Dear M,

13 0 0
                                    

M,

Pano ba dapat magsisimula ang isang letter. Should it start with a greeting? O kailangan ba straight to the point agad?

Hmmm.. Teka nga. Bakit ko nga ba 'to naisipang gawin?

Aah. Baka dahil nung nakita ko kanina yung isang ballpen at isang yellow paper. Ikaw agad yung pumasok sa isip ko. Ang cheap 'nu?

Paki mo ? E sa yun lang yung nakita ko.

Okay. Back to the real story.

Yun nga. Ginagawa ko 'tong letter na'to kasi nga hindi ko kayang iexpress yung nararamdaman ko sa personal. Oo na. Ang corny ko. Psshh .

Eto na nga. Sa totoo lang, ewan ko ba kung ba't ko 'to tinatype.

Honestly, hindi ko alam kung ano nga dapat sabihin ko sa'yo.

Kasi nga. Isang beses nga lang tayo nagkausap. Ang weird 'nu?

Ganyan talaga ata. Feeling ko nga nun, napilitan ka lang na kausapin ako kasi may tinatanong ka about ewan. Ni hindi ko na nga matandaan kung ano yung tinanong mo .

Hmm..

Kelan nga ba kita sinimulang magustuhan? E, kelan kaya tayo unang nagkita? Malay ko ba kung nakasabay na kita sa bus or sa jeep. O kung naging katabi na kita sa panunuod ng movie somewhere sa movie world. Baka naman nakasabay na kita sa pagtawid sa kalsada. Ewan. Baka isa dyan . O baka hindi rin.

Pero , napansin ko ata yung existence mo simula nung makita kita sa practice namin ng band sa school nun. Nakita kita nun. Di mo lang ata ako napansin. Pero ako, pansing pansin talaga kita. As in, kulang na lang sundan kita pauwi.

Ang tanga lang. First time ko pa nga lang nalaman na may isang M na nabubuhay sa mundo. Ang gwapo mo pa nga nun . Pramis. Gwapo ka naman talaga. Kahit ata baliktarin lahat sayo. Para sakin , ikaw parin ang pinakagwapong nilalang na humihinga sa mundong ibabaw.

Kaya nga ang dami kong kaagaw sayo. Nakakainis ka.

Ni hindi ko nga alam kung alam mo na nag-eexist ako.

Nakakainis ka kasi ang snob mo pagdating sakin.

Napapansin ko yun. Kaya naaasar ako sayo. Ba't pag sa ibang tao. Todo smile ka. Tapos kapag ako, wala lang. Parang hangin lang.

Ni ayaw mo nga akong tingnan.

Kaya para fair, hindi rin kita pinapansin . Oo, nakakaya ko yun.

Hindi naman kasi ako isa dun sa mga obsessed freak na OA kung maka- admire. Ako yung tipo na , sakto lang. Yung pagkagusto ko sa isang tao -- sakto lang. Para kapag nasaktan ako -- sakto lang din.

Kaya kong limitahan  ang sarili ko.

Oo, ang duwag ko. Anong magagawa ko. Di ko pa kaya. At hindi ako sure kung dadating yung time na kakayanin ko.

So, balik uli tayo sa letter ko sayo.

Lumipas ang isang taon.

Hindi ko alam kung crush parin ang tawag sa nararamdaman kong to.

Basta ang alam ko unti- unti ng naglalaho 'tong nararamdaman ko. O akala ko lang yun.

Siguro, inakala ko na hindi na kita gusto. Kasi nga, minsan na lang kita makita. Tapos, swerte na lang kung makita kita sa malayo.

Then, naisip ko. Baka nga wala na talaga. Kasi, hindi ko na ulit nararamdaman yung feeling na ang bilis ng pintig ng heart ko. Tapos parang may humuhukay sa kalalim- laliman ng tyan ko. Yung ganun. Tapos sabay nun yung pinagpapawisan ako ng malamig. As in, malamig talaga.

Tapos, yung feeling na para akong mabubulol anytime.

Yung mga ganun. Hindi ko na ulit naramdaman, di tulad dati.

Pero, yun nga. Akala ko lang pala.

Little did I know na may pakulo ka pa lang gagawin ngayong Teachers' Day.

Todo cheer pa ako nun, kasi nga ang cute nung mga freshmen na nagpeperform. Kahit ang dami nilang mali, solve naman kasi ang ganda parin nung performance nila.

Tapos, sunod nun ikaw na.

Ikaw na yung nandun sa stage.

Hawak- hawak yung mic tapos hawak ang isang bouquet ng pink rose.

Lalong umingay yung buong Hall. Pag sinabi kong maingay. Maingay talaga.

Pero, kung sila sobrang excitement yung nararamdaman, ako naman natulala at nakaramdam ng kontibg kirot sa may bandang left side ng dibdib ko. Alam mo yung feeling na parang kinurot ka tapos hindi ka makahinga ng maayos. Yung feeling na parang may bumara sa lalamunan mo. Yun na yun yung nararamdaman ko. Kaya yumuko na lang ako kasi hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita yung taong palihim kong minamahal na magtapat sa mahal niya. Pano ko nalaman? Malamang. Ganito naman talaga sa school natin.

Nasa chorus ka na ng kanta ng bumaba ka sa stage. Oo , alam ko. Kasi rinig na rinig ko kung pano tumili yung crowd.

Tapos naisip ko. Ang swerte ng  babaeng mahal mo. Kasi nga, halatang nag-eefort ka talaga para sa kanya. Yung fact na nga lang na magbibigay ka ng pink roses. Effort na yun kasi ang hirap makahanap nun dito satin.

Kaya nga favorite ko ang pink roses.

Ang sakit lang 'nu? Naisip ko nung mga time na yun na ang sarap mong suntukin kasi parang nananadya ka talaga .

Pero ang ipinagtaka ko,

mas lumakas na naman yung tilian ng mga mahaharot kong classmates. Sila kasi yung kasama kong manuod. Tapos, parang palakas ng palakas yung boses na naririnig ko.

Nangawit na ako sa kakayuko at siyempre nacurious na rin kaya hinanap ko kung nasaan ka na bang banda ng Hall.

Pero, ang ikinagulat ko.

Nakita kita.

Nakita kita sa harap ko.

At ang hindi ko ineexpect is yung pagkanta mo ng song habang nakatingin sakin habang nakangiti.

"Mahal na mahal kita.
Higit pa sa iniisip mo.."

At dahil dun, kahit windang na windang yung kaluluwa ko sa nangyayari. Nagawa kong ngumiti at sabihin ang mga katagang..

"Mali ata lyrics mo."

                                              - J

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear M,Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon