Ang Malungkot Na Simula

0 2 0
                                    

May isang bata na walong taong gulang na tumatakbo dala ang kanyang kapatid na dalawang taong gulang.

Isang digmaan ang nagaganap sa magkabilang panig na kaharian at nadamay lamang ang kanilang bayan.

Hinahabol sila ng mga masasama at galit na galit na mga kawal at gusto silang patayin..

Nakatakbo at nakatakas naman ang magkapatid subalit wala parin silang kasiguradohan kung sila paba ay mabubuhay.

"Gagawa ng paraan si kuya haa?? hahanapin ko sina nanay at tatay wag ka mag alala bunso.."

Itinago ng nakakatandang kuya ang kanyang kapatid sa ilalim ng daluyan ng tubig at bumalik ito para hanapin ang kanilang mga magulang..

Mabilis na tumakbo ang bata..

Ilang saglit pa ay pumunta ang bata sa likod ng lumang bahay at sinilip ang hiyawan at sigawan na nagaganap..

Nagulantang ang bata sa nakita nyang nangyayare sa kanyang mga magulang.

Habang nakaluhod ang kanyang tatay ay pinugutan ito ng ulo ng mga kawal habang ang kanyang nanay naman ay pinagsasamantalahan ng lima pang ibang mga kawal"

Walang nagawa ang bata kundi ang umiyak at mabaliw sa nakikita..

"Hindi ito totoo, diba?? hindi ito maaari!"

Patuloy lamang na nag tangis ang bata.

Dahil sa kanyang pag hagolgol ay narinig at nakita siya ng isa pang kawal at sya ay tinadyakan sa likod.

"Ano bata, Masaya kaba sa nakikita mo?
Makinig ka bata ito ang  riyalidad at dapat ka ng masanay sa mga ganitong bagay.." Ang wika ng masamang kawal.

Walang awang pinag tatadyakan ang kanyang nanay sa ulo hanggang sa malagutan ito ng hininga at ang ulo naman ng kanyang tatay ay tinuhog sa dulo ng sibat.

Nanginginig at halos mabaliw na ang bata sa kanyang mga nasasaksihan..

Napataob nalang ang bata habang sya ay pinag bubugbog ng mga kawal..

Sipa ,tadyak ,at suntok ang kanyang mga tinamo..

Habang sya ay binubugbog ay pinag tabi ang bangkay ng kanyang mga magulang at sabay na sinilaban ito..

Hindi na makagalaw ang bata sa mga natamo nyang pasa at tuloy parin ang kanyang pagluluksa...

Binitbit sya ng mga kawal at nilagay sa malaking kulungan ng mga babuy at baka..

Ang naiwang kapatid naman ay umalis sa kanyang pwesto habang umiiyak at hinahanap ang kanyang mga magulang at kapatid..

Isang matandang babae ang nakakita sa bata at sya ay kinuha..

Wala ng nagawa ang bata kundi ang sumama..

Dinala sya ng matanda sa isang malaking palasyo at pumasok sila sa loob..

Tuwang tuwa ang matanda at parabang sabik itong magpamalita..

"Mahal na reyna o mahal na reyna! May maganda po akong balita, Isang bata po ang nakita kung pagala gala sa labas ng palasyo, Kung inyu pong inanais ay ibibigay ko sya sa inyu kapalit ng dalawang balot ng ginto"

Nakatingin lamang ang bata sa mga nangyayari..

"Aking mahal, Sa tagal na panahon na nating pagsasama ay hindi man lang namunga ni isang supling ang ating pagiibigan, kayat siguroy ang bata nayan ang kasagutan sa ating kahilingan" Ang wika ng Mahal na Reyna..

Tumugon ang mahal na hari..

"Aking Mahal, Kung iyong hinihiling nakupkopin ang bata nayan ay wala akong intensyon na tumutol bagkos ay gusto ko din magkaruon ng anak na lalaki"

Natuwa ang magasawa at pumayag ang mga ito sa kasunduan na dalawang supot ng ginto kapalit ng bata..

The Rising Of Two BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon