"Will you be my girl in seven days?" Tanong sa akin ni Kai. OO ni Kai as in EXO Kai, ang hot na si Kai at ang Dancing Machine na si Kai.
Di ko alam yung isasagot ko, o dapat bang akong sumagot? Kasi feeling ko nananaginip lang ako kasi yung mga ganitong scene sa panaginip ko lang nakikita. Ikaw ba naman ang yayaing maging girlfriend ng isang Kai? Iisipin mo ding nananaginip ka. Hello? katulong nga lang nya okey na ako girlfriend pa kaya?
"Krijen?" Tawag ulit ni Kai sa akin. And for the second time napaisip na nanaman ako kung totoo ba talaga 'tong nangyayari ngayon?
Paano nga ba ako napunta dito sa harap ni Kai, at ngayon nagpo-propose sa akin na maging girlfriend nya? Ang alam ko lang naman nanunuod lang ako ng concert nila.
****FLASHBACK******
" Bessssssssssssss~" Sigaw ng Bestfriend ko habang nagtatakbong pumasok dito sa bahay ko.
"Ano na naman? Kung maka-sigaw ka naman kala mo nireyp ka na ni Tao! Bakit ka ba nandito? Kung makikikain ka lang naman pwes mahiya ka na sa akin, wala na akong pangpalamon sa'yo kaya u--" napatigil ako ng biglang may ihampas na papel sa pagmumukha ko si Patricia, bestfriend ko.
"Ang sama talaga ng ugali mo. Ni hindko pa nga nabubuksan ng maayos 'tong pintuan ng bahay mo tinataboy mo na agad ako, minsan inisip ko kung bestfriend ba talaga tayo e."
"Le*he! nag-drama ka pa e nakapasok ka naman na dito sa bahay ko. At ano ba 'tong basurang hinampas mo sa pagmumukha ko ha? Tanong ko kay Patricia.
"Why don't you see with your own eyes?" Napairap nalang ako sa naging sagot nya. Minsan talaga mas maldita pa tong babaeng to keysa sa akin e. Umupo ako sa tabi nya habang binubuksan yung envelope na hinampas nya sa akin.
''Wait? Ticket ba to sa--''
''oo bes'' Napatalon ako sa sobrang kilig nung makita ko yung laman ng envelope. 2 SVIP for EXO concert! My gosh~ Iniisip ko palang na mapapanuod ko sila ng live naiiyak na ako.
''Pero wait nga lang bes, san mo naman nakuha tong ticket na'to ha?''
''Ha? A..e ano pa-raffle kasi yan bes, oo tama pa-raffle yan.''
''Talaga? Bakit parang nagsisinungaling ka?''
''makabintang ka naman! Akin na nga yang mga ticket na yan, maghahanap na nga lang ako ng makakasama ko para manuod ng concert'' Sabi na Patricia sabay kuha ng mga tickets. Pero hinablot ko din agad. '' to naman, curious lang naman.''
Pagtapos naming kiligin dahil sa mga tickets, kumain na kami.
---CONCERT----
(A/N) Fastforward na agad natin ah~ magiging boring lang kung hahabaan ko pa yung convey nung mag bestfriend, saka kunwari TLP lang sya. Wala po kasi akong maisip ng title ng concert nila.
''Wooooooh''
''Saranghae Oppa!''
''E.X.O''
''KYAAAHHH~'' Iilan lang yan sa mga boses na maririnig nyo dito concert hall! Grabe sa sobrang sabay-sabay na kaming magsalita halos di ko na marinig yung boses ng EXO.
Lucky na yung kakantahin na so meaning matatapos na yung concert. Matatapos na yung concert ng di manlang napansin ni Kai yung kagandahan ko T_____T Kanina yung sa XOXO part, yung may papaakyatin silang isang fan sa stage, kala ko ako na yung pipiliin nung staff kaso lumagpas e! Yung katabi ko yung nakuha. Kung nagtataka kayo kung asan yung IMPAKTA kong bestfriend, ay ewan ko ba kung nasaan yun. Basta ako nanunuod ng concert dito.
BINABASA MO ANG
MNET SCANDAL [EXO KAI]
FanfictionWhat if our bias can date a normal fan? What will be happen? There's any possibility that our Idol can also like us? or they can only see us as a fan? MNET SCANDAL