Gabing-gabi at naglalakad si Taria sa maputing buhangin. Hinanap nito ang kanilang paboritong inuupan kapag nagkakausap o di kaya'y kapag nagkipagkita sa kanya si Arctorus. Umupo ito sa malaking bato. Habang minamasdan nito ang liwanag na nagmula sa buwan pinikit nito ang kanyang mata. Maya-maya pa ay nakaramdam ito ng mainit na yakap mula sa kanyang likod at halik sa kanyang batok.
"Kanina ka pa?"tanong sa kanya.
"Hindi naman"
Malamig ang hangin sa gabi pero hindi niya ito nararamdaman dahil sa yakap nito. Muli naman siyang nakatanggap ng halik sa kanyang tenga. Mahina siyang tumawa sa kilos nito.
"Sana ganito na lang tayo palagi" sabi niya at kinuha nito ang kamay sa kanyang bewyang pinasiklop nito sa kanyang mga daliri.
"Hmmm... Kung ganito tayo palagi paniguradong magkakasakit ang tiyan ko dahil sa lamig ng hangin" biro ni Arctorus.
Mahina siya tumawa at hinarap niya ito. Tumingin ito sa kanyang mata. Lalo siyang nahuhulog sa binata na ito bagama't alam niyang imposibleng siya ang maging huli nito. Hinawakan niya ang pisngi ng binata at ngumiti siya.
"Kapag nagkasakit ka. Ako ang mag-aalaga sayo"
Ngumiti ang binata at hinalikan nito ang kanyang noo. Nagtagal doon ang labi sa kanyang noo. Pumikit siya upang maramdaman ang labi nito.
"Mahal na mahal kita" sambit ng binata sa kanya. Idinikit nila ang kanilang noo.
Masarap pakinggan dahil sa mahal na tao na naggaling pero may ilang luha na ang dumadaloy sa kanyang pisngi ni Taria.
Ito ang pinili ng magkasintahan na makipagkita hindi dahil sa ganda ng liwanag na buwan kundi sa ipinagbabawal na relasyon.
Matagal na may relasyon si Taria at Arctorus at nilillihim ng mga ito sa kanilang mga magulang. Mahigit pitong taon ang agwat ni Taria kay Arctorus at hindi sila mayaman tulad kay Arctorus na ilang araw ikakasal na ito. Mahirap man pero kinaya ng dalawa.
Hindi pwedeng ihinto ang kasal ni Arctorus dahil siya lamang ang nag-iisang anak ng mga Constansio at walang matitira na yaman kay Arctorus. Matagal na ang plano ni Arctorus na lumayas pero naawa ito sa kanyang magulang dahil matanda na ang mga ito.
"Ako pa rin ba ang mahal mo pagkatapos ng kasal mo?" Tanong ni Taria habang nakasandal ito sa dibdib ng kanyang kasintahan
"Oo, naman" binigyan ni Arctorus ang kanyang kasintahan ng halik sa gilid ng noo
Nilalaro ni Arctorus ang mga daliri ni Taria para hindi mapansin na sinusuot nito ang isang diamante na singsing. Nang maisuot iyon sa daliri ng dalaga hinalikan niya iyon. Pumikit siya ng mariin at nag hiling.
'Mahal ko patawarin mo ako, alam kong ikakasal na ako pero nandito ako ngayon sa huling araw ko. Hindi dito sa Pilipinas igaganap ang kasal ko kundi sa ibang bansa. Pasensiya na pero ang singsing na ito ay simbolo ng pagmamahal ko sa iyo. Ibibigay ko ito dahil ito lamang ang isang bagay na hindi mo ako makalimutan kahit kelan. At hinihiling ko na magkikita tayo balang araw kung saan wala nang sagabal sa ating pagmamahalan.'
Nagmulat ng mata si Taria dahil may nararamdam siya basa sa kanyang ulo. Hinarap niya ang kasintahan napapansin niyang mabasa ang pisngi nito. Pupunasan niya sana ang pisngi na may napansin siyang singsing sa kanyang daliri.
"A-ano ito?"
Nagmulat ng mata si Arctorus at ngumiti ito sa kanya. Kinuha nito ang kanyang kamay at hinalikan ito.