Chapter 4

5 0 0
                                    

Tahimik na nag mamasid si Keres sa mga Customers nila, iilan lang ang Customer nila dahil siguro sa malakas na ulan sa labas.

" May Bagyo ba ang lakas bigla ng ulan sa labas" sabi ni Zania na naiinip na din dahil sa kaunting tao sa loob ng Bar

" Hindi ko alam, Hindi ako nanonood ng Balita" sagot naman niya

" Ano ba yan ang konti ng Tao" sabi ni Nica na naka upo sa Upuan katapat ng Bar Counter

" May Bagyo nga siguro Boss lakas ng ulan sa labas" sabi ni Zania

" Wala Habagat lang daw sabi ng mga Tao sa Facebook" sabi ni Nica habang kinakalikot ang Cellphone

" Uy si Mr.Zaller nandiyan" kinikilig na sabi ni Zania

Nag angat naman ng Tingin si Nica at kinikilig din habang tinitignan ang papalapit na lalake

" Hi Girls, Sakto pala punta ko walang gaanong tao" sabi nito sabay umupo sa bankanteng upuan na katabi ni Nica

" Pier buti napadalaw ka, kamusta ang Company?" usisa ni Nica

" Stressful as always, Pumunta talaga ako dito, kasi nandito ang stress Reliever ko" sabi nito habang nakangiting nakabaling sa kaniya

Namula ang Pisngi ni Keres, habang si Nica at Zania ay kinikilig.

" Hi Keres, sabi ko naman sayo kanina dadaan ako dito, sabay na tayo umuwi gusto ko muna mag Chill" dagdag pa ni Reaf

" Nag kita kayo kanina?" hindi napigilang tanong ni Zania habang nakabaling sa kaniya na lalo niyang kinapula

" Oo sa Skyland, Namili siya kanina" nakangiting sabi ni Reaf

" Oo nga pala malapit sa Skyland yung unit na tinitirhan ni GF, Ayiiee lagi na sila mag kikita" pang aasar pa ni Nica

Halos buong shift niya hindi siya tinigilan ni Nica at Zania, habang si Reaf naman ay pangiti-ngiti lang.

Dahil sa walang gaanong tao ay maagang silang nag-sara.

" Boss Una na ko bukas nalang tayo bumawi" sabi niya kay Nica

" No Harm naman sa atin to, mahalaga may Customer parin tayo, ingat kayo ahh" sabi ni Nica

" Akong bahala ihahatid ko siya hanggang sa unit niya" sabi ni Reaf na hindi siya tinigilan para mapapayag.

" Good sige na Go habang mahina ang ulan mmaya lalakas nnaman yan" dagdag ni Nica

Ngumiti siya at nag paalam kay Nica.

Nasa isang payong lang sila ni Reaf at lubos ang kaba niya, mabuti nalang at may kalakihan ang payong kaya hindi masiyadong mag ka dikit ang katawan nilang dalawa.

" Sorry Isa lang nadala kong payong" sabi ng Bianata

" Ahh Okey lang" naiilang na sabi niya

Tahimik lang sila hanggang makarating sa Unit niya.

" Ayan hindi na ko kakatayin ni Nica, Matulog ka agad para makabawi ka" sabi ni Reaf sa kaniya

" Ahhmm Salamat, Pa...Pasok ka muna" nahihiyang sabi niya

" Hindi na malapit lang naman Ako wag ka mag alala" nakangiting sabi ni Reaf

" R..Reaf....Ano bang motibo mo bakit napaka bait mo sakin" hindi niya napigilang tanong sa Binata

" Simple lang Keres, I like you" pag amin ng binata habang nakatitig ng Diretso sa mga Mata niya

" I'm not the right Woman for you Reaf, Trust me I'm not worth it" diretsong sabi niya rito

Eira KeresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon