PNY4: ANG PAGKIKITA

2.3K 103 4
                                    

Zhie's POV

Andito ako ngayon sa OS Court para simulan na ang training ko bilang official na Stenographer sa Japan and all i can say is.. TAE SOBRANG HIRRAAAPP!

Andaming checheburetse at pati yung pagtipa sa computer ay dapat sauluhin din.. (Hindi naman ako bobo noh!)

Andami ko ring sinaulong words na gagamitin kapag nasa actual decree na ako... ang hihirap ng mga words teh!

Matapos ang ilang oras ay nakabisa ko naman sila lahat... saktong nagring na ang bell don hudyat na lunch time na..

"Hayyy makakain na nga... parang natuyo utak ko don ah" sabay masahe ng sintido ko..

Naglakad na ako papuntang canteen at umorder na ako ng makakain..

Habang nakain ako ay tumunog yung cellphone sa bulsa ko.. siyempre kinuha ko yon alangan naman pabayaan ko.. common sense diba?

"Zhiee! Good morning! Nasan ka ngayon?" Tanong ni Larx..

"Nagtetraining ako ngayon sa OS Court.. ang aga mo naman yata tumawag Larx?"

"Ayy sorry hinahanap kasi kita kina Drew then sinabi niya na umalis ka daw ng umaga kaya tinawagan kita..."

"Ahh ganon ba?"

"Oo, ganon yon... hahaha joke anong oras ba uwi mo?"

"Hindi ko pa alam eh.. siguro mga hapon na.. marami pa kasi akong sasauluhin at gagawin dito.."

"Gusto mo bang sunduin kita para hindi ka na mahirapan sa pag-uwi?"

"Ay naku! Wag na! Baka nakakaabala ako sayo.. atsaka baka may pasok ka den.. ikaw din yung mahihirapan niyan.. kayo ko naman umuwi mag-isa.."

"Hindi ayos lang.. tutal same way din naman yang OS Court sa Company namen eh kaya ok lang.. sige hah? Basta aantayin kita don sa parking lot.. bye!"

"Teka Larx!" Hindi ko na natuloy kasi bigla niyang pinatay yung tawag..

Mapilit din ang isang toh, bayaan na nga! Lumalapit na ang bigas kaya tutukain ko na! Hahahaha

Tinapos ko na yung pagkain ko at bumalik na ako sa loob..

"Mukang duduguin ako nito ulit ah?" Pagkakita ko sa patong patong na books na alam kong papasauluhin sa akin ng trainor ko...









Gray's POV

"Sir, remind ko lang po na ngayon po yung schedule ng pagmeet niyo sa pinadala ni Mr. Wushu na trainee galing Japan... 1:30 po sa OS Court.."

"Ok, thank you Sasa.."

"Your welcome sir.."

Tinuloy ko na ulit yung pagbabasa ko about sa company fund namin na gagamitin para sa pinadalang trainee ni Mr. Wushu..

Wait, sino ba yung pinadala niya? Nakapag-usap na nga kami ni Mr. Wushu through skype pero bakit hindi ko natanong kung sino yung pinadala niya? Hayyysssttt, mamaya na nga lang tutal magkikita naman kami mamaya.

Lumipas ang mga oras at 1:00 na sa wrist watch ko.. Inayos ko na yung dadalhin ko at pinahanda ko na kay Sasa ang sasakyan ko...

Kkkkkrrrrrrrriiiiiinnnnnnggggggggg

"Hello, Mr. De la Fuente, on the way nako yan sa OSC.." sabi ko habang nagdadrive..

"Ok po sir, ireremind ko na lang po si Mr. Corpusz sa pagdating niyo..."

"Ok... Wait! Mr. Corpusz bakamo?"

"Yes sir, diba po siya yung pinadalang trainee dito galing Japan?"

"Ah ye-yes... sige ibaba ko na toh at malapit nako.."

"Ok po sir.."

Sa sobra kong kaba ay muntik na akong mabangga ng isang truck na palabas sa kabilang daan..

Dug dug dug dug dug dug

Hinawakan ko yung kanan kong dibdib at sobrang bilis at lakas ang pagtibok ng puso ko..

Mr. Corpusz? Gray! Napapraning ka lang.. hindi siya si Zhie.. baka, baka kaapelyido niya lang... Tama! kaapelyido niya lang yun...

Pero...

Pano kung si Zhie nga yung mami-meet up ko? Takte anong sasabihin ko!?








Zhie's POV

Nandito na ako sa isang room kasi sabi ni Mr. De La Fuente ay kakausapin daw ako ng may-ari ng court nato..

Mas nadagdag yung kaba ko nang sabihin niya na malapit na daw yung kakausap sa akin... shheeemmmss parang may kakaiba akong nararamdaman...

Makaraan ang ilang saglit ay bumukas ang pinto at pumasok si Mr. De la Fuente...

"Mr. Corpusz, andito na yung may-ari ng Court na ito.. please be prepared and then greet him, ok?"

"Ok po.."

Tumalikod muna ako sandali at pinaypayan ko ang sarili at huminga ng malalim...

Whoooo! Inhale... exhale... kaya mo toh!

Ilang sandali pa, narinig ko ang pagbukas ng pinto at narinig ko ang baritonong boses..

"Goodafternoon.."

"Ah mr. Eto na po yung trainee.. mr. Corpusz?" Sabi ni Mr. De la Fuente..

Ok ito na..

Humarap na ako at..

"Goodafternoon po! Ako po si Zhie Corpusz galing Japa-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng...

Dug dug dug dug dug dug dug dug

"Ge-gray??"




















Takte! Bakit siya pa!??

Pwede na Yata ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon