Ako'y pagpasensyahan sa aking "kabusy-han". Ilang araw ako'y nawala, ngunit ako ay nagbabalik upang kwento na sinimulan ay akin nang madugtungan.
Naikwento ko na nga ang pagiging pulutan sa lahat ng handaan. Ramdam niyo ba ang pressure sa aking katayuan?
Naranasan niyo na ba manuod ng sine mag-isa? Ako madalas! Bakit nangyari sa akin to? Mga walang hiyang kaibigan ko kasi, ayaw sa akin sumama. Maghanap na daw ako ng makakadate. So ang ending ang isisi na naman sa aking pagiging loveless ng halos tatlong dekada. Tuwing malalaman naman nila tawa ng tawa. Anung ba ang mali sa panunuod ng sine mag isa. Muka daw ako tanga? Pake ko ba kung ganun ang tingin nila. Wala naman ako matandaan na may nakalagay sa mga sinehan na required may kasama?
Dumako naman tayo sa pag kain sa labas mag isa. Hindi ko maintindihan bakit pati yun dapat pakialaman. Maraming beses na ko muntik makasabunot ng mga taong pakielamero at nagmamagaling. Pero may isa, na di ko talaga makalimutan. Bakit kamo? Maka comment si ate dahil nakahead set ako akala niya di ko naiintindihan "sigurado ako single yan beh, loner si ate eh, kumakain ng nakaheadset" sabay tingin ng jowa. Sarap tusukin ng fork ang kanilang mga eyeballs. Napa jusko lord nalang ako. Kasi utak ni ate napakababaw. Tanggap ko naman na wala akong jowa, gusto ko nga siya ayunan at sabihan "In fact di lang single, NBSB po to be exact". Kaso ang di ko makuha, kaylan pa naging equivalent ng pagiging loveless ang pagiging loner at nakaheadset habang kumakain? Seriously? San galing yun. Dahil kung si Einstein nagsabi nun baka sakali maniwala ako. Hindi na pwede na music lover lang? O kaya gusto lang ng sariling mundo at katahimikan?
Ito na last na, kung di niyo kasi natatanong si ate girl niyo na ito ay adventurer minsan. Kalahi ko yata si Dora pagdating sa pagiging explorer at adventure seeker. At dahil nga, ang mga kaibigan ko ay killjoy pati na rin ang aking mga workmates, wala ako magawa kundi maging solo joiner. Yes ! Madalas ako sumama sa mga lakad ng iba. Uso kasi sa akin maki join sa mga group adventure. Kahit di ko kilala mga kasama, gora! Kaso alam niyo na madalas ang kasama ko magjowa o di kaya isang barkada. Ako na si mahiyain sa una, ang awkward ng mga tingin nila. Kasi siguro nagtataka sila dahil wala man lang ako kasama kahit isa. Nakaka offend lang din minsan sasabihan ka pa nila, bakit mag isa ka? Bakit wala si jowa? Alam mo yung gusto ko nalang mag wala. Pwede ba magtanong muna kung may jowa talaga? o kaya di ba pwedeng ang itanong wala la friends kasama? Pwede din naman na wag nalang itanong kasi naman dumating nga ako walang kasama mga ate at mga kuya.
Hay naku talaga! Buhay ko naman talaga, masama na ba ngayon na lumakad mag-isa ? Sign of being strong independent human kaya ang mag-isa.
YOU ARE READING
Buhay NBSB (No B.F Since Birth)
RandomIn this world full of couples... There I am! standing around them! Single? NBSB pa nga ang sign na dapat ko ilagay sa aking forehead. Ang saya nila di ba? Tayo ba na NBSB masaya? Minsan oo, minsan nakakafrustrate. Kung gusto mo malaman bakit, ilalah...