Walang Hanggan
ni emosyon
04.26.10Nakatingala sa ulap
Pinagmamasdan ang alapaap
Sa panaginip ka na lang ba muling mayayakap?
Nag-iisa at nangungulila
Nasaan ka na kaya?
Maghihintay ba sa wala?
Bihag ng mga alaala mo
Hindi ko maiwan ang bakas ng kahapon ko
Sayo pa rin umiikot ang aking mundo
Nais kitang muling mahagkan
Gusto kong muli kang masilayan
Iibigin ka hanggang sa walang hanggan