PNY1: ANG SIMULA

4.6K 124 10
                                    

Update!

Flex ko lang yung bago kong story which ito yung 2nd part ng Hindi Tayo Pwede season 1.

Thank you nga pala sa mga nagbasa non and i really really appreciate it!

Intay na lang sa susunod na update kasi marami din naman akong problema sa buhay...hahahaha

ANO BA ANG BAGO:

-may madadagdag na character
-hahabaan na ni author yung story😂
-organized sequences
-more on professionalism
-mas nakakaiyak at nakakakilig

So ayun muna.... thank you ulit sa mga nagvovote jan! Hope na mabasa nio rin ito..lovelots!

_dolceamore23

Sypnosis

Lumipas ang limang taon at naging stenographer nako sa Japan. Nakapagpundar narin kami ng bahay ni nanay at masasabi kong maginhawa na ang buhay namin doon..

"Nak, hindi mo pa ba tinatanggap yung alok ni Mr. Wushu na don ka sa Pilipinas mag-iistandby para sa 8-month practice mo para maging ganap ka ng stenographer ng buong Japan? Sayang naman anak yung pagkakataon kung hindi mo pa tatanggapin?"

"Sige nay, para matahimik na kayo... tatanggapin ko na yung alok ni Mr. Wushu.. happy?

"Ayy! Salamat naman anak kung ganoon!" Sabay yakap sa akin ni nanay ng mahigpit..

"Gusto ko lang naman kasi anak na matupad na ng tuluyan yang pangarap mo... atsaka wala ka namang tinataguan don sa Pilipinas diba?"

"Wa-wala po nay.."

"Naku nak! Wag ako! Alam mo sa sarili mo na hindi ka pa nakakamove-on don sa Gray na yun.."

"Ano ba nay! Nakamove-on na ako noh! 5 years na ang nakakalipas at nakalimutan ko na siya sa isipin ko pero pinaalala niyo naman ngayon nay!"

"Eh papano kapag nagkita kayo? Anong gagawin mo?"

"Edi wala! Ano ho bang gagawin ko? Maglupasay sa tuwa? Atsaka nay, wag na nga natin pag-usapan yan..sa makawala na po ako lilipad kung ano ano pa yung pinag-uusapan naten.. halika na nga po't mag ayos ng dadalhin ko"

"Mas mabuti pa nga.. oh pano, mag-iingat ka doon hah kapag nandon ka na? Tawagan mo lang ang nanay kapag may problema.. hindi rin naman kita masasamahan don dahil may trabahi din ako dito.."

"Nukaba nay! Ayos lang atsaka malaki na ako noh! Yakang yaka ko na toh atsaka walong buwan lang ako don tas uuwi rin ako dito.."

"O sige, sabi mo eh.."

Sa paglipas ng limang taon, hindi ko na dapat ipakita yung pagkamahina ko.. hindi na ako yung Zhie na nagpakatanga sa kaniya.. pustahan may pamilya na siya doon kapag nagkita kami AT hindi ako affected noh! ang iisipin ko na lang ang yung career ko tutal yun naman talaga ang ipupunta ko doon diba?

Ano kaya ang mangyayari kung magkatagpo ulit si Zhie pati narin si Gray? Magkakaroon ba ng kapatawaran o ibabaon na lang sa limot ang nakaraan? Tunghayan ang susunod na kabanata ng Hindi tayo Puwede Season 1 na pinamagatang

PWEDE NA...YATA?










Zhie's POV

5 years later...

Limang taon nang nakakalipas bago ko lisanin ang Pilipinas. Baon-baon ko noon ang tatag at tapang sa sarili papunta sa ibang bansa at iniwan ang masalimuot kong nakaraan..

Una kong buwan sa Japan ay talagang nanibago ako. Isama mo pa yung bigat na nararamdaman na hindi talaga matatanggal dahil sa niloko ako. Halos hindi ako noon kumain dahil nakakulong ako sa kwarto.

Hindi ko pala talaga kaya...

Hindi ko pa kaya noon iwan lang basta-basta yung mga pinagsamahan namin... masakit sa tuwing naaalala ko yung mga araw na lagi kaming kasama.. yung mga titig niya, kung pano niya ako ngitian, yung paghawak niya at lahat-lahat na... hindi ko yon makakalimutan...

Pero...

Tapos na... ayoko na ulit magpakatanga.. hindi na ako yung Zhie na mahina noon.. ipapakita ko yung bagong Zhie na hindi na natatakot masaktan at yung Zhie na handang lumaban dahil malaki na ang pinagbago ko. Hindi ko na dapat sinayang yung mga oras na dapat sanang inalaan ko na lang sa pag-aaral.. edi sana, katulad ako ngayon noon..

Masaya ako ngayon dahil sa wakas, isa na akong Stenographer sa Japan. Tuluyan ko nang natupad ang pangarap ko. Salamat na lang sa kaniya dahil ginawa kong inspirasyon yung panloloko niya upang makabuo ako ng mas mataas at matatag na pangarap.

Habang naglalakad ako ay bigla akong tinawag ni Elizabeth, steno rin siya kagaya ko at pilipino den.

"Ui Zhie, bakla ka! Tawag ka ni Mr. Wushu at may importante yatang sasabihin! Mukang ikaw na nga yata ang napili sa court naten para maging steno sa buong Japan! Kalurkey ka hah! Goodluck! Sige na, may pupuntahan pa akong appointment haha bye!"

Napatawa na lang ako dahil sa pagkakalog niya.. nagkakilala kami ni Elizabeth sa Domyeoung University.. scholar siya don at saktong parehas ang kinukuha naming course.. then ayon, grumaduate kami ng sabay and then naging close friends kami..

Dumiretso na ako sa office ni Mr. Wushu at kumatok ng tatlong beses..

Binuksan naman ng assistant niya sabay pagpapapasok sa akin..

"Misutā wushu, watashiwoyonde imasu ka?" (Mr. Wushu, pinapatawag niyo daw po ako?")

"Hai, misutā. Corpusz jissai ni watashi wa anata o teikyō shitainode anata ni denwa shi, sore ga anata o takusan tasukeru to kakushin shite imasu" (oo Mr. Corpusz, actually kaya kita pinatawag ay dahil may gusto akong ioffer sa iyo and im sure na malaki ang maitutulong nito sayo..")

"Sorehanandesuka?" (Ano po iyon?")

"Anata o zenkoku-soku kisha ni shitaidesu. Watashi wa anata no shigoto ni taisuru anata no kanōsei to kenshin o mite, anata wa koko no kashikoi hito no hitoridesu.." ( gusto kitang gawing stenographer sa buong bansa. Nakikita ko ang potential at dedication mo sa trabaho plus isa ka sa matatalino dito.")

"Mōshide o arigatōgozaimasu. Shikashi, naze watashidesu ka? Watashi wa shoshinsha de, manabu koto ga takusan arimasu." (Maraming salamat po sa offer sir. Pero bakit po ako? Baguhan pa lang po ako dito at marami pa po akong aaralin..)

"Kantorī-soku kisha to shite renshū suru no ni jūbun'na jikan to tsuki o ataemasu. Byōki wa misutākōpasu o tsurete ikenai.." (laya nga bibigyan kita ng sapat na oras at panahon para makapag ensayo bilang stenographer ng bansa... i'll dont take as a no mr. Corpusz..)

"E e, doko de renshū shimasu ka?" (Eh sir, saan po ba?)

"Firipin de.." (sa Pilipinas..)

"Firipin de! ?" (Sa Pilipinas!?)

"Hai, naze mondai ga aru nodesu ka?" (Oo, bakit may problema ba?)

"Wa-wara pō sā.." (wa-wala po sir..)

"Moshi sōnara, yokujitsu anata no kotae o matsu dakedesu." (Ok, aantayin ko na lang ang sagit mo the following day... you may leave now..)

Nagbow ako sabay labas ng pinto...

Anubayan! Ang ganda nga ng offer pero...

BAKIT SA PILIPINAS PA!?

hindi ba pwede sa Thailand or sa Korea man lang? Pilipinas talaga hah?

Hayysssttt, iniistress ako nito.. makauwi na nga muna at nakakaimbyerna!









Pwede na Yata ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon