Chapter 0

36 4 2
                                    

Lily's P.O.V.

Excited ako ngayon dahil ito na ang araw na hinihintay ko.

Ang makasal sa taong mahal na mahal ko. I've waited too long for this day so there's no time to waste.

"Oh my-- Lily!" Napalingon ako ng tawagin ako ng matalik kung kaibigan na si Angie. Kaya napangiti akong lumingon sa kanya. "Ang ganda-ganda mo! Huhuhu!" Dagdag nito at niyakap ako ng makalapit ito saakin.

"Salamat!" Pasalamat ko sakanya at parang maiiyak na ako dahil ako pa naman ang ka una-unahang ikakasal sa barkada namin.

Kumawala siya sa yakap niya at pinunasan ang mga luha nito.

"Ayan tuloy nasira na ang make up mo. Wag ka ngang umiyak, nadadala ako sa yo eh." Sabi ko sakanya at tatakpan sana ang mukha ko dahil naiiyak na din ako pero pinigilan niya ako.

"Hoy! Wag ka ngang magpadala sa emote ko, baka pati yang make up mo masisira pa. Hindi mo ba alam na ang mahal ng ibinayad natin sa make up artist mo!?" Nginitian ko na lang siya.

Bumukas yong pintuan ng kwarto kung nasaan kami ngayon at pumasok ang dalawa ko pang matalik na kaibigan na si Bless at Mia.

Ngumiti si Bless saakin pero napansin kung malungkot ang mga mata niya. Niyakap niya ako. "Lily..." Mahina niyang sabi kaya napangiti ako at niyakap din siya.

Nang natapos ang yakapan naming dalawa lumapit si Mia saakin. "Condolence." Sabi niya kaya tumawa ako.

"Pfft. Ikaw talaga Mia." Sabi ko sakanya at hinarap ang tatlo kung kaibigan. Lima kami sa magba-barkada, wala dito yong isa kasi busy sa reception ng kasal ko. Sa totoo lang silang apat yong naghanda talaga ng kasal namin ni Kyle, kaya ang saya ko dahil may mga kaibigan akong tulad nila. "Maraming salamat sa lahat, hindi ko makakalimutan ang araw na ito.." Sabi ko sa kanila at ngumiti naman sila saakin. "Sa wakas, ikakasal na rin ako kay Kyle."

Napatingin si Bless kay Mia at tumango naman si Mia ng ikina lito ko naman. Luh. Ayaw ba nila akong ikasal kay Kyle ng biglaan?

"Angie, mag-usap muna tayo sa labas. Sandali lang naman." Sabi ni Bless kay Angie ng ikasalubong nman ng kilay ni Angie.

"Okay. Wait lang Lily." Sabi nito at lumabas na sila ng kwarto.

Habang na sa labas sila, inaayusan naman ako ni Mia, pero bigla bigla na isip ko nalang kung ano ang pinag-uusapan ni Bless at Angie.

Tinignan ko si Mia. "Ano bang problema? Bakit kakaiba yata ngayon si Bless, Mia?" Tanong ko sakanya pero ningitian niya lang ako. "Seriously Mia. Kinakabahan ako ngayon."

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok na si Bless at Angie. Lumapit si Angie saakin na parang galing lang sa kakaiyak. Hinawakan niya ang dalawa kung kamay.

"Ano ba talaga ang problema Angie? Bless? Mia? Please naman oh! Kinakabahan ako sa inyo!" Naiiyak na sabi ko.

Jino joke ba nila ako? Ano ba naman toh! Ayaw ko ng joke ngayon!

Tinignan ako sa mga mata ni Angie. "Lily, si ano.. Kasi. " Bumuntong hininga ito. " Si Kyle hindi na makakapunta sa kasal niyo." Sabi nito saakin.

"A-ano?" Tanong ko. Parang mali yata yong narinig ko mula sa kanya.

"Umalis si Kyle at pumunta sa ex niyang si Kally. We did everything to change his mind to stay with you, but he refused. At ngayon na ang flight niya papuntang U.S. para iwanan ka." Diritsong paliwanag ni Bless na hindi nakatingin saakin. She was looking outside the door na parang galit na galit.

"We even tried to cancel their flight pero pinalabas kami sa airport because Bless almost killed him." Paliwanag naman ni Mia saakin.

"I'm sorry Lily. This must be your special day but he.... Damn that fucker!" Sabi ni Angie at lumakad papunta malapit sa CR at may tinawagan sa phone niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Villainess and the Seven PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon