Chapter 2

16 1 0
                                    

Akin ka lang

Talagang naguguluhan ako sa lalaking 'to, Interesado siya sakin? Pero bakit? Nagkibitbalikat lamang siya sa aking tanong. Hayy, hayaan na nga. Isinawalang bahala ko na lang ito.

Napatagal ang aming pag uusap at parehas naming nakaligtaan ang oras, hayaan na nga lang minsan lang naman ako mag cut ng classes eh.

Marami akong nalaman tungkol sa kanya. Tulad nga ng kanina ko pang hinala, transferee siya galing America kaya pala mukhang ibang lahi. Half American siya pero 'di na niya naabutang buhay ang kanyang ama. Halata ang pagbabago ng kanyang ekspresyon habang ikinukwento ang tungkol sa kanyang pamilya. Medyo naging malungkot ang kanyang buhay pero 'di naman siya pinabayaan ng kanyang inang patuloy siyang sinusuportahan. 'Di man halata sakin pero naiingit ako sa kanya, buti pa siya kahit 'di na kumpleto ang kanyang pamilya may ina naman siyang nakikinig at nag aalala sa kanya. Sana ako rin.

Sobrang daldal niya para maging lalaki, walang hinto ang bibig parang naikwento niya na buong buhay niya. "Hey Xia, wanna hear a secret?" tanong niya habang may nakapaskil na pilyong ngiti sa kanyang mukha. Nangunot ang noo ko sa kanyang sinabi, bakit niya sasabihin sa akin ang sekreto niya? 'Di naman kami close at ngayon lang din kami nagkakilala. "Bakit mo sasabihin sakin? 'Di ba sekreto mo yan, dapat ikaw lamang ang nakakaalam." suhestiyon ko habang nakatingin sa kanya. Ngumisi lamang siya ng nakakaloko, ano bang nangyayari sa kanya?

"Gusto kong sabihin sayo eh, dali na." takteng yan bahala na!
"Oh sige sige, ano ba yun?" parang napipilitan kong saad sa kanya. "Wow ah parang napipilitan ka pa, ako na nga magshe-share, so yun na nga. Sana 'di mo ito sasabihin kahit kanino ah." itinaas ko lang ang aking kanang kamay na parang nanunumpa. "Nag transfer ako rito sa university niyo kasi may tinatakasan ako sa America." Tinatakasan? Kriminal ba siya?!

"Tinatakasan? Sino?" hala, unang beses ko pa nga lang magkaroon ng kausap dito mukhang kriminal pa ata. Diyos ko kayo na bahala!

Itinaas baba niya ang kanyang kilay bilang pagsang ayon. Lumapit siya ng bahagya sakin kasabay ng paglapit ng kanyang labi sa aking tainga. Diyos ko kayo na ang bahala sa akin!! Mukha man po akong matapang, duwag naman po talaga ako!! Waaaaaahhhh!!

Mas lalo akong nangilabot nang bigla siyang nagsalita. "Yeah, 'di mo ba talaga ako namumukhaan?" bigla akong lumayo sa kanya, sabay tingin ko sa buong mukha niya. Oo nga no, parang pamilyar pero 'di ko matandaan.

"Hindi ko matandaan pero mukha kang pamilyar." saad ko na nagpalaki lalo ng ngisi niya. Bigla niyang itinaas ang kanyang uniporme na ipinakita ang napaka gandang katawang nakakapang init. Diyos ko baka ako pa yata ang makagawa ng kasalanan!! Lord Help!!

Inaamin kong napakaganda ng kanyang katawan pero ang mas kapansin-pansin ay ang isang napakaganda Ace na baraha na may korona na tattoo na mas nagpapaganda sa kanyang dibdib. Sandali parang nakita ko na ito ah, pero 'di ko talaga matandaan.

"Ano, 'di mo parin maalala?" umiling lang ako. "You're totally different Xia. May I introduce myself to you again? I am Ace Drake slash ' King Ace ' of Royal Cards. It's nice to meet you again Ms. Xia Xi Gomez." Bigla akong nagulat sa katotohanang siya pala si King Ace ng sikat na American Boyband na Royal Cards. Kaya pala mukha talaga siyang pamilyar. 'Di ko pinahalata ang aking gulat at tanging walang ekspresyon pa rin na mukha ang aking ipinakita. "Tapos? Anong gagawin ko?"
"Magulat ka.." hanep rin 'to eh, kahit na hindi man niya i-request  nagulat naman talaga ako sa nalaman ko.

Inirapan ko siya ng malupit sabay akmang tatayo na pero bigla niya akong hinawakan sa kamay. "Why?!" inis kong tanong rito. "Where are you going?"

"Eh, ano namang pake mo. Ha?!" gusto ko nang umalis dito, nagugutom na ulit ako.

"I won't allowed you 'til you say where." presko niyang sagot na mas lalo pang nagpapainit ng ulo ko!

"Wala ka nang pake dun 'no. Aalis ako kung gusto ko." Lord paalisin niyo na po ako dito sa harap ng lalaking ito. Gutom na po ako!! Wahhhhh!!

Sa sobrang gutom ko biglang tumunog ng malakas ang tiyan ko. F-ck sh-t nakakahiya!! Agad na sumilay ang ngisi sa mukha ni Ace ng narinig ito. "Oh, now I know why. Come on, we'll eat. My treat." agad akong napangiti sa sinabi niya. Aba, mukhang sensitive naman pala 'tong lalaking 'to sa paligid niya. Good!

Umalis kami ng school at nakakapagtakang 'di man lang kami sinita ng guard nung palabas na kami. Weird! Dinala niya ako sa isang korean restau at alam kong mahal dito. Ang dami niyang inorder na hindi ko alam, ang hahaba kaya ng pangalan kaya ang hirap tandaan!

Pagka serve ng aming inoreder akala ko mabubundat ako sa sobrang busog pero 'di pa rin pala! Puro mangkok at plato lang ang nagparami pero kapiranggot lang ang laman. Hayy! Mahal nga kuripot naman.

Paglabas namin ng Restau biglang tumunog ulit ng tiyan ko, Kitams! 'Di kasi umabot sa ngalangala ko yung kinain namin. Ngumisi ang loko at biglang nagsalita. "Di ka pa rin busog?" natatawa nitong tanong.

"Sa tingin mo tutunog ba yan kung busog na? Eh, hindi man lang nga umabot sa ngalangala ko yung mga pagkain eh." sagot ko.

"Ano bang gusto mong kainin? Bibilhan kita." bakit ang bait naman yata nito? Ang Weird talaga.

"Gusto ko ng triple Chocolate ice cream, yung nasa cone. Hihi" pake niyo ba sa gusto ko? Tse!!

"Let's go, samahan mo ako." bigla siyang hinila nito at sabay pumasok sa isang Ice cream parlor. Bumili siya ng tatlong ice cream sabay lapit ulit sakin.

"Here" sabay abot niya sa akin ng dalawang ice cream. "Hey, ang dami nito. Bakit ba kasi dalawa ang binili mo sakin, Ha?"

"Para tumaba ka at wala nang lalaking  mag aksaya ng oras para magustuhan ka kasi akin ka lang" pabulong niyang sabi kaya hindi ko narinig. "Huh? May sinasabi ka ba?" tanong ko ulit.

"Sabi ko Wala, bakit may angal ka?!!"

"Oh eh bakit mo ako sinisigawan?!!" nakakabadtrip 'to ah.

"Bakit may angal ka?!!" Sigaw niyang muli.  Inirapan ko lang siya to the 10'th power pero ngisi lang ang natanggap ko galing sa kanya. Ang Weird talaga netong lalaking 'to, may Bipolar Disorder ata 'to eh. Hayy!

A/N: Hala mga Bibi!! Sabaw na naman ang UD ko Sorry to the 10'th power, Lutang kasi ako ngayon dahil sa puyat ehh. Lam nyo na WATTPAD feels HAHAHA. Sa Next UD ko pag-iigihan ko pa para sulit. Thankyow po sa mga nagbabasa. Muah<3..~

~ARMYstica❣

PLUVIOPHILE •||ON GOING||•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon