Haay... Excited na kinakabahan. Iyan ang mga nararamdaman ko ngayon. Isang linggo na lang start nanaman ng pasukan. Kahit kailan talaga nakakabitin ang bakasyon. Wish ko lang naman ngayong pasukan na makahonor ako pang gift ko na rin iyon sa parents ko at siyempre may bagong lalaking transferee/s sa school para naman hindi boring.
Ako nga pala si Michaela Cleid, Cha for short. Mahinhin, minsan tamad, laging nalalate sa klase, feeling bata aaat NBSB. Wala namang duda ugali palang di ba turn off na? Hindi rin naman ako pangit, hindi rin naman maganda, normal lang. May plano siguro ang Diyos sa lovelife ko.
Nicnic: Cha! Anong petsa na? Ready ka na ba?
Cha: Wait lang kakagising lang ng tao dito eh.
Si Melissa Nicole Dee pala, we're already bestfriends since noong kinder palang kami.Ako lang tumatawag ng Nicnic sa kaniya.Hatid sundo ko rin siya. Ang suwerte ko sa bestfriend ko noh?
Nicnic: Binder ba trip mong notebook ngaun?
Cha: Binder? Sige ba basta Hello Kitty na color pink ah.
Nicnic: Batang- batang Cha talaga to oh kahit graduating na siya.
Cha POV
Andito kami sa NBS ngayon bumibili ng mga school supplies namin. Binder na rin pinili ko para hindi mabigat sa bag. Sa school kasi namin walang locker tapos bawal pang iwanan mga makakapal na libro namin sa classroom, kaya laging mabigat dala namin. Bumili na rin kami ng bag at sapatos para minsanan na. Pagkatapos pumunta na rin kami sa papasukan naming school ang M.U also known as Mikee University para bumili ng mga bago naming uniforms. Medyo tumaba kasi ako. Si Nicnic? Tumangkad as usual. Ako lang naman ata ang lumalapad pero hindi tumatangkad sa amin eh.
Nicnic: Oh Cha! Ano na? Uwi na ba tayo?
Cha: Barney's Burger muna like mo?
Nicnic: Sige ba basta libre mo.
Cha: Suwerte ka at may ipon ako. Tara!
Nicnic POV
Ang suwerte ko sa Cha ko lagi akong nalilibre. Matipid talaga si Cha opposite niya naman ako kaya maganda siyang kasama. Actually may guwapo akong nakikita ngayon kumakain din ng burger. Ang cute niya! ^^ May braces at eyeglasses. Sana magkita ulit kami at maging close. Pero hindi ko muna sasabihin kay Cha baka asarin niya lang ako. Haaay... Hindi naman masamang mangarap di ba?
Cha POV
Ok. Nabawasan nanaman ipon ko. Nagpalibre nanaman kasi si Nicnic. Grabe! Andito iyong tipo ng lalaking gusto ko. Ang puti at ang kinis niya. Mukhang korean na artista. My God love at first sight ba toh? Sana magkita ulit kami at maging close. Pero hindi ko muna sasabihin kay Nicnic baka asarin niya lang ako.
After 6 days..
Baby it's you! You're the one I love. You're the one I need. You're the only one I see. Come on baby it's you.
Nicnic: Cha!! Gising na! Late na tayo.
Cha: Haaayy.. Ang sarap na ng panaginip ko.. Panira!!
Cha POV
Alam niyo iyong feeling na maganda na iyong panaginip mo tapos biglang may gigising sayo? Pero salamat pa rin sa bestfriend ko at hindi ako malalate. First day of school pa naman. Excited ba ako? Let's see.
Cha: Oh ayan na pala ung school service. Tara sakay na tayo.
Pagdating sa School
Nicnic: Cha napaaga ata tayo.
Cha: Oo nga nuh? Pansin ko din. Ang tahimik. Tayo lang ba nagpa-enroll dito? Tara nga tignan muna natin kung anong section natin.
Nicnic: Tignan mo oh! Ba't ganito hindi tayo magkaklase?
Cha: Ha? Pano nangyari yan? Ang bitter naman ng gumawa nito. Tsktsk..
