ito biglang tinawag ng isa sa mga mayayamang bisita roon na agad naman nitong sinalubong ng may pormal na ngiti sa mga labi. Ngunit bago ito umalis sa harapan niya ay mabilis muna nitong inabot ang kamay niya para makipag-shake hands.
Binalingan niya ang kapatid na si Louise na parang nanigas sa kinauupuan nito at tulad niya ay nakasunod lang din ang mga tingin nito sa estrangherong baliw.
"What's wrong with that guy, Louise?" iritableng tanong niya dito saka sinenyasan ang namataang waiter para bigyan siya ng tubig. Natuyo yata ang lalamunan niya sa kabaliwang ng lalaking tinawag siyang future wife kuno. Nang mabigyan siya ng waiter ng tubig ay umalis din kaagad ito sa harap nila, saka muli siyang nagsalita. "Do you know him?"
Parang wala naman sa loob na tumango si Louise sa tanong niya bilangs sagot.
"Really? How?"
Binalingan siya ni Louise. "Siya si Kuya Janus, Ate. Kapatid siya ni Jenna."
"Mabait si Jenna, kahit mukhang maluho pero iyong sinabi mong kapatid niya mukhang mayamang palikero. I don't like him," komento niya matapos uminom ng tubig. Hindi naman kumibo ang kapatid niya na ipinagtaka niya. Kadalasan kasi ay mayroon kaagad itong sagot sa anumang sasabihin niya ngunit ng mga sandaling iyon ay parang tikom ang bibig nito sa hindi niya malamang dahilan. Bakit kaya? "Bakit parang tahimik ka yata, Louise? Crush mob a iyong Kuya ni Jenna?""Naku, hindi Ate!" mabilis na depensa nito sa tanong niya.
Kumunot ang noo niya. Hindi naman namumula ang pisngi kapatid pero bakit pakiramdam niya may mali. "Sigurado ka?" panghuhuli pa niya.
Agad na tumango si Louise. "Oo Ate, sigurado ako. Saka, ano ka ba? Kasing edad mo kaya iyon."
"O ano namang kinalaman ng edad, e crush lang naman?"
"Hindi ko nga crush si Kuya Janus. Ang kulit," parang naiinis namang sagot nito.
Napailing na lang si Laila at napagdesisyunang manahimik habang matamang pinagmamasdan ang paligid.
Malaki at maluwang ang salas na iyon ng mga Villones. Kung tutuusin ay hindi matatawag na basta bahay lang iyon kundi isang masyon sa laki at lawak niyon. At hindi nab ago si Laila sa mga ganoong lugar dahil kahit siya at ang kanyang pamilya ay ganoon din ang bahay na inuuwian sa araw-araw. Isang tirahan na para sa kanya ay hindi isang tahanan kundi isang hawla.
Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang dumalo sa mga ganoong pagtitipon ng mga mayayaman. Pakiramdam kasi niya ay hindi siya kabilang sa mga ito kahit pa napapalamutian siya ng naglalakihan, nagmamahalan at nagkikislapang mga diyamante. Kahit na ang mga damit at sapatos niya ay pawang galing sa ibang bansa at gawa at disenyo pa ng mga kilalang mga tao.
Sa mga ganoong pagtitipon kasi ay nakakaramdam siya ng pagkailang. Na hindi siya bahagi ng mundong iyon at hindi siya karapat-dapat sa kinalakihan niya. Sa bawat pagtitipon, paliramdam ng dalaga ay lumilipat lang siya ng hawla. Oo nga at maayos siyang pinakikiharapan ng mga tao ngunit kapag nakatalikod siya ay ramdam na ramdam niya ang mga mapanuring mga mata ng mga iyon na nakatuon sa kanya. Na habang nasa paligid ang mga taong iyon ay hindi siya puwedeng maging isang tao na komportable siya at kailangan niyang itago ang sarili, lahat ng pangit na bagay tungkol sa kanya sa harap ng mga iyon. Sa madaling salita, kailangan niyang magpanggap na perpekto siya.
BINABASA MO ANG
LAILA'S CAGE
Romance"Your hate for me is fine. Atleast may feelings ka para sa akin. And I appreciate that." Outcast. Iyon ang nararamdaman ni Laila sa buong buhay niya, anumang oras at kahit saan lugar siya magpunta o kahit na sino pa ang kasama niya. And that is all...