After ko maisulat lahat, nilukot ko yung papel. Wala naman akong mapagsasabihan kaya idadaan ko na lang sa sulat. Pinunasan ko na yung luha ko kasi kelangan ko maging matatag.
Ang hirap padin talaga. Kahit sanay ka na, mahirap pa din. Pero wala naman akong choice diba? Anak lang naman ako, ano Laban ko sa nanay kong nagpalaki sakin?
Sa tuwing sinasaktan ako ng nanay ko, sa notebook ko sinusulat lahat ng hinanakit ko. May mga friends naman ako kaso ayokong dumagdag sa mga problema nila...
Nagising ako dahil sa hikbi ng nanay ko. Di ko inaasahan na mababasa nya yung sinulat ko kagabi. Nanlamig agad ako dahil andun yung mga sakit na nararamdaman ko. Pero di ako bumangon. Nanatili akong nakahiga. Pinilit kong ipikit ulit mga mata ko kasi ayaw kong malaman nya na gising ako.
Nang tumagal, ramdam ko ang pag-upo nya sa tabi ko. "Sorry nak. Di ko gustong maramdaman mo yan". Buti nakatagilid ako patalikod sa kanya. Pigil na pigil yung luha ko.
Lumabas sya after nya sabihin yun. Di ko napigilan iyak ko.
Isang sorry lang naman yun pero bumalik lahat ng masakit na alaala ko."Gusto mo mamatay? Puwes magipon ka kasi ayokong gumastos sa libing mo" kung pinaramdam mo lang sana na mahalaga ako,di ko maiisip yan.
"Wala kang kwentang anak"
Im trying my best nanay. Sorry di ako kagaya ng mga kapatid ko."Bat ba ako binigyan ng anak na gaya mo"
Di ko din naman ginustong mabuhay."Mula ng pinanganak ka, nagkanda malas malas na lahat" Pasensya na Nay di ko naman to ginusto.
"Ikaw ang pinakakakaiba sa mga kapatid mo"
Kasi sila may kwenta? Ako wala? Pasensya ulit Nay."San ka galing? Dis oras na ng gabi irarason mo yang pag-aaral mo? Pag may nalaman ako tatagain ko paa mong letse ka"
Nagsasabi naman ako ng totoo kaso di ka naniniwala. Tatanggapin ko na lang bintang mo para matapos na.Sampal, sabunot, tadyak at masasakit na salita galing sa kanya na dadalhin ko hanggang mamatay ako. Isang sorry lang katumbas ng lahat ng yon. Wala na akong karapatang humiling pa ng dagdag.
Mapapatawad ko sya sa lahat pero hindi ako makakalimot. Mahal ko nanay ko kaso di nya pinaramdam na mahal nya ako kaya paano ko mamahalin sarili ko kung mismong Nanay ko, di ako gusto?
BINABASA MO ANG
How Coud You?
General FictionHanggang saan ka? Tatagal ka ba? I've been living with pain. We've been living with it since day one. Never thought pains comes from different levels, unending levels. Does ending our life also ends the pain? Come to me, Happiness.