Mama ni Kat2x:LUMAYAS KA DITO!!!!! ***Sabay tapon sa mga bagahe*** Umalis kana sa pamamahay na ito!!
Papa ni Kat2: eh, ganyan ka naman talaga!! Mukha kang pera!! **sabay kuha sa bagahe at umalis na**
Mga Kapitbahay: ano ba naman niyan di na sila nahiya! *bulung - bulongan**
Mama: Oh, ano na naman ang tiniingin niyo diyan?? *agad pumutok ng baril*
Chismosas: AAYYYYYYYY!!!!!!!!!!!!!!!! *nagsipag takbuhan*
Mama: KAT2x!!!!!!!!!!!!!!!
Kat2: po?
Mama: Matulog kana may skwela ka pa bukas.
Kat2: opo.
Pananaw ni Katrin
Hi! Ako si Katrin Dela Rosa o mas kilalang bilang Kat2x.
Isa lang akong simpleng bata, noon paman hindi na ako nagugulat kung bakit sila away ng away , at kung bakit napaka siga ng nanay ko, sa totoo lang parang wala nalang yan sa akin para normal lang na araw sa isang linggo.
Anak pala ako ng yumaong milyonaryong tatay ko na si Roberto Dela Rosa, at yung kaaway ng mama ko pangatlong asawa na niya yun. Hindi ko alam kung bakit nagkaganyan si nanay basta ang alam ko mahal niya ako.
Marami akong natutunan sa mama ko, ang una ang pagiging palaban, minsan nga may kaaway ako sa skwelahan tapos ayun uwing luhaan ang kaklase ko, pinatawag agad ako sa counselor.
Wala pa naman ding nag bago hanggang sa na kick - out ako sa paaralan dahil sa paulit - ulit na pakikipag - away ko, at oo alam ko ang nasa isipan ninyo, isa akong bully, sa totoo lang hindi naman talaga ako bully dinidipensahan ko lang naman sarili ko. Sila naman talaga ang may kasalan.
Ang pangalawa, ang pagiging maganda, yan ang masasabi ko, sa sobrang ganda ko may umiidolo na babae at pinapangarap ng mga lalaki hahahaha!!!! Alangan ba naman sa iba ako nag mana eh di sa nanay ko.
"Mama: Kat2, may sasabihin ako sa iyo.
Kat2: Ano poi yon?
Mama: Ito hindi ko 'to sinasabi sa iyo dahil Malaki kana ang gusto ko lamang wag kang basta basta mag tiwala sa ibang tao! Ang tao ay masama hindi mo dapat tularan ang papa mo(3rd husband)!
Kat2: Opo.
Mama: At isa pa, kung gusto mong maging mayaman habang buhay, wag kang bastang pumili ng mga lalaki uulitin ko WAG KANG UMIBIG! Dati pa wala ng pag - ibig ang gusto ng tao ngayon mabuhay ng masagana wala na yang pag ibig na yan!
Kat2: Opo Inay pangako ko hindi ako magtitiwala kahit kanino at hindi ako iibig.
Mama:Yan ang anak ko."
At yun ang mga natutunan ko kay nanay, hanggang ngayon dala - dala ko parin sa sarili ko ang mga sinabi niya, bilib na bilib talaga ako kay nanay bakit sa dinami dami ng panahong nag kasama kami , hindi talaga kami nagutom, mahal ko talaga ang mama ko .
Ngayon ay nakapag tapos na ako ng pag - aaral ng Business, well guess what? Isa akong SUMA CUM LAUDE , well I can now inherit my father's business(my original father) since my mom is now old. Hahay sarap ng buhay mayaman .