Dear Readers,
Hi ho! Narito na naman ako. Love my new VK story guys!
Ang istoryang ito ay maiksi lamang siguro mga five chapters. :) Kaya nga short story debe HAHA!
Mas madaming LIKES mas mabilis na UPDATE. Hihi (^~^ v)-ShaeLabLab
"Ang galing mo talaga K. Haha! Basta't ginusto mo nakukuha mo." ani Anne.
"Haha i told yah! Dati tinitignan ko lang sa malayo ang baklang yon. Tamo ngayon, akin na. Hahaha!"
"Pero alam mo hindi ko talaga maimagine na magiging kayo talaga ni kuya Vice. Kasi emeged! Baklang bakla yan sa pagkakaalam ko. Tas ang gwapo nya pa.. Sa totoo lang crush ko nga yun eh sorry. Haha!"
"Ganon? Sumbong kita sa bespren ko." -.-
"Tsss.. Ano ngayon? Crush lang naman eh! Mahal ko naman sya. Haha."
"Mabuti nang nagkakaintindihan tayo."
Sabay na nagtawanan ang dalawa.
--
Tinalasa ng bagyong Glenda ang buong Pilipinas.
Nawalan ng kuryente ang halos lahat ng parte ng Laguna kung saan nakatira ang magkakaibigan.
Mga dalawang araw na nanalasa ang bagyo sa lugar nila. Matapos nito, paminsan minsan na lamang ang ulan na dumarating. Naging mahirap ang pagbabalik-kuryente sa lugar dahil sa mga nasirang kalbe ng kuryente.
-
"Panget."
Agad namang napalingon si Vhong nang tawagin sya ni Karylle.
Magkatabing bahay lamang ang dalawa. Ex boyfriend ng kapatid ni Karylle na si Zia si Vhong. Ngayon, ang kaibigan ni Karylle na si Anne na ang kasintahan nito.
"Oh panget?"
"I like Vice."
Natawa naman ang binata. "Panget iba na lang. Baklang bakla yon! Ako type non. Haha!"
"Tss. Magiging kami din. Itaga mo sa bato yan. Alam mo ko."
"Sige pupusta ako ah. Haha! Pag naging kayo magiging mabait na ko sayo."
"DEAL!" Tila siguradong sagot ni Karylle.
Dahil sa kawalan ng load, tv, radyo, internet o anumang mapaglilibangan.. Kung anu anong bagay ang napapansin ni Karylle. Kagaya na nga lang ng pagpansin nya kay Vice na halos anim na taon na nyang nakikita sa lugar nila. Nuon, nagbibihis babae ito pero hindi na makikita sa kanya ang ganoong ayos ngayon. Nakabihis lalaki na ito. Madalas nga pag usapan nila Karylle, Zia at mga magulang nila ang pagbabalik loob kuno ni Vice.
Madalas nya titigan at pagmasdan ang kilos nito kapag nagpapahangin sya sa labas at nakatambay naman ang barkada ni Vice sa di kalayuan.
Ano kayang klaseng bakla to? Nagkakagusto pa kaya to sa babae? Mukha syang mataray. Nakakachallenge for sure.
-
Halos sa araw araw na brownout. Laging nakatambay ang magkakaibigang Vhong, Billy, Vice, Buern, Jhong, Archie at Luis sa lugar na tanaw ng dalaga.
"Zia. May sasabihin ako sayo." nahihiyang sabi ni Karylle.
"Ano yun ate?"
"Crush ko si Vice."
"Huh? Bakit?"
"Anong bakit? Imposible ba?"
"Hindi kayo bagay ano ka ba! Ang bagay sayo si Kuya Dingdong."