Talk to my curly hair part 1 to end

8 0 0
                                    

CHAPTER 1- Get Ready It's A New Day!!

POV.. 

Sabi nga nila, ang pag-ibig ay isang feeling na pedeng ihalintulad sa biglang pagramdam ng pagtatae. 

Naglalakad ka lang tapos bigla bigla ka na lang makakaramdam ng pagtatae. 

Ni hindi mo alam kung bakit biglang sumakit tyan mo, ni hindi mo matandaan kung ano kinain mo para sumakit ang tyan mo ng 

ganun. 

Gustong gusto mong mailabas agad ang nararamdaman mong ito dahil hanggat hindi mo nailalabas ang nararamdaman mo, 

ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan. 

At once na nailabas mo nararamdaman mo, masasabi mo na lang sa sarili mo SUCCESS. 

Tae. Ang ganda ng pagkakametaphor ko sa tae na naging pag-ibig. Ito pa simile, love is as hard as removing bowels. 

Nakakadiri na ako... Ako si Mikaela Drilon. 24 years old. Dakilang Black Sheep.

Hayyy ang sarap matulog lalo't gantong maulan! Sarap mamaluktot sa loob ng kumot. 

Sarap ng pag eemote ko dahil bed weather ngayon. May bagyo! Hehe. May palusot ako kay Nanay para hindi gumising ng maaga. 

Mula kasi ng maka graduate ako ay hindi pa muna ako naghanap ng trabaho. At dun galit na galit ang nanay ko! 

Napakatamad ko daw kasi bukod pa sa sinasabi nilang black sheep ako ng pamilya.

Flash Back 5 months ago... 

Tuwang tuwa ang pamilya ko dahil sa wakas naka graduate ako. Akalain mo yun! Habang tinatawag 

ang pangalan ko sa stage "Mikaela Drilon" upang tanggapin ang aking diploma.. kitang kita ng mga mata ko na parang nagpyesta  

sa tuwa nag pamilya ko habang inaabot ko ang aking diploma. Over staying na kasi ako sa kolehiyo, 23 na kasi ako ng 

makagraduate,  

at magtutwenty four na din ako ngayong taon. Awww

Back to reality.... 

Busy ako sa pag fa flash back ng bigla ako ginulantang ng kalampag sa pinto "Ela, Ela gumising ka na dyan"...Dinig na 

dinig ko 

ang boses ng barkada kong si Em. "Buset ka Em natutulog pa ko!!!" "Ay nako Ela tanghali na,maski bilasang isda wala 

ka ng mahuhuli nyan. May irerefer ako sayong company, hiring 

sila ngayon". Pupungat pungat akong bumangon upang buksan ang pinto at papasukin ang nag iingay na si Em.. 

"Ano namang trabaho jan?" tanong ko sa kanya.. Lumundag sa kama si Em at saka sumagot "Gawaan ng mga upuan na gawa sa 

plastic tol", "Madali lang dun 

kayang kaya nating dalawa" "Kaya bumangon ka na dyan at gumawa ka ng resume".. walang tuldok ang pagsasalita ni Em na  

para bang excited na excited. 

"O cge na gagawa na matigil ka lang" wala sa loob kong sagot. Sa isip isip ko ok na din sigurong subukan 

tutal naiinip na din ako dito sa bahay at sa palaisdaan na pag aari ng aming pamilya.

Pumunta ako sa plantang sinabi ni Em makalipas ang dalawang araw. Tatlong bayan din ang dadaanan bago ko yon narating 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Talk to My Curly HairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon