MANHID

1 0 0
                                    

Written: April 11, 2016 (9:18pm)

Ako si Lorraine, natagurian ngang may utak pero nang bumuhos naman ng katangkaran si Lord ay mahimbing na mahimbing yata ang tulog ko..

Hindi naman ako kaputian na babae pero walang arte sa katawan. May kaya ang aming pamilya na sapat na upang makapag-aral kami ng nakababata kong kapatid.

Nasa limang baitang ako ng elementarya noong makilala ko siya. 

Red

Isa sa napakagwapong lalaking nakilala ko kaya lang ay napakasungit niya eh.

Parehas lang naman kami ng tangkad pero kung makapang asar ay akala mo naman kung sinong ubod ng tangkad!

Eh habulin ka lang naman ng mga chicks gago ka!

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin at kahit anong pang-aasar niya sa kin ay di ko magawang magalit sa kanya.

Nagkakataon rin naman na may panahon talaga na nasasaktan niya ako physically na dinadaan ko na lang sa iyak.

Hindi ko kayang magalit sa kanya eh! Ewan ko ba sa sarili ko! Masyadong inlove sa kanya eh! Masyadong tanga!

Nalaman ko nga pala sa mga kaklase ko na dati pala siyang nabasted ni Tuti, yung taong gustong gusto niya at simula daw non ay naging bitter at malupit na si Red.

Shutangina ka Tuti! Pinakawalan mo pa!

Simula din non ay naging secret admirer niya na ako pero ano ako ngayon? iniisnob! hmmp.

Yon na! Simula noon hanggang sa tumuntung kami ng grade 6 ay wala pa ring pinagbago

Wala pa rin siyang pake sa kin at sa feelings ko para sa kanya.

Naging sila nga ni Hazel non, (kaklase ko nung grade 6, nasa ibang section si Red) tapos eto palang si Hazel ay may secret admirer din pala na patay na patay sa kanya.

Okay lang yan bro. Ramdam kita.

Almost one week kami nun na magkakasama sa isang bakanteng lote para sa practice sa sayaw at graduating din kami non.

Ang sweet sweet nga nina Hazel at Red pero anong magagawa ko? Wala! kasi schoolmate lang yung turing non sakin!

Sabi ko nga "Red, hiramin ko tong bike mo ah? jan lang naman sa tabi tabi" tapos tumango lang siya at nakipaglandian ulit kay Hazel.

At natapos ang araw na yon na sabay kaming naglakad pauwi nung secret admirer ni Hazel kaya nag usap kami.

"Hoy! Nagseselos ka sa kanila noh" biro ko sa kanya.

"Alangan! eh ikaw nga nagseselos ka din kasi crush mo na crush mo si Red Hahahaha!" sagot niya.

"Che! Ewan ko sayo! Pero tanga rin naman tayong dalawa kasi umaasa pa rin tayo sa kanila haha" sabi ko ulit.

"Oo nga! Kung tayo tanga, sila manhid! Tignan mo ilang weeks lang yan at magbebreak din yan! SInasabi ko sayo! Pustahan pa kung gusto mo!" mapait at puno ng pagseselos na sabi niya.

"Lakas makapreach bro! Pero sige pustahan tayo! See you tomorrow!" sabi ko sa kanya at naghiwalay na kami ng way..

Ilang days lang after namin matopic yon ay kumalat na agad na break na si Red at si Hazel

Tama nga siya! Manhid sila! Kung sino yung taong anjan palagi sa tabi nila at tahimik na nagbabantay at sumusuporta ay yun pa yung hindi nila napapansin at kung sino naman yung taong halatang lolokohin ka lang ay yun pa yung pinipili nilang mahalin.

Hindi lang sila tanga o hindi lang sila manhid

kasi kombinasyon sila ng dalawang bagay na yan

Sa huli ay nagkatitigan kami ng secret admirer ni Hazel, nangungusap ang mga mata namin, sabay na ngumiti at umiling tsaka natawa ng palihim.

-THE END-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My WorksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon