My GF Is A Curse Angel
Written By Xyrill
CHAPTER // ONE
- Greyson POV -
"Greyson,handa ka na?" tanong ni Mave,isang thumb up lang ang isinagot ko sa kanya,emphasizing na handang handa na ko. Tumingin ako sa ibaba,kinakabahan ako kasi sobrang taas ng itatalon ko. Gaad. 'Wag naman sana akong madisgrasya.
"Kaya ko 'to...fighting lang! Fighting! Aja!" Kunyari nalang na gusto kong tumalon sa napakataas na rooftop dahil gusto kong magpakamatay.
Nagsimulang magbilang si Mave, "Isa,"
"Dalwa," Lumundag-lundag muna ako para siguradong mataas ang itatalon ko.
Hooh. Eto na tatalon na talaga ko.Kailangan ko nalang maghintay sa "go" signal,
"Go!" Mula sa kisame ng gynasium tumalon ako pababa sa ground floor. Tsaka nag tumbling tumbling sa ere at lumundag pababa ko sa ground. Syempre 'di ako madidisgrasya kasi may safety harness na nakatali sa baywang ko.
"Ano okay naba?"
"Oo Greyson! Ang galing ng pagtalon mo! Perfect na perfect ang timing!" Tuwang-tuwa si Shantal habang hawak nya ang camera recorder na syang nag video ng ginawa kong stunt.
"S-slamat. Bababa nyo na ko dahil parang mamamatay ako ng 'di oras dito sa ere," Hinang-hina na ko at hilong-hilo. Sino ba naman 'di mahihilo? Ilang ulit akong nag-iikot ikot sa ere para makuha ko daw yung perfect timing. 'Yun kasi daw dapat eh sabi ni Shan kaya ginawa ko nalang.
"Baba na raw sya!"
"Oo baba na natin"
"Isa.. Dalwa.. Tatlo! Ooompp" Sabi nung mga facilatator sa itaas at dahan dahan nila akong ibinaba sa ground floor. Humiga ako sa saglit para maibsan kahit kunti ang pagkahilo ko at ng maka-recover na ko tumayo na ko at pinanood yung kuhang video ng stunt na ginawa ko kanina.
"Oh tignan nyo! Para talaga akong tumalon sa rooftop oh. Parang 'di makasunod ang wire pag gumagalaw ako," Naa-amaze kong pinakita sa kanila ang video ng stunt na in-upload ko sa laptop.
"Oo nga,"
"True na true talaga,"
"Amazing naman ng pagtalon mo Greyson," Pagsang-ayon ng mga facilatator na sangayon ay pinagmeryenda ko muna ng sangkatutak na lasagna at hot cakes.
Pinanuod ni Shantal ang video ng stunt, "Sa tingin mo ba 'pag in-upload natin 'yan magiging star ka sa youtube? Ano kaya kung mag martial art class ka na lang? Sa Chinese kung fu,try mo kayang sumali,"
"Wag na, masyadong pang masa ang martial art class na 'yan. Di naman 'yan makakatulong sa magiging image at career ko eh."
"Oo tama,"
"Correct na correct ka jan,"
"May point ka jan sa motivation mo Greyson. Tuloy mo lang 'yan. Mabuti 'yan" Pagsang-ayon ulit ng mga facilator. Hay. Pinagloloko yata ako nang mga taong 'to eh.