Mission
I quickly wore my daily dress dahil panibagong araw nanaman ang bubungad saakin, sinuklay ko ang buhok ko na hanggang balikat ko nalang, pinaputol ko ito last month dahil naiinitan ako at naiirita narin ako sa buhok ko
"Valentina! May bisita ka!"
"Opo lalabas na ako!" Aniya ko at kaagad na kinuha ang singsing na binigay saakin ni lolo dencio years ago.
"Naku ikaw talagang bata ka, tinanghali ka nanaman ng gising!" Aniya ni lolo fernando
"Pasensya kana lo, babawi ako mamaya!"
Kaagad akong lumabas nang may tinapay pa sa bibig at dala dala ang aking sumbrero ay nilagay ko iyon sa likod ng kabayo na dala ni Cloud
"Sorry natagalan!"
Sumakay na ako sa kabayo na dala ni cloud habang inaantay ko naman ang tugon niya
Cloud is one of my closest friend here in La Càrte
"Lagi naman." Nagkibit balikat nalang ako rito at saka humalakhak
Pinatakbo ko ng mabilis ang kabayo at sumusunod naman si cloud sa likuran ko, for the past years nahiligan ko ito at natuto din ako kung paano magpatakbo ng kabayo, cloud taught me how to maneuvered a horse
I didn't like it at first dahil mukhang nakakatakot pero kapag nasanay kana you will like it and it's fun!
"Dahan dahan naman arci!" Kumibot ang labi ko dahil tinawag nanaman ako ni cloud sa pangalawang pangalan ko
"Don't call me in that name!!" Sigaw ko pabalik sakaniya at mas binilisan lalo ang pagpapatakbo sa kabayo
"Tss. Slow down i said!" Tugon niya pabalik na parang walang pakialam sa sinabi ko
Nakarating kami sa La Càrte at pansamantala ko munang itinali ang kabayo sa mga puno na nasa gilid ng bayan ng La Càrte, nang natapos na ay saka lang nakarating sa kinaroroonan ko si cloud
"Bagal naman!" Biro ko sakanya
"Nagsisisi na tuloy akong tinuruan kitang mangabayo" sinapak ko ang braso niya dahil sa narinig habang siya naman ay seryoso lang na umiling iling saakin
Humalakhak naman ako bilang tugon sa kaniyang reaksyon
nagpaalam ako na may bibilhin lang saglit para kay lolo fernando, pumayag naman siya at sinabing may bibilhin din siya para sa kapatid niyang si Daniel
"Isang dugo po ng karne."
Habang abala ang ibang mga bata na magsitakbuhan papunta sa kanilang mga kalaro ay isa naman ako sa abala sa pagbili ng hinabilin saakin ng aking lolo
"Para sa lolo mo ba iha?" Tugon ni Aleng Brenda ang isa sa may ari ng pamilihan ng mga karne at iba pang may buhay na hayop dito sa bayan ng La Carté.
"Opo."
Kaagad niyang isinalin ang dugo ng karne sa isang supot at binigay ito saakin, malugod ko namang itinanggap iyon at saka inabot sakanya ang limang prangka na dala ko at ngumiti siya saakin bago pa ako makaalis sa lugar na iyon
Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang tumingin sa mga bistidang nagsasayawan sa ganda at kumikinang sa loob ng mga tindahan na bawat malagpasan ko
Pinasadahan ko naman ng tingin ang aking bistida na off shoulder dress na kulay red at medyo may kaunting punit na sa mga dulo ng saya na ito marahil sa ilang taon ko na kase itong paulit ulit na isinusuot kaya naging ganito na ang tela
Naalala kong nasa 13 na taong gulang palang yata ako ay nasa akin na itong bistida na ito at idinala ako ni lolo dencio sa isang pagawaan ng mga tela, damit, saya at iba pa at kasama narin ito sa aking mga napili
BINABASA MO ANG
The Lost Vampire Princess
VampireValentina Lost her grandfather and found herself living in La Carté, She's a vampire and don't know what to do. After losing her grandfather she mark in her mind that no matter what happen she'll revenge and get back what she lost. But problem came...