Part 1 - Aurora Ybarra

19 0 0
                                    

Napabuntung hininga ako ng makarating sa bagong tinitirahan namin. Umaasa akong di pa nakakauwi ang aking Mama buhat sa pictorial nya. Sino ang makakapag akalang ang isang model na si Aurora Ybarra ay may anak na. At ako nga yun, si Midnight Ybarra. Sa edad ni mama na treinta'y singko ay hindi mo mahahalata sa kanya. Balingkinitan pa din ang sexy nitong katawan. Maganda at walang kawrinkles wrinkles ang mala porselana nitong kutis. Ang maganda mukha nito ay tila sa isang manika. Tila hindi ito tumatanda. Kung minsan maging ako ay napapaisip kung ordinaryong tao nga ba si Mama.

Di ko na nakagisnan ang aking ama. Ni hindi ko alam kung sino ito. Malupit sakin ang aking Mama. Marahil ay disappointed sya at ako ang naging anak niya. Isang walang kwentang katulad ko. Ngunit kahit kelan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob.

Agad akong pumasok sa aming maliit na gate. Hindi pa din nakabukas ang ilaw gayong madilim na. Isa itong magandang signs na wala pa ang Mama ko. Dali dali akong pumasok sa room ko. Inilapag ang aking bag at nagbihis. Matapos magbihis ay nagtungo ako sa kusina. Nagluto at naghugas ng mga hugasin. Lahat ng kilos ko ay may pagmamadali. Paano'y pag naabutan ako ng aking Mama na wala pang makakain ay siguraong jombag na naman ang aabutin ko. Nahuli ako ng isang oras ng uwi dahil sa nangyari kanina. Matapos kong gawin ang gawaing kusina ay tinungo ko naman ang silid ng aking Mama.

Makalat ang kanyang silid as usual. Ang mga damit nitong pinagpilian ay nagkalat lamang sa kanyang kama. Ang maruruming damit ay nasa lapag.

Mabilis kong nilinis ang kanyang silid. Siguradong makakatikim na naman ako ng kaltok pag nadatnan nyang marumi ang kanyang kwarto.

"Midnight..." Boses iyon ng aking magandang mama. Tila lasing na naman ito. Nitong mga nakaraang araw ay tila problemado ito. Madalas ay sakin niya ibinubunton ang kanyang galit. Nanginginig akong lumapit sa kanya.

"Ano ba tong niluto mo at hindi maintindihan ang lasa!" Sigaw nito. Mababakas ang galit sa maganda nitong mukha. Namumungay ang maganda nitong mata... Ngunit ano itong nakikita ko? Tila may lungkot sa mga mata nito.

"A-ah, N-nilagang baboy po iyan." Nanginginig kong sabi.

"Baboy? Bakit walang gulay! Gusto mo ba akong tumaba." Sabi nito sabay namaywang. Unti unti itong lumapit sakit.

"Ah Mama, S-sorry po. Hindi pa po ako nakapamalengke dahil wala po kayong iniwan na pera." Napaatras ako ngunit natigilan dahil napasandal na ko sa pader.

"Mangangatwiran ka pa! Wala ka talagang kwenta!" Singhal ng aking Mama sa akin. Napatungo lamang ako, Natatakot salubungin ang galit na mata ni Mama. Ginagawa ko naman ang lahat para mahalin ako ng aking Mama ngunit kulang pa din sa kanya. Napakagat labi ako dahil gustong tumulo ng luha sa mga mata ko.

Iniangat ni Mama ang mukha ko. "May sugat ka sa mukha. San mo nakuha yan? Nakipag away ka no?" Tanong nito na inilapit pa ang kanyang mukha sa mukha ko. Naamoy ko ang amoy chiko nitong hininga.

"Walanghiya ka talaga! Walang kwentang anak! Dapat ay pinalaglag nalang kita sa aking sinapupunan nung pinagbubuntis pa lamang kita." Wika nito. Sa lahat na yata ng masasakit na nasabi sakin ni Mama ay iyon na yata ang pinakamasakit. Nakaramdam ako ng galit. Buong buhay ko ay wala akong hinangad kundi ang mahalin ng aking ina. Matalim ang matang nag angat ako ng mukha.

"Matapang kana! Marunong ka ng tumingin sakin ng ganyan." Wika nito at humalakhak.

"Buong buhay ko,Wala akong hinangad kundi mahalin mo! Mama,anak mo ako at hindi isang alila!" Buong tapang kong sabi.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi kong di pa nakakarecover sa pagsambal ni Mary.

"Lumayas ka ngayon din! Lumayas ka!" Galit na sabi nito ngunit ang mata nito ay nanatiling malungkot.

Natigilan ako sa ekspresyong nabasa ko sa kanyang mukha. Naguluhan ako at hindi ko alam ang sasabihin.

Nagulat pa ako ng maramdaman kong itinulak ako nito palabas sa pinto.

"Lumayas ka sabi!" Malakas na sigaw nito.

"Mama,sorry sa nasabi ko! Wag mo akong palayasin. Wala ako mapupuntahan" Pagmamakaawa ko sa aking malupit na Mama.

Tuluyan na akong naitaboy nito palabas hanggang gate. Inilock na nito ang gate.

"Wala akong pakialam! Hindi ko kailangan ang walang kwentang anak na tulad mo!" Sigaw nito. At pumasok na ito sa loob ng bahay.

Umiiyak akong napaupo sa malamig na kalsada. Hindi ko alam kung anu ang kasalanan ko at ginaganito ako ng aking mama.

Mayamaya pa pagkatapos ng mahabang pag iyak. Tila wala na nga yatang balak pang pagbuksan ako ng gate ng aking Mama. Wala sa sariling naglakad ako. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Malalim ang iniisip ko. Totoo ba ang kalungkutang nababasa ko sa mata ng aking Mama?

Patuloy akong naglakad hanggang makarating sa isang hi way. Sa kabilang side ay tila nakita ko si Winter. Nagsalubong ang aming mata. Tuloy tuloy akong tumawid ng makarinig ako ng malakas na busina. Pag tingin ko sa kaliwa ay isang napaka laking truck ang paparating sa gawi ko at huli na para umiwas ako. Wala akong nagawa kundi ang pumikit at maghintay sa aking malagim na wakas.

Isang segundo pa ang lumipas. Ngunit ang inaasahan kong matinding sakit ay di ko naramdam.

Hindi ba pag patay ka na, Puro maliligayang memories lang daw ang maaalala mo. Ngunit bakit ganito, Hanggang sa aking kamatayan ay dala dala ko ang pait? Nagtatakang tanong ko sa aking sarili.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at ang mga abuhing mata ni Winter ang bumungad sakin. Bago pa ko nakaisip ng sasabihin ay nawala ito ng parang bula.

"Anong nangyari? Bakit buhay pa ako?" Ang naguguluhang tanong ko. Lumingon ako sa truck na muntik ng makapatay sa akin. Ang driver nito ay saglit na tila natigilan. Narinig kong nagmura ito ng makabawi.

"Maligno yata ang isang yun! Ang bilis eh!" Wika ng driver ng truck.

"Hindi!Multo yun! Tara na umalis na tayo sa lugar na to!" Nahintatakutang sabi ng kasama nito. Dali dali pinaharurot ng mga ito ang truck.

Kumurap kurap ako at luminga sa paligid. Wala ng ibang taong naroon. Ngunit sigurado ako! Si Winter ang nakita ko sa kabilang kalsada! Tili ng isip ko. Natatakot na muling bumalik ako sa aming bahay. Hindi ko na maipaliwanag ang misteryong bumabalot kay Winter maging sa kanyang kakambal na si Autumn. Bunga nga lang ba ito ng aking imahinasyon o sadyang totoo ang mga pangyayari?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Winter & Autumn: The vampire twinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon