Kasama ko ang kuya ko may pupuntahan daw kami eh, tss ginising ba naman ako ng 5:30 am tapos 7:30 am nakaalis, kaiirita ih.
By the way I'm Beatrix Reyes, Dylan Reyes naman ang pangalan nung ulol kong kuya.
Nakasakay kami sa kotse niya, at halos labing limang minuto na kaming bumabiyahe.
Bigla kong napansin si kuya na hindi mapakali.
"Beatrix?" tawag sakin ni kuya
"Yes kuya?" Nung tumingin ako sakanya ang umiiyak ito, anong nangyayare dito? Ba't nagdadrama nanaman to?
"Beatrix, kunin mo yung unan sa likod! Ilagay mo sa ulo mo at yumuko ka!" utos niya sakin.
Dali dali ko namang sinunod si kuya, hanggang sa bigla na lang akong niyakap ni kuya ng sobrang higpit.
Napagtanto kong nahulog kami sa tulay.
"Beatrix! Gising naaa!"
Shems, kala ko totoo na panaginip lang pala.
Nang makita ko si kuya ay agad kong niyakap ito.
"Aba't, nagdadrama pa! Maligo kana nga may pupuntahan tayo."sabi niya sakin
"Ayoko kuya!"sagot ko
"Bakit naman, aber?"
"May date ako ngayon." Nakanguso kong sabi
"Loko loko kang babae ka wala kang boyfriend! Di ka maganda!"
"Ang sama mo talaga kuya! Pero kasi kuya, ayoko talaga"
"Kulit mo noh?"
"Ayoko nga kasiiii"
"Importante kasi to!"
"Ano ba kasi yun?"
"Basta sumama kana lang!"
Wala akong nagawa napilit nako ni kuya.
Andito na ako sa kotse ni Kuya at halos 15 minutes na kaming bumabiyahe ng bigla akong tinawag ni kuya
"Beartrix?"umiiyak ito.
"Bakit kuya?"
"Beatrix, kunin mo yung unan sa likod! Ilagay mo sa ulo mo at yumuko ka!"
No way.
Kinuha ko yung unan sa likod at inilagay sa ulo ni kuya.
"Kuya alam kong mangyayare to kaya ayoko sanang sumama sayo. I love you, Kuya"
"Sorry bunso, love ka rin ni kuya"
"Kailangan mong makaligtas kuya"
Dali dali kong binuksan yung pinto ng kotse sa banda ni Kuya at itinulak si Kuya palabas.
Nahulog na ako sa tulay at tuluyan nakong nalunod.
![](https://img.wattpad.com/cover/208381766-288-k876716.jpg)