Sa simula pa lamang ng aking buhay;
Kayo ni Ama ang laging karamay,
Bawat pagsapit ng bukang-liwayway;
Namumutawi sa labi'y aral at gabay...
Lahat ng makabubuti'y inihain mo sa amin;
Walang dalawang salita'y inako ang pasanin,
Pinag-aalab ang silakbo ng damdamin:
"Mapabuti ka anak.." ang lagi mong dalangin...!
Gaano man kahirap mabuhay sa silong ng langit;
Tanging inaasam ko'y yakap mong mahigpit,
Napapawi ang lumbay at anumang hinanakit;
Taglay mo'y pag-ibig, walang yamang sa iyo'y hihigit.!
Tanging alay ko'y; buong buhay na pagkalinga;
Hindi ka tatalikuran hanggang sa iyong pagtanda,
Bintana ng kaluluwa'y umaagos ang luha;
Taos sa aking puso: "Ina'y MAHAL KITA..."
*****
Dedicated to all Mother who reading this right now.
-Butchoy_22
BINABASA MO ANG
"Ilaw ng Tahanan"
PoetryPARA SA LAHAT NG MGA MAHILIG SA TULA, SANAYSAY, KOMENTARYO, OPINYON o KURO-KURO... Ito po ay parte lamang ng aking malayang kaisipan... Ano man ang inyong mabasa ay akin pong prinsipyo at paninindigan... Anuman po ang inyong isipin; kayo po ay mal...