Stay (Short Story)

95 7 2
                                    

Mahal ko?
...o mahal ako?

Ang palaging nababasa sa halos lahat na wattpad stories, teleserye, movies, o kahit sa radio man lng. Me kanta pa nga eh.

At ito rin ang tanong...

Na gumugulo saakin.

*

"Yo! Jewel! Party at my house wala girlfriend ko."-naka akbay na sabi niya saakin.

Alam ko naman.. pampalipas oras niya lang ako.

Pag wala ang girlfriend/fiancee nya ako ang nilalapitan niya. Alam nyo na.

"Sige na hon, punta ka mamaya ah? :) hihintayin kita!"-bulong niya at hinalikan ako sa pisngi. Tumango nlang ako.

Ng makalayo na siya. Hinawakan ko ang pisngi ko.

Masama ako.

Parati kong sinasabing hindi ako ang mali. Nagmahal lang din ako.

Pero hindi, kahit anong gawen ko. Kahit saang banda.. ako ang mali, ako ang malandi...

Pero may magagawa ba ako?

Siya si Jefferson.

Siya ang taong mahal ko. Mahal niya ba ako? Hindi ko alam, di ko na tinanong...baka masaktan lang ako.

Noon akala ko, hanggang tingin ko lang siya. Na hanggang pag papantasya lang..

Pero isang gabi.

Sa di inaasahang panahon ay pinuntahan niya ako. Nagkakalabo an daw sila ng girlfriend niya. Hindi naman ako ganun ka impokreta para bigyan pa siya ng advice , kung sa loob ko ay nagdidiwang ako at nagbabasakaling mag break nlng sila.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.

Ang sama ko..

"T-tahan na Jeff.."-sabi ko. Habang siya patuloy parin sa pag iyak.

"Hindi ko kaya.. ayokong mawala siya. Ang sakit..diko kakayanin."-umiiyak nyang sabi.

Ang sakit.. andito siya sa tabi ko. Ako ang kaharap nya. Ako ang dumadamay at kayakap nya.

..pero iba ang iniiyakan niya. Iniiyakan nya ang babaeng mahal niya.

And its definitely not me.

Nagkatitigan lng kami hanggang sa..

"Can you help me Jewel?.."-mahina nyang bulong

"...H-how?"

"Kiss me."-two words. But it felt like I got nakuryente..

"Pero..a-ano.. hmm..Why?"-kinakabahan kong sabi.

"You like me right?"-sinserong tanong niya.

"Y-yes..but you have y-your girlfriend.."-di ako makatingin sakanya. Natutukso ako.

Pero hindi pwede. May girlfriend siya.

"Yes. But I cant afford to be hurt...please?"-maluhaluha na namang sabi niya.

Huminga akong malalim.

Nagkatinginan kami.

Hanggang sa..

Maramdaman ko ang malalambot nyang labi sa labi ko...

Im so sorry..

Pumikit nalang ako at nagpaubaya.

StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon