Marahan n'yang pinunasan ang kan'yang mata."Hindi ko na kase alam kung anong gagawin ko para mawala yung sakit na 'to sa dibdib ko. 'Yung bigat ng pakiramdam. Lalo na kapag nagsabay-sabay yung lungkot, sakit at pangungulila. Tipong gusto mo nalang pumunta sa kanila at magmakaawa kaso malayo siya. Gusto mong pumunta do'n para maipakita mo na kaya mong higitan yung ginagawa nung nakakasama niya".
Huminga ako ng malalim at saka nagsalita
"May nabasa ako sa facebook sabi dun the sun and the moon aren't meant to be together and so God created the eclipse just for us to know the love is beyond boundaries so nag-research ako about dun kase na curious ako sobra"
Sumulyap ako sa kan'ya at nakita ko naman na nakikinig siya. Kaya pinagpatuloy ko ang pagkwekwento ko.
"Nagsearch ako "Legend of Sun and Moon" then may nakita ako "Tale of Sun and Moon" dahil nga curious ako binasa ko yun" ngumiti ako at isinalaysay sa kan'ya ang kwento.
"Dati, dating-dati noong unang panahon! Earth ang pinakapanget na lugar sa buong universe. Walang puno. Walang halaman. Walang liwanag. Walang buhay. So God decided to send two brightest, powerful creatures, The Sun and Moon to ornate the Earth with light. They became the leader of the holy sky, the guider who control the sea, and the protector of our earth. Kaso si Moon consider as pangalawang option lang when it comes to "power" mas malakas pa din ang asawa niyang si Sun. Nung una maayos naman silang dalawa. Nagtutulungan sila para mapaganda ang Earth. Si Moon ang nakaisip ng ideya na lilhain ang mga halaman. Well she asked for her husband's power para malikha sila at pumayag naman si Sun. Napuno ng kilay ang mundo. Gumanda. Sobrang nasiyahan si God sa likha nilang 'yon.
Then palaging nagpapasalamat ang mga halaman kay Sun for giving them life, but never thanked Moon for the idea. Yung mga bulaklak? Nagpapasalamat din sila kay Sun kase araw-araw niya silang napapaganda! Pero 'ni minsan hindi nila napansin si Moon na nagbigay ng ideya para gawin sila. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa. At sinisi naman ni Sun si Moon dahil sa pagiging childish at immature. Dumami ng dumami ang halaman sa buong mundo at mas naging busy si Sun binabalewala niya nalang ang galit at lungkot ni Moon. Lumiwanag ng lumiwanag si Sun na halos invisible na si Moon sa langit. Sobrang nalungkot si Moon. Nag-iisa at walang kwenta. 'Yun ang naramdaman niya. Nagawa n'ya pa nga'ng kwestiyunin yung pagmamahal ni Sun o kung may pake pa sa kan'ya ito. Feeling niya napakawala niyang kwenta since wala namang bagay sa mundo ang dumedepende sa kan'ya. The atmosphere between the couple turns worst. Isang araw, hindi sumamang umuwi si Moon kay Sun nagpaiwan muna siya sa Earth sandali. Sa hindi inaasahang pagkakataon dumating si Darkness, the mysterious and dangerous darkness. Na love at first sight siya kay Moon at gagawin niya lahat makuha lamang niya ang loob nito. Tinanong niya si Moon kung bakit ito malungkot at nag-iisa. At kinwento naman ni Moon ang dahilan. Naisip naman ni Darkness na likhain ang mga tao na takot sa kadiliman. Kinabukasan, pinapunta ni Darkness si Moon at labis na nagpasalamat ang tao sa kan'ya. Doon naramdaman ni Moon na sobrang importante niya at makapangyarihan. At nagdesisyon siya na makipaghiwalay kay Sun at sumama kay Darkness na kayang magsakripisyo para sa kan'ya".
Tahimik na nakatitig lamang siya sa akin."Ang t'yaga mo'ng magbasa at ang t'yaga mo ring magkwento" sabi niya.
Ngumisi lamang ako at nagpakawala ng isang simpleng tanong. "Naintindihan mo ba yung kwento?" ngumisi naman siya at sumagot "Opo teacher".Napailing naman ako at don ko napansin na nag-unahan na naman ang mga luha niya sa pagtulo. Unti-unti ngunit ramdam mo yung sakit. Ngumiti siya ng mapait at saka pinakawalan ang mga katagang
"Naiintidihan ko na. Kahit gaano mo man kamahal ang isang tao. Ibigay mo man ang lahat sa kan'ya. Kapag wala sayo ang hinahap niya. Iiwan ka n'ya at sasama dun sa taong kayang ibigay yung pangangailangan niya. Oo. Naiintindihan ko na".