Chapterfive:Confussion
Atheena
Day's pass so quick. Bukas na kasi ang unang araw ng gpasukan sa paaralan dito sa Polies. Even Vinese got excited for tomorrow so do i.But i can't be excited.
Na aalala ko nanaman kasi ang nakita dito sa paaralan week ago. A group of men walking out from the forest give me shiver. Bakit sila nandoon? At anong nalalang ang nakita ko sa likod ng paaralan? Diba nga bawal pumasok doon dahil may nakita akong naka sulat sa bungaran nito na no trespassing.
Hindi lang yun. There is something to another floor. Ang third floor. Lagi nalang akong may napapansing kakaiba doon.
Minsan nga noong isang beses na lumabas ako ng kwarto upang bumaba para kumuha ng tubig ay may napansin ako sa hagdanan patungong third floor. Pero di ko nalang pinansin yun at dumeretso nalang sa kusina.
There is really something in here. Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin?
Kasalukuyan akong nasa library ngayun. Ilang libro na rin ang natapos ko at isa na dun ang librong nakita ko noong unang punta ko dito. Dito ako namamalagi kapag wala na akong ginagawa....
Nag advance study ako sa maaaring i discuss sa amin ng proof. Hindi ko namalayan alasingko na pala ng hapon kaya na isipan kong iligpit ang mga librong kinuha ko mula sa shelf at ibinalik ito roon.
Habang ibinabalik ko ang mga libro ay napatingin ako sa labas ng bintana. Ang silid na ito ay nasa bahaging likuran nang bahay kaya naman ang tanging makikita mo rito ay kakahuyan.
Sinipat ko ang aking mga mata ng may makita akong paggalaw mula sa mga puno. Halos magsitayuan ang balahibo ko ng Merong isang lalaking nakatayo sa gitna ng kakahuyan. Pero bakit nandiyan siya? Anong ginagawa niya riyan.?
Hindi ko ma aninag ang mukha nito dahil sa naka talikod ito sa akin. Lumapit pa ako ng husto sa bintana at akmang bubuksan sana ito na hindi pa rin na puputol ang tingin ko sa lalaking naka talikod.
Halos nawalan ako ng dugo sa aking katawan ng lingunin ako nito. Sigurado akong ako ang kanyang tinitignan dahil sa pag ka lingon niya pa lang ay nag tama na ka agad ang aming mga mata at deretso itong nakatingin sa bintana. Imposible ring sa ilalaim ito nakatingin o sa taas dahil nag iisang silid lang ang makikita mula sa labas kung titignan mo ang bahay sa bandang likuran nito.
Napatalon ako sa gulat ng may tumawag sa aking pangalan.
"Atheena."
Nagtaka naman si Vinese sa inasal ko. Kaya nag aalala itong nag lakad papunta sa akin. Halos hindi ako makatayo ng deretso dahil sa pangangatog at panghihina ng tuhod ko.
Wala sa sarili akong muling napatingin sa bintana ngunit wala na ang lalaking iyun.
"Atheena! Anong nangyayari sayo? Okay ka lang ba?"
Nang paglapit ni Vinese ay siyang pagkabuwal ng aking pagkakatayo.
Hindi ko masagot si Vinese. Tanging tinignan ko lamang ito sa mga mata. Tila ba nawala ako sa sarili ko ng mga panahong yun."V-vinese."
Halos hindi ko nakilala ang aking boses dahil sa takot. Namamaos ito na parang nanghihina.
BINABASA MO ANG
The Mystery Town Of The Alpha
عشوائي"Si Atheena Halton ay ipinadala sa isang bayan na kung saan walang nakaka alam na nag e-exist ito kung saan walang nakaka alam kung anong merom dito. Tanging siya lang ang makaka alam at nakaka alam kung anong meron at anong uri ng mga tao ang nanin...