Summer last year nung una akong ma curious sa wattpad. Andami kasing nakapost sa facebook at sa twitter na naadik sila dun. Noong una, di ako masyadong interesado kasi akala ko game yung wattpad. Okay, ako na tanga. Pero nung kinalaunan, nalaman ko naman na online chuvaness yun ng books na pwede kang magbasa ng kung ano ano.
So ayun, gumawa ako ng account. Kaso, di ko din nagamit tapos gumawa ulit ako at itong account na 'to iyon. Honestly, ang target ko talagang hanapin na libro ay yung kay Marcelo Santos: "Para sa hopeless romantic" pero diba kapag bago ka sa wattpad tatanungin kung anong category yung trip mong basahin tapos may ire-recommend sa'yo. Dun nag umpisa, nag appear yung Hopeless Romantic by strawberry008.
" Ay siguro eto na yun." Akala ko yan yung hinahanap ko. Nag umpisa akong basahin ang HR. Pero nagtaka ako, diba lalaki yung Marcelo? Bakit strawberry008? Ah basta, bahala na si batman.
Naganahan akong basahin yung HR kasi nahuli ng (ano bang right term?) panlasa ko yung prologue, na kung hindi dahil sa HR hindi ko pa alam yung meaning. Yung nag uusap yung bitter atsaka yung hopeless romantic. Akala ko pa nga nung una, yung author nagsabi nung "Paninindigan ko na" kasi nakalagay yun sa title ng chapter pero yung character pala. Hahaha, akala ko kasi paninindigan na ng author na gagawin niya yung HR. (Pero, pinanindigan naman. XD)
Sa cellphone ako nag wa-wattpad. Habang nagbabasa ako ng HR, nung eksena na na hinalikan ni Justin si Rylie bigla akong napasabing "Ay ang landi. Halik agad.", no offense pero yun talaga eh. Pero hindi ko alam kung bakit pero biglang nagtransform yung naramdaman ko at bigla nalang akong kinilig.
Araw araw, pagpasok sa school, bago mag first subject, magbabasa muna ako. Gabi gabi, sa tuwing uuwi, magbabasa muna ako bago gumawa ng assignment. Hahaha, pero syempre di ko pinabayaan yung pag aaral ko, lagot ako sa nanay ko no!
May mga moments na parang nabobore na akong basahin yung HR pero, matik talaga yung kamay ko eh. Pipindutin yung wattpad sa phone ko tapos pipindutin yung HR. Parang kahit anong pigil ko, ayaw magpaawat! Matindi!
Favorite characters ko dun bukod syempre sa bida ay yung yaya nung kambal. JOKE. Sina Janine and Jenine yung favorite kong iibang characters dun. Di ko alam pero naiimagine kong ang cu-cute nila and kahit na ansarap ingudngod sa sahig ng pagmumukha ni Janine everytime na magmamaldita siya, I find her adorable. (Realtalk, nainis talaga ako once kay Janine.)
Madami akong paboritong eksena katulad ng nag walk out si Rylie dun sa Mcdo kasi napikon siya kay Justin. Sabay yung eksenang winarla siya ni Alexa and the company. Ang bongga ng part na yun, type ko yun. Pero pinakafavorite kong eksena dun sa chapter na yun, yung umakbay si Justin kay Rylie pagkalabas ni Rylie sa CR dahil nagpalit siya ng damit. Grabeee, para akong baliw nun sa bahay namin kasi ngumungiti ako sa harap ng screen ng cellphone ko.
Pero pinaka peyborit ko talaga sa lahat ay yung Chapter 33.5. Yung eksenang...
"By the way, I like you, more."
"I like you most, Tyler! I like you most!"
Awwww grabeee! Sa tuwing naalala ko yung part na yun di ko mapigilang ngumiti. Yeah, alam kong may mas maganda pang part dun pero wala eh, kinikilig talaga ako dun eh.
Siguro after 3 months, natapos ko na yung HR. At dahil nga nakaphone ako, di ko mapindot yung link sa book 2 kaya halos ibato ko na yung phone ko. Eh yung panahon pa naman na yun medyo eng eng pa ako, di ko pa alam na pwede naman akong bumisita sa wattpad account ni strawberry008 at i-add sa library ko yung book 2. So, para di ako mabore, inulit ko yung HR. Hahaha, may iba naman akong stories na binabasa pero, trip ko talaga si Mr. Dela Cruz eh. Hahaha, eng lende ke. :3
Syempre, dahil baliw ako. May bago akong favorite na character, ang trip ko naman bukod syempre sa mga bida ay si beloved bestfriend ni Rylie na si Aisha Hera Dela Cruz. Pinaka gusto ko talagang part niya sa HR yung eksenang petmalu na sa Chapter 40:
" I don't know pero feel na feel ko Justin Dela Cruz, you love her as much as she does. You have to move,Justin. Stop being so sheepish! Wag kang torpe kasi alam na alam mo sa sarili mo na Rylie's very fond of you. You know that and you know Rylie, she thinks too low of herself."
Okay, halata namang tinignan ko ulit yung dialogue ni Aisha sa libro kasi kopyang kopya ko pero balik tayo kay Aisha, sobrang tuwang tuwa talaga ako sa kanya. Kasi kung magsalita siya, akala mo expert na expert. Naawa din ako kay Aisha nung time na yun kasi nagkakalabuaan na sila ni *bad word*. Oo, bad word talaga at totoong nainis ako sa kanya after nung pangyayaring yun pero nakapag move on na ako kasi may baby na si Aisha. ^_^
Tumigil din ako sa pagbabasa ng HR pero hindi naman natigil yung support ko sa kanila. Ginagamit ko yung pangalan ng HR characters sa tuwing magpapagawa ng sariling sentence yung English at Filipino teacher namin. Kapag nakalimutan ko yung ni-review ko at quiz day bukas sa History at puro pangalan ng hari at kung ano pang kaechosan at saktong di ko kilala, pangalan ng HR characters nilalagay ko. Bakit ba? Atleast may sagot.
Tapos hanggang isang araw, napag isipan kong may fb accounts kaya sila? Sinearch ko sa search bar and BINGO! Yehey! May account silaaaa. :)
Isa isa kong inadd lahat ng HR characters tapos feeling ko sobrang blessed ako kasi inaccept nilang lahat yung friend request ko. Heaven yun, fre.
Nagtititili ako sa bahay nung nakita ko yung itsura ni Justin. Ang pogi niya, grabeeeee.
Nang dahil din sa HR, nalaman ko kung ano yung portrayer, medyo nadissappoint ako kasi akala ko true story na yung HR. Hahahaha, pero okay lang.
Nang dahil sa HR, andami kong nalaman. Kung paano gumawa at pagandahin yung flow ng isang story, paano pakiligin ang readers, paano lagyan ng twist yung story. Naging stress reliever ko din yan, kahit paulit ulit kong basahin okay lang. Nagkaroon din ako ng friends, more friends should I say, ng dahil sa HR. Yung iba, kapareho kong HR fans, yung iba naman, members ng strawberry babies, at ang pinakamasaya sa lahat at walang halong echos, si ate Chicha. Syempre no, parang ang saya saya sa pakiramdam na nagkaroon ka ng friend sa online na kahit sinasabi ng iba na dangerous daw sa online. Well, minsan pero hindi naman palagi. Akala ko dati nung hindi ko pa siya na mi-meet maa-out of place ka pero hindi, mabait siya and kinakausap din naman ako.
And lastly, nang dahil sa HR, nalaman ko meaning ng Prologue and Epilogue. Seryoso, grabe nung napagtanto ko yun, feeling ko ang shunga shunga ko para hindi malaman meaning nun. Well, dati yun, hindi ngayon. ;)
Stay healthy and strong, Ms. Strawberry008! Congratulations po ulet and more blessings to come!
Xoxo,
Hannabebz (Jelly Feet XD)