My New Life

2 1 0
                                    

"My New Life"
(One shot)

I once was lost but now i am found
Was blind but now i see
Oh i can see you now
I can see the love in your eyes
Laying your self down
Raising up the broken to life 🎶

Yes tama po kayo ng basa or maybe kinakanta nyo din sya while reading kasi alam nyo din ang kanta . And Yes WORSHIP SONG sya . Nagtataka kayo kung bakit sa dinami-dami ng kanta yan ang gusto ko . Simple lang dahil sa kantang yan dyan  ko lang nafeel na may nagmamahal pa sakin . Tama nga yung liriko ng kanta , minsan na akong nawala ,pero nahanap nya ako walang iba kundi ang Diyos.  Simula ng makilala ko sya nagbago lahat saakin na akala ko patapon na ang buhay ko walang kwenta , wala ng naging maganda na nangyare sa buhay ko isipin nyo na kung anong gusto nyong isipin basta lahat ng hindi maganda ginawa ko na pwera lang maging adik. Pero ni hindi ko naisipang magpakamatay kahit na alam kong malaking malaki ang problema ko.  Syempre kahit naman tinalikuran ko si Lord dati alam ko din naman kakahinatnan ko pag nangyare yun.  Anyways di pa pala ako nagpapakilala sainyo haha sorry naman na-carried away lang po ako sa kanta ayan tuloy nalaman nyo past ko . So ako nga pala si Ynah Dimaano , and yes i was from a broken family kaya ganun yung naging past ko pero lets move on ika nga past is past. Pero dahil sa past na yan jan ako natuto , natutong bumalik ang loob kay Lord , natutong dumepende ulit sakanya , natuto ako manalangin ulit . At higit sa lahat tinuruan nya ako kung pano magmahal ulit , lahat ng hindi ko naramdaman sa past ko si Lord ang pumuno . Yung feeling na empty ka inside . Ngayon ko lang napagtanto na si Lord lang pala ang bubuo nun . Yung dumating din sa point na naisip ko dati na napaka unworthy kong tao , wala na akong ginawang tama sa buhay puro lang kapalpakan . Pero si Lord napaka unconditional ng Love nya at tsaka napakamahabagin din nya . Alam nyo kung anong ginawa ko sa mga oras na yun feeling ko sya na lang yung makakaintindi sakin sa mga panahong yun ? Yes tama kayo ng iniisip . I repent . Humingi ako ng tawad sa kanya . Sa lahat ng pagkukulang ko . Sa pagtalikod ko sa kanya . Sa hindi ko pagkilala ko sakanya , sising sisi ako . Pero hindi ko pinagsisihan yun na ginawa kong yun . Alam nyo kung bakit ? Dahil sa ginawa kong yun malaya na ako as in MALAYANG MALAYA saan ? Sa kadiliman . Sa pagawa ng kasalanan ulit sa lahat ng masasamang elemento na bumabalot sa mundo. At nagpapasalamat din ako sa ipinadala ni Lord na ginamit nya para maging instrumentong marinig ko ang kanyang salita upang ako'y maliwanagan sa pagkakamaling mga ginawa ko. Luke 11:9 At sinasabi ko sa inyo, Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakakasumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan. :10 Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. Yan ang ibinahagi saakin ng isang kapatid ko dito sa simbahan . At yes tama din po kayo ng iniisip . Yan yung saktong verse na nagcapture ng heart ko . Si Lord kapag humingi ka sakanya ng tawad sa lahat ng kamalian mo . Hindi ka nya titingnan na ikaw na yung pinakaworst . Sa halip titingan ka nya na isang pinakamahalagang treasure sakanya . Kaya ikaw wag mong iisipin na ikaw na lang mag isa , walang nakakaintindi sayo at anupaman na excuses na meron ka sa buhay.  Kaya tayo may Diyos . Para sakanya tayo kumapit at lumapit.  Sya lang kasi ang makakapagcomfort sayo ng tunay at Totoo yan i can guarantee you that 😁😇 And i am a high schooler and a senior.  Ayan kunting kembot na lang gagraduate na ako ng high school and i'm very thankful dahil sa malaking tulong ni Lord sa buhay ko pinakita nya saakin ang tamang landas ! Napaka-amazing nya talaga ! I'm a child of God , Yes i am 😍❣️😇.
Thank you for reading po . First time ko magsulat ng inspirational ang genre ng stories . Mahilig na talaga ako magsulat ng kwento dati pa . Pero ngayon lang ulit na push. Pero paalala po fiction lang din po yan na nagawa ko. Pero parang napapanahon din sya . Sana nakatulong po yan na story po sainyo . Thank You and Godbless po 😁😍
Masarap kasi sa feeling na , na kay Lord ka , malayo ka sa stress sa buhay at peace ka lang kung baga . Although may mga problema talagang dumarating , hindi naman na yun maiiwasan sa tao maliit man yan o malaki . Pero si Lord di naman sya magbibigay ng trials sayo na hindi mo kaya , Basta't magtiwala ka lang sakanya na makakayanan mo lahat with the help ni Lord ❣️❣️

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My new Life Where stories live. Discover now