LATE

6 0 0
                                    

Sandali na lang sana, nandun na ako, pero di pa niya ako nahintay.

Ilang hakbang na lang nasa tabi niya na ako pero nagmadali na naman siya.

Nagmadali nga ba siya?

O mabagal lang ako?

Ang tagal ko hinintay ang pagkakataong to.

Pero dahil pinaabot ko na naman sa ganito.

NAHULI NA NAMAN AKO.

 

Mga bata pa lang tayo, lagi na akong late sa usapan nating parang ganito.

Iniisip ko kasi madami pang oras tayo na magkakasama, ano ba naman ang malate ng maski isang oras man lang.

Ako lang ang nag-iisang pinaka-close mong kaibigan, dahil ayokong nag-iisa ka.

Mahal kita noon, bilang kaibigan.

Pero ngayon mas malalim pa dun ang aking nararamdaman.

Ang tanga ko't di ko kaagad sinabi.

Natakot kasi akong iwanan mo ako eh.

Simula nung una kitang bigyan ng pansin, di ka na naalis sa aking isip.

Simula nung binigyan mo ako ng atensyon, talaga namang natuwa ako.

 

Ilang beses din kitang pinaghihintay.

Nung mga unang beses minuto lang, pero nang mga sumunod, oras na ang nakakalipas.

Kahit kailan ay di ka nagreklamo sa akin.

Masaya mo pa rin akong binabati kahit na late ako.

At masaya rin ako, sorry, iniisip ko kasi na kung maiinip ka, iiwan mo ako eh, pero mali ako.

Lagi ka pa rin naghihintay.

Masaya ako kapag kasama kita, kahit tahimik lang tayo, masaya pa rin ako.

Nakasandal sa balikat mo, nagmumuni-muni kung saan saan.

Nadarama ang mga pag-alalay mo sa bewang ko.

 

Pero ngayon, dapat, hinintay mo ako, dahil may sasabihin ako.

Kahit kailan di mo pa alam ito.

Bakit ngayon pa kung kailan handa na akong umamin?

Sa isang park tayo nakatakdang magkita.

Pero madalas kang naghihintay ng nakaupo sa tapat ng park, sa isang bench sa kabilang panig ng daan para hintayin ako.

Sa sobrang pagmamadali ko tumawid papunta sa'yo.

Di ko napansin na may truck na papalapit sa kin.

Dali dali kang tumakbo para itulak ako.

 

Nakita kitang nakatayo at nakangiti habang nakahandusay ako sa kalsada.

At sa isang iglap, natangay ka ng truck na dapat sa akin ay sasagasa.

Dali dali kang sinugod sa ospital.

Sumama ako at nanatili lang sa tabi mo.

"Sorry nalate na naman ako!! Sorry, please, wag mo ako iiwan, di ko na uulitin."

"O..kay.. lang yun, ang mahalaga nandito ka na."

"Shhh!! shhh... wag ka na magsalita" sabi ko na tumutulo ang luha.

"Ma..hal ki..ta.. S..sorry, nagmamadali ako masabi sa'yo ng harapan"

 

Tiyaka ko lang naalala nung nakita ko siya, bago siya masagasaan.

May nakita akong sinasambit niya.

"MA-HAL KI-TA"

Ang tagal ko hinintay ang pagkakataong to.

Pero dahil pinaabot ko na naman sa ganito.

NAHULI NA NAMAN AKO.

Sa pagkakataong yun, una at huling beses ko ng nasambit ang salitang sa kin lang din niya nasabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon