Hopeless Romantic (Book Review)

165 5 0
                                    

        3rd year ako noon, nung nagsimula akong magexplore dito sa Wattpad, obviously para magbasa ng stories at makasabay sa aking mga kaklase. Naalala ko pa noong inopen link in Newtab ko yung 3 genre na Teen Fiction, Romance saka Non-TeenFiction, at dahil di pa lingid sa kaalaman ko na ganun pala yung mga stories na makikita sa Non-Teen Fiction agad ko namang inex yung tab na yun baka makita pa ko ng kapatid ko eh, sumbong pa ako kay mama mahirap na hahahha ^_^ . Sa Romance naman 'di ko type yung mga stories kasi pang matanda gusto ko yung pang Highschool lang yung makakarelate ako kaya sa TeenFiction nalang ako naghanap ng babasahing story at doon ko natagpuan yung Hopeless Romantic na kinagiliwan ko at naging dahilan upang magbasa pa ako ng mga stories sa Wattpad.

        Naweirduhan ako noong nasa simula palang doon sa intro yung may palitan ng sinasabi yung bitter saka yung nagsasalita doon na si Rylie. Pero naging interesado ako sapagkat may pagka Hopeless Romantic din ako na naghahangad ng Forever. Mas naging interesado din ako noong nasa Chapter 1 na ako sapagkat bumungad kaagad na may Bestfriend siya na si Aisha at masaya ako pag nakakabasa o nakakanuod ng may mag Bestfriends ^_^ . Binasa ko yung Hopeless Romantic sapagkat tulad ng sinabi ko kanina Hopeless Romantic din ako, may involve na mag Bestfriend at parang ako yung nasa prologue na naniniwala na may lalaki para sa akin at pwedeng mangyari yung mga nasa libro, movies at teleserye.Noong una akala ko si Josh yung guy para kay Rylie ngunit noong kiniss ni Tyler si Rylie sa bench ay naging c Tyler na yung expected ko na makakatuluyan ni Rylie sa huli. Marami akong mga nagustuhan na scene sa story tulad noong 1st time nila Rylie at Tyler magmeet sa school. Tumitingin sila ng section noon nang natulala si Rylie sa sarili noong nakita niya si Tyler ng malapitan dahil sa siksikan noon at sinusungitan ni Tyler si Rylie ^_^. Pangalawa noong kiniss ni Tyler si Rylie sa bench noong palapit na yung 3 lalaking pinagpustahan si Rylie, nakakakilig  <3 <3 Nagustuhan ko din yung time na hindi na inaaway ni Janine si Rylie at may tawag ung kambal at si Rylie kay Tyler na Patrick at pinagseselosan ni Tyler si Patrick noong hindi niya pa alam na siya yun. Natatawa din ako pag nalalasing c Rylie kasi naiimagine ko na ang cute cute niya at kung anu anong mga sinasabi niya na bulol at para siyang bata hahahah ^_^  Pero pinaka favorite ko tlaga sa lahat ay yung kapag ang sweet nila Tyler at Rlie ^_^ <3 tulad noong Intrams yung naghaharutan cla ansaya sya ^_^ tas biglang sweet ni Tyler hug from back pa at kiss sa cheeks tas cnabi nya pa na No One But you, Saka Mahal na Mahal Kita <3 <3 <3 . Saka ang ganda ren ng transition after ng sweetness nila tyler at Rylie biglang sumulpot naman cla Alexa para iblockmail si Rylie sa CR . tapos mayamaya sa sobrang tagal ni Rylie sa CR pinuntahan n siya ni Aisha at ayun BestFriend to the Rescue ^_^ <3 ,. On the other hand may mga part din sa story na naiines ako tulad nung sa TJ yung akala ni Tyler c Janilyn yung J kya isinantabi nya c Rylie para dun kay Janilyn kaines talga yun, tpos yung video na cinut nila selena at pinanuod kay Rylie kaines den yun umiyak nga c Rylie nun e dhil s mga cnabi ni tyler pero di nya napanuod yung mga sumunod dhil nga cinut nila Selena kaines mga paepal hahahahahahhahahahahahah ^_^ nakakaines den noong nagalit c Rylie kay Aisha dahil sa ginawa nila noon ni tyler kay Rylie, okay lang sana kung palipasin muna yung time ng mga 1or2 days para nakapag isip c Rylie at nawala kaunti ung pain tas bati n cla kaso hanggan sa natapos ung part 1 Hindi cla nagbati e.  Saka c paepal na Alexa arti arti pakamatay pa sya wala nman magbabago sinayang nya lang pagod nya papancn lng kay Tyler dahil dun naglasing nnman c Rylie at nahospital din tas kaines cnamahan pa ni Tyler c Alexa isa pa tong c Josh e d pinapaalis c tyler e kayang kaya nya nman c Alexa makasarili sarili lang nila iniisip nila.


         While reading the story may part na tawa lang ako ng tawa dahil sa kulitan , kilitian at asaran nila Tyler at Rylie ska ng ibang character saka pag nalalasing c rylie tulad ng sinabi ko kanina ang cute nya ^_^. Tapos may part din nanaiines ako tulad ng mga sinabi ko kanina. Marami man akong nagustuhan at may kinainisan ako sa HR part yun ng story at pag nawala yun hindi na magiging maganda ang story, saka mas maganda ren na may positive and negative part sa story para mas exciting sa mga susunod na mangyayari . ^_^

Hopeless Romantic (Book Review)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon