Nakatulala lang ako ngayon sa katabi kong bintana dito sa classroom namin habang nagtuturo naman ang aming teacher na nakakaantok ang boses kaya ito ako ngayon nagiimagine na lang habang may nangangalabit sa likod ko haayyyyy nako pinagtritripan nanaman ako ng mga kaklase ko
"Pffft yan pala yung so-called heart throb dito sa school? Tahi-tahimik eh boring boring di marunong dumamoves" kahit nagbubulungan yung mga nasa likod ko ay rinig na rinig ko pa din lalo na yung tawanan nilang nakakairita
"Kenshin and Jake! Tumahimik nga kayo! Nakakaistorbo kayo ng klase at puro naman walang kabuluhan yang pinagsasabi nyo!" tinginan yung iba naming kaklase sa kanilang dalawa at bigla silang napatahimik
Tinignan ko ang relo ko at di ako nagmamalay na malapit na pala ang uwian namin, huminga na lang ako ng malalim at tumingin sa mga sinusulat ni ma'am
"So class your assignment for today is remembering your childhood sweethearts at isulat sa 1 whole sheet of paper ang mga katangian nya, so now class dismiss" nagulat ako sa assignment namin dahil naalala ko wala nga pala ko crush noon
Tinabi ko na mga gamit ko at sinakbit ko na bag ko nang biglang bumungad sakin ang girl bestfriend ko na galing section 1
"Zzzzaaaaaaaachhhhhhhh!!" tumalon sya sakin at muntikan akong mataob sa pagkakasakay nya sa likod ko grrrr baba dyan bigat mo prend
"Hm?" bumababa na sya sa likod ko at humarap na sya sakin "Sabay tayo umuwi" tumango na lang ako sa kanya "Taaaaposss libre mo ko puds hehe" tumango lang ako ulit saka naglakad na kami papalabas ng classroom namin
"Anong ginawa nyo ngayon?" sya nga pala si Yesha Alexis Agcaoili, madaming lalakeng nagkakagusto sa kanya lalo na't sexy sya, maganda, mabait, mayaman, at matalino pa pero pag cinocompliment sya nahihiya sya humble toh eh, childhood friend ko sya pero never kami nagkagusto sa isa't isa kaya safe lang sa awkwardness
"Madami, nagactivity kami tas may assignment kami sa philosophy" tumango tango sya sakin habang naglalakad kami pababa ng 4th floor
"Ahh anong assignment? Baka sakaling makatulong ako sayo" napaisip na muna ko pero kahit naman sabihin ko baka wala din syang maitulong
"About sa aalalahanin ang childhood crush na yan" tumango sya at napanhinga ng malalim
"Wala ka naman nun eh pano ka makakagawa?" tanong nya sakin "Tsaka di kita matutulungan dyan ahehe sorreh" sabi na nga ba eh
"Okay lang kaya ko naman haha tsaka baka fake crush na lang" wala din eh di ko pwede sabihin sa kanya baka sya tumawa
"Osige na nga dalian na natin baka nandyan na sundo ko" tuluyan na kaming nakababa at naglalakad na kami sa hallway papunta sa exit para salubungin nya ang kanyang butler
"Ma'am akin na po tong gamit nyo" salubong sa kanya nung butler nya sabay abot nya ng gamit nya
"Oh sya ingat sa pagbabike ah ingat sa paguwi" tumango na lang ako sa kanya at sumakay na sa bike ko
"Ikaw din" tumango sya at sumakay na sa sasakyan nila at saka na umexit sa school
Napahinga ako ng malalim at nagpedal na papaalis sa school namin, gusto ko na din magpahinga lalo na't lagi lagi akong tinatamad sa klase ghad kaya nagtuloy tuloy na lang ako sa pagbabike hanggang sa makauwi ako
Nakarating na ko sa bahay namin, binuksan ko na yung gate na para sa daanan lang ng tao at ipinasok na yung bike bigla ding sumalubong sakin ang pusa kong si Vanilla na nakapagpangiti sakin
"Miss me?" hinaplos ko ulo nya habang rinurub nya ulo nya sakin, binuhat ko naman sya papasok sa bahay at bumungad sakin ang ate ko na si Jayden, oo panlalake daw ang name nya but I think pwede din namang pambabae kasi tunog babae din
"Hinahanap ka nga pala ni mama" tumango na lang ako at hinubad ko na sapatos ko
"Bakit daw?" tanong ko kay ate pero kibit balikat lang naman ang sagot nya kaya kinuha ko na sapatos ko at pumunta na sa sala
"Nandyan ka na pala anak" pumunta ako kay papa at nagmano sa kanya "Kamusta ang pagaaral?" ngumiti na lang ako
"Ayos naman po pero pa nasaan si mama?" ngumuso sya sa papunta dun sa kusina at tumango na lang ako "Sige puntahan ko po" at dumiretso ako dun
"Ma?" agad tumingin si mama kaya lumapit ako para magmano sa kanya "Tawag mo daw ako sabi ni ate" tumango sya
"May paguusapan tayo ngayon anak" inaya nya ko papunta sa kwarto ko at sumunod na lang ako
Napapaisip na lang ako sa pwede naming pagusapan ngayon kaya pagbukas ng pinto ay umupo na sya dun sa may sofa at ako naman ay sa higaan ko
"Ano na paguusapan natin ma?" tanong ko sa kanya at tumingin sya sa akin
"Anak hinahanap mo pa ba yung babae na nakita mo noong sampung taong gulang ka pa lamang?" nagulat ako sa tanong ni mama dahil biglang kumabog ang dibdib ko
Una hindi ko pa alam masasabi ko dahil guilty na guilty talaga ko na sya pa din "O-opo, h-hanggang ngayon h-hinahanap ko pa po sya p-pero di ko a-alam" nauutal ako dahil sa kabog ng dibdib ko
"Anak 19 ka na kaya sa ngayon hahayaan na kitang bumalik sa dati nating tinitirahan sa Batangas diba't doon mo sya nakita? Magtransfer ka na roon at hahayaan kitang hanapin ang babaeng iyon" nagulat ako lalo sa sinabi ni mama na parang nanlamig ang kamay ko sa kaba dahil parang bagong buhay tong gagawin ko pati yung paghahanap nakakakaba talaga nababaliw na ata ko
"P-pero ma i-ibig ba sabihin n-nito m-magtratrabaho din ako d-dun?" tanong ko kay mama sabay tumango sya at hinawakan nya kamay ko para bang nakikita nya ang kaba sa mata ko, napayuko na lang ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko
"Oo Zach pero kakamustahin ka namin lagi kahit sa pagtawag lang, hahayaan na din kitang manirahan sa apartment pero umayos ayos kang bata ka kasi kailangan mo to hindi ibig sabihin nito ay pababayaan ka na namin ang ibig sabihin nito ay ipapagsimula ka naming hayaang hanapin ang nasa puso mo at para din ito matuto kang maging malakas ang loob at higit sa lahat para din kung sakali mang magkatrabaho ka na ng totohanan ay makaya mo" huminga ako ng malalim at tumingin kay mama
Ngayon lang to nasabi ni mama sa akin dahil din siguro sa 19 na ko at kailangan ko nga to "Sige ma, gagawin ko to para sa kanya at para sa inyo, gagawin ko kayong inspirasyon pati sya at kung sakali mang makita ko na sya ay ipapakilala ko agad sa inyo liligawan na din hehe" napangiti na lang sakin si mama
"Lumalaki na nga ang bunso ko" napanguso ako sa sinabi ni mama dahil grrrrrr mama di na ko bataaaa waaaaah
"Mama naman 19 na ko!" tumawa na lang si mama sakin at tumayo na kaming dalawa para tulungan sya sa mga gawaing bahay
TO BE CONTINUED..
As for now guys hindi ako magaling na writer so kung ibabash nyo story ko then go on kasi alam kong hindi ako magaling or let's say not a perfect writer but thank you if you're going to support me and again no copyright po unless nagpaalam kayo
YOU ARE READING
That pretty girl I've met
RomanceWhat if you have a crush long time ago but you don't know his/her name? What if you don't know who he/she is? This is the love story of Dane and Zachary