Ika'y mabibingi sa tindi ng ugong;
Mga taong kaybuti sa'yo'y maglalayong:
Kunin ang tiwala; suporta mo't tulong...
Balat-kayong tupang may maamong bulong.
Sila'y bumibili ng prinsipyo't dangal;
Pagkataong katumbas ng isang takal,
Subukang sumuwa'y sa tingga'y bubuwal-
Mananatili ba sa pagiging hangal?!
Ang kapangyarihang pumapailanlang:
Dumudurog sa tao na kumakatawan;
Sa pagkakakilanlang may dusa't luhaaan,
Buong katauhang tinatapaktapakan...
Kuyom ang iyong palad sa bali-balita;
Nangamumutakting nakawa't pandaraya-
Sa lupa, sa salapi't sa pamamahala...
May lugar pa ba sa salitang "payapa?"
Tanaw sa kawalan at ating balikan;
Sila'y halos humalik sa ating paanan,
Ngunit garapalan sa katotohanan:
Nais lamang nila... Ang kaban ng Bayan...!
BINABASA MO ANG
"Ilaw ng Tahanan"
PoetryPARA SA LAHAT NG MGA MAHILIG SA TULA, SANAYSAY, KOMENTARYO, OPINYON o KURO-KURO... Ito po ay parte lamang ng aking malayang kaisipan... Ano man ang inyong mabasa ay akin pong prinsipyo at paninindigan... Anuman po ang inyong isipin; kayo po ay mal...