'What's your ideal man?' Minsang tanong sakin ng bestfriend ko. For a moment napaisip ako. Ano nga ba? Hmmm. Syempre gusto ko yung katulad sa nababasa ko sa mga books lalo na sa wattpad. Hahaa. Grabe no? Sobrang taas ko mangarap. Gusto ko syempre matino. Yung lalaking walang bisyo hindi umiinom hindi rin naninigarilyo. Gusto ko mahilig sa sports, yung may pangarap sa buhay lalong lalo na hindi tambay. Ganun lang kasimple.
Nakakatawa lang kasi nung sinabi ko sa bestfriend ko tinawanan lang ako. Like duh? May lalaki pa daw bang matino ngayon? Grabe sya no? Wala na ba? Bat nya pa ko tinanong tas pagtatawanan lang din naman nya. Tsk. Kaloka. Sarap niya itapon. Haha
Since bakasyon ngayon wala akong ginawa maghapon kundi tumutok sa laptop at cellphone ko. Gosh! Napakaboring! Sobra. Pero syempre ayoko namang gumala no. Haha. Nakakatamad lumabas. Mas gugustuhin ko pang mamatay sa boredom kaysa maggala sa labas. Nakakapagod lang. Itulog ko na lang.
Scroll scroll lang sa fb and then napangiti ako. Haha. May shinare kasing memes yung long time crush ko. So ayun nagreact naman ako agad ng 'haha' papansin lang. :P
Btw. His name is Lexter Helarion. Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sakanya at nasabi kong long time crush ko sya. Sikat siya samin kasi isa siyang basketball player, madalas MVP pag may paliga samin. Yun lang. And wala na akong mahanap na rason para magustuhan pa sya.
Since highschool crush ko na sya. And alam mo kung anong nakakatawa? Magkapitbahay lang kami! As in magkatapat pa nga. And syempre we're not close! Di kami naging close and never pa kami nag usap. Except nung mga panahong inaasar niya ko nung mga bata pa kami. Badtrip. Haha
Kuntento naman na ko sa pasulyap sulyap sa kanya ee. Tamang titig lang sa kanya pag nakatalikod. Umaasa na mapapansin niya. Haha. Pasekretong nagchicheer pag may mga laro siya. Ganun lang. Close ko yung papa at mama niya pati mga pinsan. Hindi ko alam kung bakit siya parang napakaimpossibleng kausapin. Bat kaya? Siguro may lihim din tong pagtingin sakin. Hahaha. Syempre asa naman diba? Sa dami ng babaeng umaaligid sa kanya natabunan na ako.
Syempre hindi lang din naman siya yung naging crush ko. Nagkakagusto din naman ako sa iba. Kaylangan ko kasi siyang kalimutan ee. Hahaha. Ayoko i entertain yung nararamdaman ko sa kanya. Natatakot kasi akong baka kainin ko yung prinomise ko kila mama at sa sarili ko.
'dapat piliin mo yung gugustuhin mo ah! Ayaw namin ng tambay'
'wag yung may bisyo' pangaral nila mama sakinSabi ko naman never ako magkakagusto sa lalaking walang pangarap sa buhay. Gusto ko yung hindi tambay. Yan yung palagi kong sinasabi sa sarili ko at sa kanila.
Bakit nga ba hindi pwede sa kanya? Unang una sa lahat tambay po siya. Yes po. Opo! TAMBAY. Nakatapos ng highschool pero di na tinuloy ng college pano puro basketball na lang inaatupag. Pinapaghanap ng trabaho ayaw din palibhasa bunso. Tsk. Kung tutuusin papasa na sya ee. Walang bisyo? Check! Umiinom pero minsan lang and hindi sobra sobra. Pwede na sana kaso yun nga.
Pero kasi pasaway yung heart ko. Automatic ding napapangiti yung labi ko pag nakikita ko sya. Hays. Is this love? Pano pa ko makakaahon?
Until one day nagulat na lang ako bigla kasi siyang nagmessage sakin. Syempre kinilig naman ako!!! Nireplayan ko kahit di ako sure kung bakit at kung anong meron at bigla syang nagchat sakin. Syempre ayoko namang sabihin niyang snob ako no. Alam ko kasi yung pakiramdam ng siniseen lang. Masakit kaya yun. Hahaha
Pero kung alam ko lang, sana hindi ko na lang pinansin. </3
It all started with that one message. Nakakatawa lang kasi ang daldal namin pareho through text and chat. Until niyaya niya ko gumala kasi may sasabihin daw siya sakin. It's so uncomfortable kasi nakakahalata na ko. Alam ko na kung san papunta. Dapat nga diba kikiligin na ko kasi sa wakas heto na. Ika crush back niya na din ako! kaso kabaliktaran na yung nararamdaman ko. Nung time na yun parang gusto ko lang gumising, sana panaginip na lang kasi for a moment natakot ako kasi nga hindi naman kami pwede.
