Umpisahan natin dito, kung saan walang kami. Ako lang walang iba, kundi ang sarili ko. Kwento ko muna ilang taon na ko nag eexist sa mundo. Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na bente syete na ako ngunit NBSB pa rin ako? Oo! tama yang nababasa mo!
Wag mo na ulitin at hindi ka naduling, kaya nga minsan nakakashet ang tingin ng ibang tao sa akin. Wala lang nashare ko lang kasi wala naman ako ibang mapag kwentuhan. Yung iba kasi sa paligid ko usi lang para lang may mapag chikahan.
Pero wait wag ka muna maging judgemental. Di naman lahat ng share ko dito ay always sentiments lang. Baka may mapulot ka rin naman na konting aral.
Ano nga ba ang buhay naming mga NBSB. Curious ka ba kahit konti lang? Malamang sa alamang, kung curious ka ay kagaya rin kita o baka naman nakakarelate ka lang talaga. Pwede rin naman, usi ka lang din kagaya ng iba.
Bakit nga ba ako biglang napasulat? Marahil dahil wala naman ako magawa kasi nga wala naman akong jowa. Tamang tambay lang mag isa sa bahay kaya napadpad ako dito sa wattpad. Linggo ngayon malamang bukas, ang tanong na naman sa akin, "san ka nung weekend?" o di kaya "ano ginawa mo nung weekend?".
Minsan mapapa Haiiiistt ka nalang talaga, sabay buntong hininga. Pano ba naman paulit ulit lang naman sila. Di na sila nasanay alam naman nila na palagi lang ako sa bahay. Ang ginagawa ko lang matulog, kumain, minsan magbasa ng manga or novel o kaya mag movie marathon. Minsan mga bibig nila, pasmado at di man lang marunong magpreno. Oo na sige na ako na ang walang jowa!
May mga oras din naman na napapaisip ako, kung sadyang panget lang ba talaga ako? Panu ko ba idedescribe sarili ko? Wag nalang para di masira ang araw niyo. Baka di lang talaga ako kagusto gusto. Karamihan naiintimidate sa akin kasi daw ang strong ng personality ko. So paano ako ba dapat mag adjust? Sabi pa nila ang sungit ko kaya tatanda talaga akong dalaga.
Yan ganyan sila. Ginagamit pa ang pag susungit ko. Kaya patanda na talaga ako dalaga. Sila ang nag bibigay curse sa akin. Subukan niyo kaya lumagay sa sapatos ko? Gustuhin ko man magjowa, wala naman ako majojowa. Ako ba dapat ang gumawa ng moves para mapa oo lang sila?
Anu tinatamad ka na ba magbasa sa mga kwento ko na walang halaga? Ok lang, ako nga tinatamad na din magsulat, pwede mo naman ako wag pansinin kung sayang ang time mo sa akin. Pero kung kaya mo pa stay ka lang. basahin niyo lang to baka sakali matuwa ka, at masabing mas swerte ka sa akin.
Samahan niyo ako, ishare ko sa inyo ang buhay NBSB ko.
YOU ARE READING
Buhay NBSB (No B.F Since Birth)
RandomIn this world full of couples... There I am! standing around them! Single? NBSB pa nga ang sign na dapat ko ilagay sa aking forehead. Ang saya nila di ba? Tayo ba na NBSB masaya? Minsan oo, minsan nakakafrustrate. Kung gusto mo malaman bakit, ilalah...