Krystal’s POV
"Bryanne,Hubby! sorry na please? Hindi ko na po uulitin. Promise!" sabi ko kay Hubby habang nilalambing siya
"Ewan ko sayo." sagot nya
"Hubby naman~" hindi siya umiimik at patuloy ko siyang sinusuyo
"Hubbyyy~ I Love You!"
"Sorry na Hubby."
Hindi parin siya umiimik,nandito kami sa sala nila,nakaupo kaming dalawa sa sofa.Wala ang mama't papa niya kaya naman kaming dalawa lang ang natira sa bahay.
Si Bryanne ang boyfriend ko,4 months na kami at legal kaya naman hindi na namin kailangang magpasimple sa mga bagay bagay haha. Real Talk Mababaw rin kasi yang si Bryanne eh,Seloso rin.Yung tipong ngingitian mo lang ang isang lalaki,magagalit na? katulad kanina,nginitian ko lang yung dati kong manliligaw,nagalit na.Puro kasi negative,nakakalungkot.Maraming nagsasabi na ako daw ang lalaki sa relasyon naman.totoo naman,ako ang under, ako ang sumusuyo lagi, yung to the point na kahit siya may kasalanan,magagalit ako tas magagalit na rin siya, in the end ako na rin ang nagsosorry.
“Hubby~ Sorry na po.” Pagmamakaawa ko sakanya habang yakap yakap siya
“Wag ka ngang magulo.” Sabay alis sa yakap ko
“Hubby naman,nginitian ko lang naman eh,wala naming malisya doon ikaw lang mahal ko promise.”
“Ewan ko sayo,malandi ka.”
“Hubby, I Love You!”
“Ulul”
“Hubby naman~ “
“Ewan ko sayo.” Sabay punta niya sa kwarto at sinara ng padabog ang pinto
Hayy,eto nanaman. Si hubby kasi kapag galit yan mahirap suyuin,minsan lang maging sweet sakin yan.
Naglakad ako papuntang kwarto niya at kumatok sa pinto.
“Hubby,Im Sorry.”
Walang sumasagot,pumasok na akong kwarto niya at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at nakaharap sa pader
“Hubby,Bryanne. Sorry na kasi.” Suyo ko sakanya habang nakapatong ang kamay ko sa bewang niya,umupo ako sa higaan niya at hinalikan siya sa noo.
“Hubby magsalita ka naman oh.”
“Anong sasabihin ko?” sabi niya
“Hubby,patawarin mo na ako,sorry sa nagawa ko.”
“Ang landi mo ewan ko sayo pakyu.” Sabi niya,damn lumabo ang paningin ko at may mga pumatak na luha galing sa mga mata ko,agad ko naming pasimpleng pinunasan upang hindi niya makita.
“Hindi ako malandi,hubby sorry na talaga.”
“Ang landi landi mo alam mo yun?” pasigaw niyang sinabi
Hindi na ako umimik sa sinabi niya at inalis ang kamay na nakapatong sa bewang niya,wala na,patuloy nang umaagos ang mga luha sa mga mata ko,lagi niyang sinasabi sakin yan lalo na pag galit siya,kaya ayokong nag aaway kami kasi,pag galit siya kung anu-ano ang mga sinasabi niyang masasakit sakin. Tumalikod ako sa kanya at dahil nakatalikod din siyang nakahiga sa akin,hindi niya ako nakikita na umiiyak ako. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga kamay ko at pinunasan ko gamit ang aking palad,patago akong umiiyak sakanya kaya naman tahimik lang ako,pilit kong wag humikbi dahil baka marinig niya,pero huli na ang lahat.
Napahikbi ako,at tinakpan ko agad ang aking bibig at patuloy na umiyak,naramdaman kong gumalaw ang higaan at naramdaman kong may yumakap mula sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Ang Under kong Girlfriend.
FanfictionMeet krystal, ang understanding na girlfriend ni Bryanne. At kapag sinabi kong UNDER si Krystal, wala na siyang pride. Dahil sobrang bait niya kay Bryanne,kahit si Bryanne ay binabalewala lang siya,Pero anong mangyayari kung nagising sa katotohanan...