Epilogue

47 2 0
                                    

Ako si Midnight, isang very average girl. Ay hindi pala, below average pa nga. Hindi ako maganda. Hindi din ako matalino. Ni hindi ako magaling kumanta o sumayaw. Ang tanging talent ko lang ay ang gumuhit. Isa akong transferee sa paaralang iyon. Ang Riverside High School. Ako ay nasa ikahuling taon na ng High School.

First day ng klase ngayon kung kaya't sobrang kabado ako. Sobrang mahiyain ako kung kaya't halos itago ko na ang mukha ko sa buhok ko. Ang itim na itim na buhok ko ay maikukumpara sa itim ng gabi, marahil ito ang dahilan kung bakit Midnight ang ipinangalan sakin. Hindi man ako astig, Atleast astig naman ang pangalan ko. Anyway, Ang wirdo daw ng style ng buhok ko. Meron akong straight bangs na tumatakip sa mga mata ko. Ang itim na buhok ko ay mahaba, hanggang bewang, mala sutla ito ngunit hindi pa din naaappreciate ng mga kaklase ko. Para daw kasing ako si Sadako. Lage akong nabubully dahil doon. Napasimangot ako ng maalala ko yung mga bully na classmates ko sa dating school ko.

Tumahip ang dibdib ko. Halos hindi ko maihakbang ang paa ko upang pumasok sa room ng first subject ko. Magulo ang lahat,at kung anu ano ang mga pinaggagawa dahil wala pang teacher. Ilang minuto ko pa silang pinagmasdan. Nasa labas lamang ako ng room at nakatingin sa bintana. Isang lalaking may puting buhok ang umagaw ng atensyon ko. Tahimik lamang ito sa kanyang upuan. Shit ang gwapo nya! Tili ng utak ko. Sa buong buhay ko,ngayon lamang ako humanga ng ganito.

"Excuse me,munting binibini. Kasali ka ba sa klase ko?" Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita. Isang matandang lalaki na may bilugang salamin ang may ari ng boses na iyon. May katabaan sya at bahagya ng nauubos ang buhok nito sa bumbunan. Tumango lamang ako sa kanya.

"Ano pa ang hinihintay mo? Pumasok ka na." Wika nito.

Nauna itong pumasok sa akin. Hinampas nito ang white board upang makuha ang atensyon ng lahat.

"Class, go back to your sit." Wika nito. Tumalima naman ang lahat at naging sobrang tahimik.

"Meron kayong bagong kaklase. Munting binibini ipakilala mo ang sarili mo." Utos nito sa akin. Napakagat ako sa labi. Sa lahat ng ayaw ko ay yung tatayo ako sa harapan at magsasalita. Dahan dahan ako pumunta sa harapan.

"Uhm, k-Kamusta kayo. Ang pangalan ko ay Midnight Ybarra" Nauutal ko pang sabi habang nakatingin ako sa sahig, Lalong natakpan ng bangs ko ang mukha ko dahil doon.

"Tao pala sya, akala ko kanina multo!" Isang lalaki na nasa dulo ng upuan ang nagsabi niyon. Nasundan iyon ng malakas na tawanan ng buong klase. Lalo akong yumuko sa kahihiyan.

"Quiet Class! Miss Ybarra, you may take a sit" Wika ng aming guro.

Isang upuan sa tabi ng isang babaeng ngumunguya ng bubble gum ang nakita kong bakante, Uupo na sana ako dun ngunit nilagyan nya ito bag.

"Ayokong katabi ka" sabi nito sakin.

"Dito,walang nakaupo." Nagulat ako ng mapagsino ang may ari ng tinig na iyon. Ang gwapong lalaki na may puting buhok!

"Salamat" Ang tangi kong nawika. Muntikan pa akong madapa bago makaupo. May sumubok patirin ako. Napabuntong hinga ako. Mukhang di na naman magiging masaya ang huling taon ko ng highschool.

Hindi ako makapagconcentrate sa klase, paano'y nakakadistract ang kagwapuhan ng lalaking katabi ko. Pinagmasdan ko ng palihim ang kanyang anyo. Tila hindi sa isang normal na tao ang features nya. Matangos at maliit ang ilong nya, ang matang kulay abo ay pinarisan ng makakapal ngunit perpektong kilay. Ang labi nito ay maliit at natural na mapula. Mahaba ang kulay puti nitong buhok. Ang malaporselanang kutis nito ay maihahambing sa manikin. Ang gwapo nya talaga. Gusto ko mapatili sa sobrang kilig. Ngunit may kakaiba talaga sa kanya.

Winter & Autumn: The vampire twinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon