Panibago (I fall for you, you fall for her)

432 4 0
                                    

Alam mu na bah?? I’m sorry. I fell inlove eh.. biglaan nangyari.. hindi ko kinuha number nya. basta.. hindi ko to pinlano. SORRY!” 

            Wala na syang nasabi matapos mabasa ang txt message na natanggap niya isang gabi. Sahalip na magsalita, tumulo na lamang ang mga luha sa kanyang mga mata. Pilitin man niyang tumahan, hindi mapigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Sobra siyang nasaktan.

            “Bakit? May kulang pa ba? Anong kasalanan ko?”, paulit ulit na tanong niya sa kanyang isip.

            Bakasyon noon nang unang makilala ni Ella  si Gelo. Kaklase ito ng Bestfriend niyang si Chibi. Wala naman talaga syang balak makipagkilala dito kung hindi lang sa pamimilit ng kaibigan at kapatid.

            Matalino si Ella. Sa katunayan honor student sya mula 1st year hanggang 4th year. Sa lahat ng matalino, siya yung tipong hindi marunong magseryoso sa isang bagay, sa pag-aaral maging sa mga relationships. Marami ng mga naging boyfriend at manliligaw si Ella, pero wala pa sa kanila yung tipong sineryoso niya talaga. Minahal naman niya ung mga nagging “EX’’ niya, pero sadyang wala pa talaga siyang planong magseryoso sa mga ganung bagay.

            “Ella, balita ko txtmate daw kayo ni Gelo”, tanong ng matalik nitong kapitbahay.

            “Oo, kinuha niya ung no ko sa FB, friends daw eka niya”.

            “Woooh friends daw! I smell something fishy!”.

            “Sus, wala lang yon! Di ka pa nasanay!”

            Wala talaga syang pakealam kay Gelo. Para sa kanya normal lang na makipagkaibigan sa mga taong nakakasalamuha niya. Friendly ba. Hanggat sa dumating ang araw na nagtapat sa kanya si Gelo.

            “Ella, I like you! Pede ba kitang maging Girlfriend??”, tanong nito sa kanya.

            “AHAHAHA. Seryoso ka ba?”,natatawang sagot niya.

            “Muka ba akong nagbibiro?”.

            “Aba, ewan ko sayo!”

            “Ano pwede po ba?”

            “Manligaw ka muna!”

            Nanligaw nga si Gelo sa kanya. Seryoso sa panliligaw si Gelo pero para sa kanya wala lang ito. Katulad ng dati, hindi niya ito siniseryoso. Hindi lang kasi si Gelo ang nanliligaw sa kanya noong mga panahong yon.

            “Datay nanliligaw na sayo si Gelo!”, nakangiting sabi sa kanya ni Chibi.

            “Anu naman?, Nanliligaw pa lang naman ah, hindi pa kami, at hindi magiging kami!”

            “So pinapaasa mo?? Sira ulo talaga to..mabait yon! Saka ma-budget! HAHAHA!.”

            “Wala akong pake! Basta wala lang yon! Hayaan mo sya!”

            “Hindi mo naman seseryosohin eh! Sasakay ka lang para mailibre din kami pag magde-date kayo! Sige na parang di mu naman gawain yan datin pa!”

            Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. Ayaw niya talaga. Wala talagang feelings. Tama na yung friends nalang sila. Isa pa ayaw na muna niyang magkaroon ng boyfriend. Ang gusto niya kung magkakaboyfriend siya, yung talagang seseryosohin na niya, yung bang mamahalin niya ng pangmatagalan. Saka inisip na din niya na wala kay Gelo yung mga katangiang gusto niya sa isang lalaki.

Panibago (I fall for you, you fall for her)Where stories live. Discover now