Trip to your Heart ~ Trip 2

25 1 0
                                    

"Good Morning Darryl."

"Morning Raven."

"Ang aga aga tapos ganyan mukha mo. Anong problema? Si Ate Dar na naman?"

Nagsigh lang ako. Sanay na siguro 'tong si Raven sa mga kwento ko. Paulit ulit lang naman kasi yung problema ko.

"Nako nako. Mga babae nga naman. Hayaan mo na yang ate mo. Marerealize niya rin yang mga ginagawa niya. Matanda na kaya siya."

"Ewan ko ba."

"May meeting daw SC ngayon. Pumunta ka mamaya ah. Wag ka tatakas."

"Asa ka namang tumatakas ako."

"Sinisigurado ko lang."

Raven is my best friend. Wag niyo na itanong kung paano pero simula elementary kasama ko na sya. Magkaiba kami ng ugali, sobrang daldal niya, ako tama lang. Siya rin ang puno't dulo kung bakit ako napadpad sa SC. Hindi ko alam pero nagpasa siya ng application form last year at dun na nagtuloy tuloy. I wasn't expecting na mananalo ako since siya lang naman ang kaibigan ko. I'm not the friendly type person, siya nga yung tingin kong dapat nag-apply. Well, gusto niya kaso hindi siya umabot sa isang requirement which is wala dapat mababang grade. Expect the unexpected nga naman.

"Sasama ka ba sa meeting mamaya?"

Tanong ko kay Raven. Lagi naman kasi siya sumasama, andun kasi si Kuya Rance. Kapatid niyang 4th year at SC President.

"Pass muna ako ngayon kasi mainit yung ulo ni Kuya. Baka madamay pa ako. Kayo na lang bahala makitungo sa kanya ah."

~

Lunch break pero hindi naman ako kumain ng lunch. Pumunta ulit ako sa likod ng school namin para tignan yung monggo seeds pero may nakita akong babae.


"Amber?"

Nilapitan ko siya, she was hugging her knees. Umupo ako para maging magkalevel kami.

"What happened?"

I asked basang basa kasi siya tapos umiiyak pa.

"K-kuya Kyle?" 

Tinangal ko yung jacket ko tapos pinasuot ko yun sa kanya. Malamang nilalamig na siya kasi December na rin naman. Kinuha ko rin yung panyo ko tapos binigay ko yun sa kanya.

"May nang bully ba sa'yo? Sabihin mo sakin at sasabihin ko sa Discipline Coordinator."

"Wag na po. Wala lang 'to."

"Wala lang pero iniiyakan mo?"

Uh, mali ata yung nasabi ko dahil tumahimik siya.

"Ano ba talaga nangyare sa'yo?"

Hindi pa rin siya sumagot.

"Sige, sasabihin ko na lang si Mrs. Santos na may nangyare sa may pool kanina para maimbestigahan kung anong nangyare."

I don't mean to blackmail her but that's the only way para ikwento niya kung anong nangyare."

"W-wag mong gawin. Please Kuya Kyle. Baka masuspend si Gale."

"Ah so si Gale pala yung may gawa sa'yo niyan?"

Nagulat ata siya sa nasabi niya kaya napahawak siya sa may bibig niya.

"H-hindi."

"Okay, hindi na ako magsusumbong para hindi na mapahamak yung dati mong kaibigan pero kapag may ginawa siya ulit na masama sa'yo, hindi ko na yun palalampasin."

I sounded like an annoying brother but who cares? Ayaw na ayaw kong may nakikitang may nabubully. 

"Tara na, para makapagpalit ka na. Mamaya magkasakit ka pa."

Dahan dahan siyang tumayo pero agad naman siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya at dinala sa clinic. Pinagtitinginan kami ng ibang students but I don't care. Mind their own business. Nakasalubong ko nga pala si Gale pero nilagpasan ko lang siya. How could she do this to her former friend? Inasikaso naman agad ni nurse Sharm si Amber. She also adviced me na tumawag sa bahay ni Amber and ipasundo na siya since sobrang taas na ng lagnat niya. Nurse Sharm gave me Amber's ID kasi andun yung phone number.

"Hello?, Good Afternoon po. May I speak to Mrs. Andrada?"

"I'm sorry but my mom's out. Who's this and what do you need from my mom?"

"I'm Kyle Herrera po, Amber's friend and pinapa-advice po kasi ng nurse namin na kung pwede pakisundo na po si Amber since mataas po yung lagnat niya."

"Okay, please look after my baby sister. Papunta na ako para sunduin siya."

Nagstart na yung classes namin pero andito ako sa labas ng room ni Amber para kunin yung mga gamit niya. 

"Good Afternoon Ms. Samonte."

Napatingin lahat ng classmates ni Amber. Uhm, this is awkward.

"What do you want Mr. Herrera? Class hours na. Bakit pagala-gala ka pa?"

"Kukunin ko lang po sana yung mga gamit ni Amber Andrada since she needs to go home. Mataas po kasi yung lagnat niya."

"Okay sige, Pakisabi kay Ms. Andrada na mag pagaling siya. Mr. Favilla, pakibigay nga kay Mr. Herrera yung mga gamit ng seatmate mo."

Lastname basis talaga 'to si Ms. Samonte. Filipino teacher ko siya dati. Inabot naman sakin yung mga gamit ni Amber nung seatmate niyang lalaki. Hindi ko alam pero parang masama ang tingin niya sa akin. Bakit kaya? Nevermind, nag-paalam na ako kay Ms. Samonte tapos bumalik naman na ako ulit sa clinic.

"Darryl, ipakita mo na lang 'to sa teacher mo para ma-excuse ka. Sorry na rin sa abala since ikaw pa yung pinatawag ko sa guardian ni Amber. Masayado kasing maraming ginagawa dito sa clinic, hindi ko maasikaso."

"Wala po yun nuse Sharm. Kaibigan ko naman si Amber eh."

"Wushu, Kaibigan nga ba Darryl? o type mo siya?"

"Nurse Sharm talaga. Palabiro ka."

"Palabiro daw. Todo effort ka nga para sa kanya eh. Don't deny Darryl. Actions speaks louder than words."

"I'm just helping her. Nothing more."

"Baka kainin mo yang sinasabi mo. She's pretty kaya oh. Look!"

 Ang kulit talaga ni Nurse Sharm. Maya maya pa ay may dumating na lalaki na i think in his early twenties. 

"I'm Red Andrada, Amber's brother. What happened to my sister?"

"Hindi ko rin po alam. Nagcollapse na lang siya."

"Sige Kyle, Thanks for looking after my sister."

Umalis na rin sila, Inalalayan ni Nurse Sharm si Amber and I think dadalhin siya sa hospital. Yun kasi yung narinig ko kay Kuya Red na sabi sa driver nila. Masyado na akong nag-cucutting classes, makabalik na nga.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

November 23, 2014

Unedited. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Trip to your Heart {ON HOLD}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon