Silence.Katulad nang natunghayan nila sa ika-unang palapag ay nababalutan din nang manipis na tela ang mga salamin na nakatayo sa paligid nang ikalawang palapag. Kanya kanya silang tanggal nito at nakita ang kanilang sariling replesiyon sa salamin.
Samantala tahimik lamang sa gilid si Dennis dahil iniisip pa din ang nakita kanina lang. Iniisip niya na 'Kapag ba tumingin ako sa salamin makikita ko ulit yon?'
Nagpatuloy ang limang magkakaibigan sa pag-akyat sa ikatlong palapag at ika-apat. Natigil lamang sila nang magsuggest si Dennis.
"Gutom na nga ako tapos pinapagod niyo pa! Magpahinga na tayo!" pagpupumilit ni Dennis.
"Hindi! Aakyatin natin ito hanggang 8th floor!" pagmamatigas ni Jason.
Dahil sa pagod at gutom ay hindi na nakapagtimpi si Dennis. Hindi niya ugali ang magmura sa kaibigan pero ngayon ay ito ang naisagot niya dito. "Ulol, sige umakyat ka mag-isa mo!"
Nagpanting ang tainga ni Jason sa kanyang narinig. "Ay, tang-ina inuulol mo na ako?" tila naghahamon niyang tanong. Hinawakan naman ni Cedric ang kanyang balikat upang pigilan.
"Bakit sino ba nagsabe na bawal?" nakangising tanong ni Dennis na para bang nang iinis pa lalo.
"Napaka isip bata!"
Mabilis naman na nagsalita si Claudette upang maiwasan na lumaki ang away.
"Dennis tumigil ka na!" pagsaway niya dito. Tumingin siya kay Jason at ito naman ang pinagsabihan. "Jason, mabuti pa ipagpabukas nalang natin ang pagakyat at paghahanap kung may tao pa dito." nagbago ang boses niya na mula sa tonong nangsasaway ay naging malunanay.
"Oo pre, baka maubos ang gas nitong lighter ko. Di na ako mkakapagyosi." pag-sang ayon naman ni Ced
"T*ng-ina inuna mo pa talaga pagyoyosi mo!" sarkastikong sabat ni Jason sa kanya. Hindi na lang pinansin ito ni Cedric.
Ilang segundo ay kumalma nang kaunti si Jason. "Sige bukas na lang ulit." deklara niya.
Lihim na natuwa si Dennis dahil gusto niya ang nasunod.
**
Sa kalagitnaan nang pagkakatulog ng lahat ay bumangon ang isa sa kanila. Isinuot niya ang jacket na nakita sa sahig.
Tinignan niya bawat isa ang mga kaibigan upang ma-check kung tuluyan na ba silang nakatulog o hindi pa. Nang masiguro na OK na ang lahat ay nagpatuloy na siya sa binabalak.
Nagsimula siyang maglakad at pumunta sa hagdan papunta sa ikalimang palapag. Dahil madilim ay naglabas siya ng lighter at ang apoy nito ang nagsilbing liwanag sa paglalakad niya.
"Hoo! Ang lamig."
Mabuti na lang ay may suot siyang jacket para makabawas sa lamig ng gabi. Humalukipkip siya sa bulsa nito at nakita ang pakete ng sigarilyo.
"Yun, may yosi!" tila masayang sabi niya. Kumuha siya ng isa nito at sinindihan.
Nakarating siya sa ika-anim na palapag ng gusali at nakita niyang nakatanggal na ang mga tela sa mga salamin. Nanalamin siya at tila nagpopose sa harap nito. Nagmistula pa siyang kontrabidang karakter dahil sa paraan ng pagkakahawak sa sigarilyo. Ngumiti siya dahil natawa siya sa kanyang sarili.
Nagsimula na siyang maglakad muli paakyat sa ikapitong palapag at nagsindi ng pangalawang sigarilyo.
"Akala ata niya siya lang ang may kakayahan magsigarilyo." natatawa niyang sabi sa sarili.
Tumingin siya sa salamin dahil nakaramdam siya na parang may nakatingin sa kanya.
"Tsk, Sino yan?"
Naisip niya na maaring ito ang nakita nila bago pumasok sa gusali.
"Tang-ina, huwag naman sana multo. Kahit sino yun ang iisipin kapag sinabing lumang gusali. Sino ba naman nakaisip na may ibang tao dito? Baka multo, pwede pa!" nasabi niya sa kawalan.
Naramdaman niya na lalong lumamig kaya napayakap siya sa sarili.
Mula sa malayo ay may nakatingin sa kanyang isang babae. Malagkit ang paraan ng pagtingin nito. Ilang saglit lang ay naglakad ang babae papunta sa direksiyon niya. Nagulat siya sa pagdating nito.
"Puta! Nakakagulat ka naman!" tumigil siya saglit at tinignan ang kabuuan nang hubad na katawan ng magandang babae. Tinitigan niya ang malulusog nitong dibdib pababa sa pusod at sa pribadong parte na walang saplot. "Ooooh!" ito ang tanging salita na nasabi niya.
Ngumiti ang babae at idinantay ang braso sa balikat niya. Nagsalita siya "S-sino ka? Ikaw ba yung nakita namin kanina bago pumasok dito? Nanaginip ba ako? Siguro naman hindi ka panaginip? Ang ganda mo kasing panaginip eh." ngumiti siya ng nakakaloko.
Naramdaman na lang niya ang paglapit ng mukha ng babae at hinalikan siya nito sa labi. Umiwas siya at saka nagsalita muli. "S-sandali!" Natatawa niyang sabi dahil sa ginawa nito. "Sino ka muna? Gusto ko munang makilala ang babaeng dadalhin ko sa langit." mapang-akit na sabi niya.
Bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay may kakaibang tono dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman. Magsasalita pa sana siya nang patahimikin siya ng babae gamit ang hintuturo nito.
"Ssshhh!"
BINABASA MO ANG
Ssshhh! (NonTeenFiction)
Mystery / ThrillerHave you heard about succubus? Rated SPG! Warning: It contain scenes that are not suitable for ages 18 below. Read at your own risk!