Chapter 12: Project 4

55 4 0
                                    

Jungkook's POV

Nandito ako ngayon sa bahay ni Hyunie (Hyun Wa so) para taposin yung project. Nag-uusap lang kami nang biglang may nag-door bell.

"Kookie tingnan ko muna yun ha?" Sabi ni hyunie.

"Sige" sagot ko sa kanya. Kung nagtataka kayo kung bakit kookie at hyunie ang tawag ko sa kanya. Gusto niya kasing tinatawag siya nun kasi cute daw pakinggan. Dinamay pa niya ako sa kalokohan niya. Tss!

"Kookie bestfriend ko nga pala si Im Jae Bum. Bestfriend si Jeon Jungkook classmate ko." Sabi ni hyunie

"Long time no see brad!" Sabi ni jae. Kapal talaga ng mukha nang lalaki to' akala niya mag-kaibigan kami. Bugbugin ko siya eh!

"Tss! Halika na Hyunie taposin na natin to" sabi ko kay hyunie bigla naman nag-smirk si unggoy na itago natin sa pangalang Im Jae Bum.

"Anong nakakatawa? Ha?!" Sabi ko sakanya ng medyo pasigaw. Naiinis na ako sa lalaking to'

"Wala naman. Ang panget kasi ng tawag mo kay Hyun Wa" sabi niya habang tumatawa. Bigla naman nagsalita si Hyunie

"What the! You're so mean bestfriend ako kaya ang gumawa nung tawagan namin ni kookie buti nga nag-agree siya." Sabi ni hyunie sabat pout. Bakit ba ang hilig mag-pout ng mga babae. Tsk!

"Oww! I'm sorry bestfriend Hahaha! By the way sabi ni mama dun na daw kayo mag-dinner sa bahay." Sabi ni Jae

"Hindi siya pwede mamaya may pupuntahan kami." Sabi ko kay Jae. Sasagot pa sana si Hyunie pero pinanlakihan ko naman siya ng mata.

"Ah sige2 sabihin ko mamaya kay mama" sagot ni Hyunie ang hina talaga ng utak niya.

"Yess! Thanks bestfriend" sabi niya sabay hug kay Hyunie. Tapos tumingin siya sakin at nag smirk.

"Tara na nga! Hyunie gawin na natin yung project para makauwi na ako." Sabi ko kay Hyunie sabay hila.

"Wait!" Sabi niya habang hinihila ko siya. Pagdating namin sa study room niya, binitawan ko agad yung kamay niya.

"Ouch! Masakit kookie ah! May problema kaba? Bakit parang galit na galit ka kay Jae at ano bang pinagsasabi mo na may lakad tayo mamaya. Wala naman ah!" Sabi ni Hyunie. Halatang-halata sa mukha niya na galit siya.

"Hindi mo na kailangan malaman ang ugnayan namin ni Jae, at yung sinasabi ko kanina na may lakad tayo ang ibig sabihin date!" Sabi ko naman sa kanya. Kainis! Okay aaminin ko na sa inyo may gusto talaga ako kay Hyun Wa kaya plano ko talagang i-date siya kanina kaso dumating yung unggoy.

"D-date? Nagbibiro kaba kookie?" Sabi ni hyunie na halatang gulat na gulat.

"I'm not. Seryoso ako pero dahil may pupuntahan pa kayo ng JAE MO! sa susunod na lang" sabi ko sa kanya.

"Next time na lang kookie ah? Di ko kasi pwedeng tanggihan si Jaenat si Tita.

"Tss! Okay. Ikaw bahala" sabi ko sa kanya. Umupo na rin ako at nagpatuloy sa project namin.

"Uy galit ka kookie? Sorry na. Bad timing naman kasi eh!" Sabi niya sabay pout.

"Hindi Hyunie okay lang. Next time na lang" sabi ko naman sa kanya.

"Smile kana kookie ah?" Saba niya.

"Oo na. By the way mag-iingat ka sa bestfriend mo ah? Ayoko kasi sa kanya." Sabi ko naman sa kanya. Iba kasi ang tingin ni Jae sa kanya parang may plano nanaman siyang masama.

"Huh? Bakit ako mag-iingat? Bestfriend ko kaya yun. Selos ka no?" Sabi ni Hyunie. Habang sinusundot yung tagiliran ko.

"Hindi ah! Basta" sabi ko naman sa kanya.

"Ano ba kasing nangyari sa inyo dati kookie?" Tanong ni hyunie.

"Malalaman mo rin sa tamang panahon Hyunie." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Tara taposin na natin yung project." Sabi niya at bumalik na ulit kami sa ginagawa namin.

-----------------------

Short and Late Update. Medyo busy kasi sa school. Please comment and vote.

Follow me on twitter
@JeongAyah03

Instagram
Ayahpatootie

#The7Prince&Princess♣

The Seven Prince & Princess ♣Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon