Ako si Jamie Loyola, Miss friendly. Nag- iisang anak, buti nalang at madami akong kaibigan. Napupunan nila yung pangungulila ko sa kapatid..
Kakatapos lang ng school year. Goodbye sophomore year. Third year highschool na ako this coming school year.
Well, nothing special about my freshmen and sophomore year sa St. John.
Yes, madami akong friends. Miss friendly nga ako ng St. John e, Pero bakit parang may kulang pa din?
Hayy..
Naglalakad ako ngayon sa Pavillion ng subdivision namin. Nagpapahangin lang, hindi kasi ako makatulog eh. Ang sarap na ng pagmumuni- muni (pagiisip- isip) ko nang may marinig akong...
Vroooom. Vrooooom. Vrooooom.
Tunog ng napakabilis na takbo ng big bike (motor).
Oh my gosh. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng may makita akong napakabilis na truck na paparating. Napapikit nalang ako dahil akala ko magkakabanggaan yung truck at motor na sakay ng isang lalaking hindi ko makilala dahil naka- helmet..
Ilang sandali pa ay akala ko makakarinig na ko ng ingay ng pagbabanggan ng dalawa, pero wala akong narinig.
Dinilat ko ang aking mga mata..
Nakita ko na tumigil na yung motor. Bumaba yung lalaking nakasakay at umupo sa gilid ng kalsada.
Samantalang yung truck ay tuloy tuloy lang sa mabilis na pagtakbo hanggang sa mawala na sa paningin ko..
Sa sobrang takot ko sa nangyari, nilapitan ko yung lalaking nakaupo na nakatalikod sa kinaroroonan ko..
"Hey. Ayos ka lang ba? May balak ka bang magpakamatay?" mahinahong tanong ko sakanya habang tinatapik ko yung likod nya.
Pag harap nya sakin tanging "Tss" lang ang nasabi nya.
Pamilyar sya sakin. Schoolmate ko 'tong lalaki na to. Hindi ko lamg maalala yung pangalan nya dahil hindi ko nararamdamam yung prescense nya sa school.
Habang nagtititigan kami, hinahalungkat ko sa memory ko kung anong pangalan nya at kung saan ko sya madalas na nakikita..
Thnik.Think.Think...
Gotcha! "Ikaw yung member ng dance troupe sa school diba?" tanong ko sakanya.
Mailap sya sa school. Bihira ko syang makita, pag may mga program lang. Dancer yan, kaibigan ko din yung ibang groupmates nya. Member sya ng One Republic, sikat na grupo ng mga dancer sa school.
Nag nod lang sya nung tinanong ko sya.
"Hindi ka ba marunong magsalita? O sadyang suplado ka lang?" mahinahong tanong ko sa kanya.
"Ako nga pala si Jamie. Jamie Loyola." nakangiti kong sabi sa kanya habng inextend ko yung kamay ko para makipagshakehands sa kanya.
"Blaze. Blaze Cruz." sabay abot nya ng kamay nya at nakipagshakehands sakin.
"Nice to meet you Blaze Friends?" nakangiting sabi ko sa kanya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Blaze POV
Akala ko mamamatay na ko kanina. Pero mas okay na nga yun eh. Sayang, Hindi pa ko natuluyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/2418446-288-k547922.jpg)