Prologue

856 29 2
                                    

Story Title : Ssshhh!

Genre : Non Teen Fiction / Humor

Napairap sa kawalan si Pearl Marie dahil sa nabasang text message. Ibinaling na lang niya ang inis sa paghithit ng Marlboro na paubos na at may bakas ng mapulang lipstick niya.

"Badtrip naman oh!" malakas na sigaw niya sa kawalan.

Itinapon niya sa damuhan ng kabundukan ang naupos na sigarilyo. Nakatanaw lamang siya sa tahimik na siyudad. Nagiisip.

"Put*ng ina kung alam ko lang na hindi ako sisiputin ng gagong yun.."

Hindi na niya natapos pa ang kanyang sinasabi dahil may malalamig na palad na tumakip sa kanyang mga mata. Nagmumula ang kamay sa likod niya.

Ang kaninang namumuong galit sa kanyang dibdib ay tila nawala na parang bula. Maaring ito na ang taong kikitain niya. Kahit hindi siya sanay sa mga ganito ay sinakyan na lamang niya ang pausong ito.

"Sa ganda kong ito i-indiyanin mo ako? Asa! So ano yung text mo na hindi ka makakapunta. T*ng ina naman pinagloloko mo pa ako tapos ngayon.." naputol ang kanyang litanya dahil sa pagsuway sa kanya.

"Sshhhh"

"Hindi mo ako mapapatahimik unless kung hahalikan mo ako.." natatawang sabi ni Pearl kahit hindi niya nakikita ang kausap.

"Sssshhhhh"

"P*ta kanina ka pa Sshh ng Sshhh! Bakit may ibang tao ba sa paligid, babe?" naiinis na tanong niya. "Nasa paligid ba si Noreen?"

Ngayon ay nakakaramdam na siya nang pagkainis dahil sa hindi pagsagot ng kausap. Dahil dito ay tinanggal niya ang malamig na kamay na humaharang sa kanyang paningin at humarap sa kausap.

Gayon na lamang ang gimbal niya nang makitang hindi ito ang taong dapat kikitain niya. Isa itong binata na walang suot pantaas. Natawa siya sa hitsura nito dahil napakadungis nito.

"My god! Anong ginagawa mo dito? Kadiri ka, hinawakan mo pa ako."

Itinulak niya ang maduming binata. Bakas sa mukha nito ang takot habang patuloy sa pagsabi ng 'Sssshh at tila ba may itinuturo sa kanyang likuran.

Dala ng pagtataka sa binata ay lumingon si Pearl Marie sa kanyang likod. Isang malakas na tili mula sa dalaga ang nangibabaw sa madilim na kabundukan dahil sa nakita.

Copyright 2014 @vheloved.

All rights reserved. Portions of this publication may not be reproduced or transmitted in any forms without the acknowledgement of the author.

Note: Samahan mo akong tapusin ito hanggang sa dulo. -vheloved♥

Ssshhh! (NonTeenFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon