"Wag mo ako lalapitan, Maawa ka sakin
May dapat pa akong tapusin may dapat pa akong ayusin bago ako mawala" yan na lamang ang aking nasabi habang nakatitig diretso sa mata niya, di matanggap ang nang yayari at sirang sira ang puso ko dahil sa pang yayari na to."Wala kana dapat pang tapusin Eusefo, matagal na tapos ang lahat at ikaw nalang ang natitira na dapat tapusin" sagot niya sakin sabay kasa ng baril at tutok diretso sa pagitnaan ng mata ko.
"Ginagawa ko lang naman ang dapat gawin mali ba na itama ko ang buhay kong wala sa tama? Hayaan mo muna ako magtagal" sabat ko naman habang nakatingin diretso sa kaniyang mata ng may halong kaba.
Biglang lumabo ang kaniyang mukha sa aking paningin at biglang unti unting nagiging itim ang paligid "GISING NAAAAAAA!!!" Sigaw na narinig ko.
Napabangon ako at ala singko na pala ng umaga "Effective talaga tong alarm ko" napakamot ako sa ulo ko at napaupo sa kama "Parang may mali akong nararamdaman bat parang kinakabahan ako" pag tataka ko dahil diko maalala kung bakit.
Bumangon na ako at pinatay ang alarm ko nag ayos at nag handa ng gamit ko "Another day need to survive for this sem" isang motibasyon na sinabi ko para sa sarili
Mag isa nalang ako at nakatira ako sa bahay na iniwan sakin ng mga magulang ko hindi ko na din maalala kung ano ba nang yari sakanila, balita ko pareho silang nawala simula nung pinanganak ako at ang lola ko nalang ang nag alaga sakin
Kasamaang palad pati ang lola ko ay nawala na pero bago siya mawala sabi niya "Sigurado ako na kaya mo na mabuhay mag isa Apo, Di mo na kakailanganin pa si Lola, gagabayan kita kahit wala na ako" yun ang pag kakatanda ko
Ay! Meron pa pala "Kung ang lahat ay nasa mali,
Makakagawa ka ng paraan para tumama ito" ang huling sinabi niya, Alam ko na may dahilan yon at alam ko na may ibig sabihin yonKahit na ako nalang mag isa nakakaya ko naman
Naturuan ako ng lola ko kumilos sa gawaing bahay, pero di parin mawawala yung nararamdaman kong pagkalungkot tuwing naalala ko na mag isa na nga pala ako.Nakapag ayos na ako at agad na lumabas ng bahay at nilock ang pinto, Palaging gawi lalakadin ko nanaman papuntang school. Naka jacket ako as always hindi nawawala yon kahit mainit
"Bat kaya ako nagising ng parang kabado at pawis na pawis kanina" pag iisip ko habang nag lalakad ng biglang may nabangga akong babae sa daan "Uhh- sorry sorry" ang nasabi ko na lamang
"Ano ka ba!? Tumingin ka sa lalakaran mo at wag kang lutang habang nag lalakad!" Inis na sabi ng nabangga ko. Isang babae na ka schoolmate ko, pag kakatanda ko siya ang Tinatawag na Nea sa campus at sikat siya dahil sa katalinuhan niya
"Sorry uli" sabay tuloy kong pag lalakad, napakamot na lamang ako ng ulo dahil sa nagawa kong yun "Argh! Bat ba kasi iniisip ko pa yon".
"Tumingin ka sa lalakaran mo baka mapahamak ka" Rinig ko ng may mahinhin na boses "Ikaw pala yan Miyu" pagka sabi habang diretso lang tingin ko sa nilalakaran "Guess what? Solid pagka bangga mo ah!" Biglang sabi niya
Nakatingin parin ako ng diretso sa daan "Nakita mo pala yon, medyo lutang eh hehe" pagkasabi ko "Buti nalang di ka dinakdakan ng nakakadugong ingles" sabi niya at pagka sabi ko nga matalino si Selenea o tinatawag na Nea "Pabayaan mo na ang mahalaga tuloy tuloy nalang ako".
Pagka dating sa room, dating gawi nakaupo nanaman ako malapit sa bintana at tahimik na mag isa, iniisip ko nanaman yung panaginip ko na di ko maalala "Bat parang diko malimutang isipin yon" pagka sabi ko na may halong pag tataka
Uwian na at nag lakad uli ako pauwi sabay tuloy tuloy lang at nakatingin sa dadaanan "Ano kaya masarap kainin ngayon" tanong ko sa sarili ko sabay Unat ng braso ko "Pritong itlog! Haha tama" dahil pagod na ako kaya yun nalang naisipan kong lutuin.
Nakapag hain na ako at nakakain, naayos na ang dapat ayusin at handa na para matulog sabay kuha ng phone ko sabay bukas ng social media ng bigla akong nagulat "What is this-" nagulat ako na inadd ako ni Nea "Bat kaya niya ako inadd? Siguro may dahilan, baka gusto niya ako Englishin ngayon sa chat" "Ayos lang kaya ko yon!"
PAALALA: Hindi pa ito ang maayos na gawa dadating din ako sa punto na aayusin ko lahat ng pag kakamali ko
Salamat sa pag babasa!
BINABASA MO ANG
Bring Me Back
RandomIsang lalake na May kakaibang karanasan sa buhay Kakaiba Ikaw na mismo ang umalam ng iba pa